Chapter 25

15.8K 481 24
                                    

Trapped

Alas una ng madaling araw ay gising na si Claudine. Nakahalukipkip sya habang nakatayo at tinatatanaw ang labas ng bintana.

Kitang-kita nya kung paano matanggal iyung kalahating bubong ng bahay ng kapitbahay nila.

May panibagong malakas na bagyo ang dumating nung nakaraang tatlong araw. Signal number four kaya magtatatlong araw narin na walang pasok.

Namimiss na nya iyung boss nyang medyo masungit. Nasanay kasi sya na palagi itong kasama sa trabaho.

Mas naging close pa nga sila nang dumalo sya sa celebration ng family nito at nung nakitulog sya sa kwarto nito.

"Claudine, magpalit kana ng damit" nagulat sya nang biglang pumasok ang Tita nya sa loob ng kanyang kwarto.

"Bakit po Tita?"

"Lilikas na tayo rito mamaya. Dadating na iyung mga rescue team na susundo satin kapag humina-hina na ang ulan at hangin"

Bumuntong hininga sya. Ito iyung pinaka-ayaw nya kapag nagkakaroon ng malakas na bagyo eh. Kailangan nilang lumikas sa Evacuation Center at makikipagsiksikan sa ibang tao.

Nangyari narin ito sa kanila dati, siguro mga limang beses na. At sa tuwing bumabalik sila ay maaabotan nalang nila na sira na iyung bahay nila.

"Magbihis kana at ilagay mo na sa bag ang mga kakailanganin natin" tumango sya kaya lumabas na ito ng kwarto nya.

Kumuha lang sya ng dalawang flash light, isang power bank, limang damit, lighter, kandila at ilang mga pagkain at pera.

Bitbit nya iyung bagong cellphone nya nung lumabas sya ng kanyang kwarto. Sakto namang dumating na iyung mga rescue team na ihahatid sila patungo sa Evacuation Center.






Inis na itinapon ni Franchesca ang natitirang stick ng sigarilyo na naka-ipit kanina sa bibig nya. Kanina pa kasi nyang hinihintay ang tat*nga-t*nga nyang mga alipores. Sina Gretchen at Valentine.

They are here para gawin ang pinagplanuhan nilang tatlo a month ago. Naghintay sila ng tamang oras, at ngayon na iyun.

Napangisi sya nang makita nya ang pagdating ni Gretchen at Valentine, they are excited to accomplish the plan for Claudine.

They really hate that woman. Masyadong bida-bida at malandi. Dahil sa babaeng iyun ay pinarusahan sila ng boss nyang ubod naman ng sungit.

[Flashback]

"Ms. Franchesca Dimaculangan, Ms. Gretchen Banito and Ms. Valentine Heras! Please proceed to Conference room"

Napatayo si Franchesca nang marinig ang pangalan nya at pangalan ng dalawa na tinatawag mula sa speaker.

Tatlong beses pa na tinawag ang pangalan nila kaya napagdesisyonan nyang sunduin ang tatlo sa kani-kanilang office.

Pareho naman silang may medyo mataas na katayuan sa kompanyang ito. Sila ang namamahala sa Entry-level Managment.

"Franchesca, bakit kaya pinapatawag tayong tatlo?" kinakabahang tanong ni Gretchen.

"I don't know" sagot nya.

"Naku, baka tungkol iyun sa mga sinabi natin kay Sir. Sean kanina sa loob ng elavator"

Napangisi sya nang marinig ang sinabi ni Valentine. Siguro ay napaniwala na nila ang boss nila, siniraan lang naman nila si Claudine kay Sir Sean.

"Let's go" sabi nya lang bago naglakad na.

Nagtungo sila sa last floor kung saan sila dapat pumunta. Nabigla pa sila nang pagpasok nila sa Conference Room ay naruon ang boss nila na naka-upo sa pinaka-unahan at madilim ang mukhang nakatitig sa kanila.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon