Chapter 12

15.9K 430 28
                                    

Gorgeous Crying Baby

Lubos na ikinabagabag ni Claudine ang mga pangyayari na naganap kanina sa loob ng building ng Samonte's Empire.

Hindi sya makatulog dahil sa nangyari kanina. Bakit  iyun nagawa ng kanyang boss? Anong dahilan nito?

[Flashback]

Nagmamadaling tinawagan ni Claudine si Jonathan gamit ang telephone na nakapatong sa kanyang table.

Gusto nyang humingi ng tulong sa pinsan nito. Hindi naman nya kasi alam kung ano bang nangyari sa kanyang boss, pero sigurado syang alam ito ni Jonathan. Of course they are cousins.

After siguro ng ilang segundo ay sinagot na nito ang tawag mula sa kanya. Nangangatal ang kanyang mga kamay habang hawak ang telepono.

(Yes hello?)

"J-jonathan?"

(Oh, is that you Claudine? My beautiful friend?)

"Oo ako nga"

Nagpapasalamat sya sa compliment nito pero wala sya sa tamang oras para makipaglokohan rito.

(So, why did you call me? Namiss mo agad ako ano?)

"Something happened, pwede bang pumunta ka rito ngayon din?"

(Wait a minute, can you give me a hint kahit kaunti kung anong nangyayari dyan sa kumpanya?)

"Si Sir. Sean kasi eh, basta nalang nagalit nang may makita syang picture. Ibinagsak pa nga nya iyung picture frame"

(That's it? Baka bad mood lang iyung pinsan ko)

"No, I know there's something in him. Please come here!"

(Ok, pupunta na ako right away. Ikaw na muna bahala sa pinsan ko habang wala ako)

"Sige" mabilis nyang tinapos ang tawag at nagmadaling lumapit sa pinto ng opisina ng kanyang amo.

Huminga sya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa pinto. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto bago pumasok.

Ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang parang dinaanan ng bagyo ang opisina nito.

Nagkalat ang mga files, laptop, pens at kung ano-ano pa sa sahig. Nakataob ang mga sofa at table. Basag ang vases at nagkaroon ng cracked ang makintab na mga bintana.

Pero mas nakakuha ng atensyon nya ang kanyang amo na nakayuko habang naka-upo sa sahig. Duguan ang mga kamao nito. May ilang butil ng tubig sa sahig na inuupuan nito, butil nga ba ng tubig o luha?

"Sir. Sean!" naiiyak syang tumakbo palapit rito bago hinawakan nya ang makinis nitong mukha at inangat ito para makita ng buo ang mukha nito.

Mas napaluha pa sya nang makitang patuloy na umaagos ang mga luha nito mula sa hilam na mga mata nito.

Pero ganun nalang ang pagtaas ng mga balahibo nya sa katawan nang manlisik bigla ang mga mata nito. Nakakatakot.

"What are you doing here bitch?!"

Umawang ang kanyang bibig at bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. T-tinawag sya nitong bitch?! Pero bakit?!

"Sir, ano po bang nangyayari sa inyo? Ayos lang po ba kayo?"

"Do I look like fine?! After I saw the f*cking picture of her?" kumunot ang noo nya, ano bang tinutukoy nito?

Iimik pa sana sya pero ganun nalang ang gulat nya nang sakalin sya nito bago isandal ng malakas sa dingding. She can't breath!

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon