History
Limang buwan pa ang lumipas, at tatlong buwan narin ang nakararaan nang magsimulang manligaw si Sean kay Claudine. From that day, Sean na ang tawag nya rito.
Tinatawag nya lamang itong Sir kapag nasa trabaho sila. Itinatago pa kasi nila sa mga tao ang namamagitan sa kanilang dalawa dahil paniguradong magtetrending iyon.
"Hey, sweetie" napa-igtad sya bigla nang may pumulupot na matitipunong braso sa bewang nya mula sa likuran.
It was Sean. Nakayakap ito sa kanya mula sa likod. Nakatayo sya sa harap ng malaking bintana dito sa opisina nito.
Masasabi nyang malaki na ang pinagbago nila sa isa't-isa. Lalo na si Sean, sobrang sweet na nito na halos tawagin na sya nito palagi sa endearment na sweetie.
Wala narin syang gaanong ginagawa sa kompanya, minsanan nalang sya nitong utusan. Kung uutusan man sya nito ay iyung madadaling gawain lang ang iaatas sa kanya.
"Naghintay kaba ng matagal?" isiniksik nito ang mukha sa kanyang leeg.
Sanay na nga sya sa mga ginagawa nito sa kabya. Para na nga silang tunay na magkasintahan eh, pakiramdam nya nga ay mas lumalalim ang pagtingin nila sa isa't-isa.
Sa totoo lang ay may date na ang pagsagot nya ng oo rito para maging sila na officially. Siguro two months from now ay magiging girlfriend na sya nito at boyfriend naman nya ito for real.
Siguro naman sapat na ang seven months na panliligaw nito sa kanya. Madami narin naman na syang alam tungkol kay Sean, maliban na nga lang sa ex nito.
Nabanggit sa kanya ni Tita Sophie noon na may naging ex girlfriend si Sean, pero ayaw i-open nito ang topic sa ex nito kaya wala narin syang nagawa.
"Sweetie, ito na pala iyung pinabibili mo sakin" humarap naman agad sya sa rito.
Nagkakamot ito ng ulo habang inaabot sa kanya ang supot na naglalaman ng sanitary napkin. Bakit parang ang laki naman nung supot?
Tinanggap nya agad iyun at tinignan ang laman nung supot, talagang lumaki ang mga mata nya pagkakita ng iba't-ibang klase ng sanitary napkin.
"Sean, ang dami naman nito?" gulat na bulalas nya.
"What did you expect? I'm a guy, ngayon lang ako nakabili ng sanitary napkin in my f*cking whole life. Sa dinami-dami ng klase ng napkin, di ko alam kung anong ginagamit mo. Baka may rashes ka sa ibang brand kaya kumuha ako ng aabot sa dala kong pera"
Bumuntong hininga nalang sya bago napatango-tango. Napansin nya lang, naging madaldal narin ito masyado. Nahawa yata sa kadaldalan nya.
Simple lang naman kasi ang itinanong nya rito, pero pagkahaba-haba ng sinagot nito sa kanya. Amazing right. Anyway, she is a good influencer.
"Sige na, pumasok kana ng banyo. Magpalit kana rin ng suot mo, kitang-kita na iyung tagos mo sa palda"
"Opo sweetie!" mabilis nya itong pinisil sa pisnge bago tumakbo papasok ng banyo.
Napangiti si Lorena nang pagmasdan nya ang litrato ng kanyang pinakamamahal na ex na si Daniel Sean Samonte. Napakagwapo talaga nito.
Laking pagsisisi nya nga na niloko nya ito at iniwan. Laking pagsisisi nya rin nang tanggihan nya ito sa inaalok nitong kasal noon.
If she could only back the time, ibabalik nya talaga sa oras na sila pang dalawa. Para naman ma-itama nya ang mga kapalpakan ko.
"Lorena, tinititigan mo na naman ang litrato ng ex mo?"
"Is there any problem with that Mommy?" nakataas ang isa nyang kilay sa kanyang Mommy.
"None anak, pero hanggang kailan kaba magiging ganyan? I mean, daughter you are not like this. Malakas ang loob mo at habolin ka ng mga lalaki, but look at yourself anak. Nakatitig ka sa isang litrato"
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...