Chapter 36

17.1K 394 31
                                    

Fight For The Way

Lumuluha si Sean habang nakatanaw sa mga bituwin na nasa kalangitan. Tumambay sya sa may balkonahe ng kwarto nya para makapagpahangin.

Bukas na nga pala ang kasal nilang dalawa ni Lorena kaya naman inihahanda na nya ang sarili. Dapat ay matutunan nya na mahalin itong muli.

Sa totoo nyan ay si Claudine parin hanggabg ngayon ang nagpapatibok ng puso nya, pero wala syang magagawa dahil iniwan sya nito.

Akala nya ay iba ito sa ibang babae, akala nya ay naiiba ito kay Lorena pero katulad lamang sya ng ng mga ito na manloloko, mang-iiwan at manggagamit.

Hindi naman nya talaga ginustong magpakasal kay Lorena, pero halos lumuhod na ito sa harapan nya para bigyan ito ng pagkakataon.

Naawa sya rito kaya tinanggap nya ang inaalok nitong kasal. Isa pa, palagi itong nasa tabi nya nung panahong down na down sya dahil sa ginawa ni Claudine sa kanya.

Hindi na nya naiisip ang damdamin nya. Ayaw na nyang magmahal dahil pare-pareho lang naman ang mga babae. Kaya hindi na nya kailangang intindihin ang itinitibok ng puso nya. Pakakasalan nya lang at pakikisamahan si Lorena, hanggang doon lang iyon.

Napapitlag sya nang may biglang kumatok sa may pinto ng kwarto nya. Kaagad syang naglakad palapit sa may pinto at pinagbuksan ang taong nasa labas.

"Kuya, nandito iyong isa sa mga empleyado mo. Starlight ang pangalan" bungad agad sa kanya ni Algeib.

"Bakit daw?"

"May mahalaga daw syang aaminin" kumunot ang noo nya dahil sa isinagot nito.

Pinababa na nya ang kapatid papuntang sala. Nagsuot sya ng sando dahil topless lang sya bago lumabas ng kanyang silid at dumiretso sa sala.

"So, may aaminin ka daw Starlight?" tanong nya agad rito pagka-upo nya sa pang-isahang upuan.

Nakaka-ilang lang na ang buong pamilya nya ay naroon rin at nakikinig. Kahit kailan talaga, mga chismoso at chismosa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Sir Sean. May aaminin ako tungkol kay Claudine"

Natigilan sya nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng sumira sa buhay nya. Naging miserable sya dahil sa ginawa nito. She just used him at basta nalang syang iniwan nito.

"I don't want to hear it Starlight. Makakaalis kana"

"Sir Sean, mahalaga itong sasabihin ko sa inyo. Pakinggan mo muna ako"

"For what Starlight?! Para saktan na naman ng babaeng iyon ang damdamin ng Kuya ko?!" sabad ni Xeldre.

Alam na ng buong pamilya nya ang ginawa sa kanya ni Claudine. Lahat sila ay may galit rito liban nalang sa ama nya na tahimik lang at sa ina nyang may agam-agam.

"Pero Sir Sean----"

"Enough Starlight! Hindi pa ba sapat iyong panggagago nya sakin?! Then what, dadagdagan mo pa Starlight?! Tama na!" bulyaw nya rito.

Paaalisin na nya sana ito pero pinigilan sya ng ina. Lumapit pa ito kay Starlight bago hinawakan sa dalawang kamay. What now?!

"I will listen to you ihaj. Go on" mahinahon nitong sabi.

"Naloko rin po si Claudine"

Kumunot bigla ang noo nya dahil sa narinig. Naloko si Claudine, what did she mean? Ano bang pinagsasabi nito?!

"Pinlano ni Lorena ang lahat ng ito Sir Sean. Nabiktima lamang si Claudine ng kasamaan ni Lorena"

"Can you explain everything?" sabad ng ina nya.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon