Chapter 37

20.1K 562 43
                                    

Comatose

Napahiwalay si Claudine kay Sean nang may bigla nalang humila sa kanya mula rito. Nanlaki pa ang mga mata nya nang makitang masamang nakatingin sa kanya si Lorena.

"Lorena, let go of her!"

"Let go of her?! Sean, sinisira nya iyong kasal ko! Sinisira nya iyong kasal natin!"

"Stop it Lorena! Wala ng kasal na magaganap!" sigaw pa ni Sean rito kaya ito napa-iling-iling.

"After lahat ng paghihirap ko, hindi matutuloy ang pinapangarap kong kasal?! No way!"

"Lorena, tama na itong mga pinaggagagawa mo. Sumusobra kana" mahinahong sabi ko.

Gusto nya itong maka-usap ng matino, baka kasi once na lumakas ang boses nya o medyo tumaas ay baka isipin nitong kinakalaban nya ito.

"Lorena, anak! Ano ba itong pinaggagagawa mo?! This is so embarrassing!" sigaw ng Tita nya whic is ang ina ni Lorena.

"No Mommy! Kung hindi kami maikakasal ni Sean, hindi rin ako papayag na maikasal sila ng ahas kong pinsan someday!" sigaw ni Lorena sa sariling ina at may hinugot pa na kung anong bagay mula sa ilalim ng gown nito.

Napamulaga sya nang makitang may hawak na ang kanan nitong kamay ng baril, hawak naman ng kaliwa nitong kamay ang braso nya.

Napapitlag sya nang mag-iba ang posisyon ng pagkakahawak nito sa kanya, napunta iyon sa leeg nya. Nakapulupot iyong braso nito sa leeg nya at nakatutok ang baril sa ulo nya, she is now Lorena's hostage.

"Damn you, Lorena!" bulyaw ni Sean rito.

"Daughter, what are you doing?" gulat na gulat na tanong ng ina nito pero hindi iyon pinansin ng pinsan nya.

"Hwag kayong lalapit, babarilin ko ang babaeng ito sa ulo nya. Makikita nyo kung paano tumalsik ang dugo nya dito sa loob ng simbahan na ito!"

"Lorena, ano ba?! Nasa loob tayo ng simbahan" lumuluhang bulalas ko.

"I don't care Claudine! Gusto ko ngang dito ka mamamatay para diretso kanang mabendisyonan ng pari para ilibing kana agad sa ilalim ng lupa at kainin ng uod iyang katawan mo!" bulyaw nito sa kanya bago mas diniinan ang pagkakadikit ng baril sa ulo nya.

"Lorena, please pag-usapan natin ito ng maayos" pagmamakaawa ni Sean pero umiling-iling ito.

"No! Tanggap ko na Sean, tanggap ko na hindi mo na ako mamahalin. Tanggap ko narin na hindi ka mapapasakin, kaya ngayon ay hindi ko kayo hahayaan ng babaeng ito na mabuhay ng masaya sa piling ng isa't-isa!" sigaw nito at mabilis na umatras.

Napa-atras rin sya dahil hanggang ngayon ay hostage parin sya nito. Hindi sya makapaniwala sa mga ginagawang ito ng pinsan nya.

Humakbang si Sean palapit sa kanya kaya ganon nalang ang pagsigaw nya nang barilin sya nito sa binti. Sobrang sakit niyon na halos nanghihina na sya.

"Walang hiya ka, Lorena!" nagngingitngit sa galit na sabi pa ni Sean.

"Yeah I know Sean" nakangising sabi pa ni Lorena at muling humakbang pa-atras.

"Hwag nyo kaming susundan, dahil babarilin ko talaga ang babaeng ito kapag nakita ko kayong sumusunod samin!" sigaw pa nito na patuloy sa pag-atras palabas ng simbahan.

Nang makalabas sila ay dumiretso kaagad sila sa isang itim na sasakyan, bago pa man sya nito itulak papasok ng kotse ay may humigit sa kanya palayo kay Lorena.

Si Sean pala iyon, at kasalukuyan itong nakikipag-agawan ng baril kay Lorena. Hindi nya alam ang gagawin kaya napa-atras sya palayo sa mga ito.

Pinagsiklop nya ang dalawang kamay at nagdasal na sana hindi mapahamak si Lorena at lalo na si Sean.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon