Chapter 7

19.1K 560 41
                                    

Epic Fail

Lumipas ang tatlong araw, ganun parin ang takbo ng araw ni Claudine. Palaging palpak kaya madalas rin syang sinisigawan ng kanyang masungit na amo.

Nahihiya na tuloy sya rito dahil ipinangako nya rito na gagawin nya ang lahat para masatisfy ito pero kabaliktaran naman ang mga nagagawa nya.

Napasabunot sya sa sariling buhok. She needs to be a professional secretary of Daniel Sean Samonte, the rugged CEO of Samonte's Empire.

Lahat ng taong nagtatrabaho sa kumpanyang ito ay mga professional, pero bakit sya mukhang isang immature?

"What are you doing Claudine?"

Napa-ayos sya ng upo nang marinig ang baritonong boses na palagi nyang naririnig. Nilingon nya ang makisig na lalaki na nakatayo na pala sa harapan nya.

"Kayo po pala Sir. Sungit---este Sir. Sean"

"Why are you tweaking your hair?" nakakunot pang tanong nito sa kanya.

"Wala po Sir, kinakamot ko po kasi ang ulo ko. Tinitignan ko lang kung may kuto o lisa?" hindi nya siguradong sagot.

"Kuto at lisa?" pag-uulit nito sa sinabi na tila nandidiri.

Patago nyang kinagat ang ibabang labi, iisip nalang nga sya ng dahilan eh iyung madadamay pa ang kagandahan nya. Ano nalang ang iisipin nito?

"Pero wala naman po Sir! Ang ganda po kaya ng buhok ko!" sinundan pa nya ng pagtawa.

"Fix your hair Claudine, you look like a witch"

Napataas ang isa nyang kilay dahil sa sinabi nito. Sinabihan sya ng kanyang masungit na amo na isang mangkukulam? Ang kapal ng mukha!

"Sir, ang tawag dito messy hair. Maganda parin po ako kahit gulo ang buhok ko!" sabi nya pa rito bago i-flip ang hair.

"Just do your job Claudine" sabi nito bago tumalikod.

"Teka Sir!" pagtawag nya rito kaya lumingon ito sa kanya.

"What?"

"May board meeting po kayo mamayang 3:00 PM" nakangiti nyang sabi rito.

"What?! Bakit ngayon mo lang pinaalala sakin?! Ilang oras nalang but I'm not f*cking prepared!" nabulyawan na naman sya ng masungit na amo.

"Pasensya naman Sir! Tao lang po ako!"

"Just arrange the Conference Room"

"Yes Sir!" sumaludo sya bago tinalikuran ng masungit na boss.

Arrange the Conference Room daw. Paano nya aayusin ang Conference Room? Para bang sa setting arrangement lang sa eskwelahan?

Mukhang ganuon nga! Dahil dyan, ipapakita nya ang kakayahan nya sa lahat ng board of directors lalo na sa amo nya na ubod ng sungit.





"What the---ano ito Claudine?!" mahinang bulyaw sa kanya ng masungit na boss.

"Sir tinatanong pa ba iyan? Edi panda stickers!" proud nyang sabi rito.

Nilibot nya ng tingin ang paligid ng Conference Room. Punong-puno ng panda stickers ang walls, table, swivel chair at maging ang mga documents na nakapatong sa table.

"Bakit ganito?! I told you to arrange this room not to make it playroom!"

"Bakit Sir? Hindi nyo ba nagustuhan? Dapat siguro Sir, bumili ako ng mga ballons tsaka ng party hat"

Kumunot ang noo nya nang mapahilamos ito sa sariling mukha. Ang hot ng dating ah? In fairness!

"This is not a birthday party Claudine, this is a board meeting with the board of directors!"

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon