Chapter 19

17K 453 122
                                    

Flatulence

It was another day for the both of them. Si Sean ay hindi na ganun nakakunot ang noo pagpasok nya ng opisina di tulad nung mga nakaraang araw. Si Claudine naman ay ganuon rin.

Pagkababa nga ni Claudine kanina sa taxi ay nagflip na naman sya ng kanyang buhok. Rumampa kaagad sya papasok ng building.

She expected the trees malditas na haharangan na naman sya pero natigilan sya nang iba ang sumalubong sa kanya.

Si Sean?

"You are one second late, Claudine"

Napakamot naman sya ng ulo, iyon talaga ang pangbungad nito sa kanya? Tsaka bakit big deal iyun sa kanya? Para isang segunda lang naman eh. As in isang segundo lang, hindi pa pinalagpas.

"Pasensya na po Sir, natanghali po ako ng gising eh"

"Whatever" may pag-irap na sabi nito.

Hinawakan nito ang kamay nya, at ewan nya sa sarili nya kung bakit lumakas ang tibok ng puso nya. Anyari?

"Let's go" sabi pa nito kaya natigilan sya.

"What?" inis na tanong nito sa kanya.

"Saan po tayo pupunta Sir?"

"To our office" nagpipigil ang boses nito, parang naiinis.

Eh paano ba naman kasi, nawala sya sa sarili nya nung nag-alburuto ang kanyang puso. Bakit kasi kailangan pa sya nitong hawakan sa kamay? Iwas, yeah! She need to avoid him, hindi ibig sabihin na bati na sila ay balik na sila sa dati na katulad nito. Hindi sya maaaring maging malapit rito ng sobra.

"Ah sabi ko nga po" sinundan nya ito ng pagtawa bago hinigit ang kanyang kamay.

"What's your problem?" inis na tanong nito sa kanya.

"Wala Sir, may nagawa ba akong mali?" may pagkamot pa sa ulo na tanong nya.

"You just overturned your arm from me" inis na sagot nito sa kanya.

Ano bang masama duon sa ginawa nya, kung makareklamo naman ito sa kanya ay para bang nakagawa sya ng krimen.

Tsaka natural lang naman na hihigitin nya pabalik ang kamay nya rito, eh kamay naman nya ito diba? Hwag lang sabihin ng kanyang boss sa kanya na gusto nitong maging tatlo ang kamay nito.

"Eh Sir, hindi nyo naman na kailangan hawakan pa ang kamay ko eh"

"Yeah whatever!" sabi pa nito bago sya tinalikuran. So ganun nalang iyun?

Basta nalang nito hahawakan ang kamay nya tapos pagkabitaw ay tatalikuran nalang sya nito? Galing, palakpakan.

Natigilan kaagad sya nang mapansing may mga matang nakamasid sa kanya. Then she saw Franchesca and her henchwoman.

Nginitian nya ito pero sinamaan sya ng tingin ng mga ito, mukha tuloy itong mga gutom na gusto syang kainin.

Mabilis syang tumalikod at swerte nya, na-untog sya sa napakatigas na pader. Napapikit tuloy sya habang nakahawak sa noo nya.

"Awww, bawas ganda na naman ito!" mahinang bulalas nya sa sarili.

Pero natigilan din sya nang marinig ang mahinang pagtawa ng marahan ng isang pamilyar na boses. Napamulaga sya, kailan pa tumatawa ang pader?

"Hey, are you alright? Claudine?"

Tinulos sya sa kanyang kinatatayuan nang banggitin nito ang pangalan nya, hindi tuloy sya makakilos. Ngayon nya lang alam na pati pala pader, hindi pinapalampas ng multo. Pati pader sinasapian nito.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon