Chapter 31

16.6K 397 134
                                    

Kiss

Nagdadalawang isip si Claudine kung ibibigay nya ba kay Sean ang ginawa nyang Resignation Letter na hawak nya kanina pang umaga.

Magtatanghali na pero hindi man lang nya magawang lumapit o magpakita sa amo nya. Oo, amo na ulit ang tingin nya rito simula noong iwan sya ni Sean nung nakaraang araw para lang kay Lorena.

Ano pa bang saysay ng pag-asa nya eh alam naman na nya sa sarili nyang tapos na ang maliligayang araw nilang dalawa, Lorena is back. Si Lorena na totoong minahal at mahal nito.

Siguro naging panakip butas lamang sya nito nung time na wala si Lorena. Ngayong nagbabalik na ito, wala na sigurong dahilan para magkaroon pa sila ng komunikasyon na lampas sa pagiging amo at sekretarya.

"Huy Claudine, ang lungkot mo na naman!" napalingon sya sa nagsalita.

Si Starlight pala na kanina pang umaga na naka-upo sa katabing upuan nya. Humiling sya rito na samahan muna sya sa kanyang opisina.

Akala kasi ng boss nila ay absent sya, kaya si Starlight muna ang inuutusan nito. Mabuti nalang nga at hindi pa ito lumalabas ng silid.

Mahirap na, hindi pa naman sya handa na kausapin at makita ito. Pakiramdam nya kasi ay sinasaksak ng libo-libong patalim ng paulit-ulit ang puso nya.

"Claudine, bakit kasi hindi mo nalang kausapin si Sir?" tumaas ang isang kilay nya.

Kung makapagsalita ito ay parang alaman nito kung ano bang nangyayari na sa kanilang dalawa ni Sean. Kakaiba rin ito kung tumitig, parang nililitis sya sa korte.

"Busy iyon" tanging sagot nya.

"Wether you admit it or not, alam kong nasasaktan kana"

Kumunot ang noo nya dahil sa mga sinabi nito. Ok so mukhang may alaman nga ito base sa mga binibitawan nitong salita.

"Alam mo?" tanong nya pa rito.

"Oo, magaling akong kumilatis ng tao. Alam kong may namamagitan sa inyo ni Sir Sean" nakangiti nitong paliwanag.

Napayuko sya nang kumirot na namang muli ang parte ng puso nya. Oo tama ito, may namamagitan sa kanila ng boss nya. Pero noon iyon, wala na ngayon.

"Noon iyon Starlight"

"What do you mean Claudine?"

"Ginamit lang ako ni Sir, parang panakip butas lamang ako. Ngayon ay wala na akong saysay sa buhay at paningin nya dahil nagbalik na iyong babaeng minahal nya noon" hindi na naman nya naiwasang maging emosyonal.

Sobrang sakit kasi eh. Iyong pakiramdam na akala nya mahal sya nito, pero hindi pala. Akala nya ay ito na talaga, pero hindi pala ito kontento sa kanya. Nasan na iyong mga sinabi nito, napako na!

"Pwede ko bang malaman kung sino ang babaeng sumira sa magandang samahan nyo?" sincere na tanong nito.

"Her name is Lorena, she is my cousin and my former friend"

Nakita nya ang pagsinghap nito marahil dahil sa gulat. Nakakagulat nga rin naman na iyong kadugo nya at tinuring nyang tunay na kaibigan ay ang taong sisira ng relasyon nila ni Sean.

"Gosh Claudine, totoo ba iyan?"

"Oo Starlight, at alam mo ba kung anong mas masakit? Iyong nabalewala agad ako ni Sean nung bumalik ang pinsan ko sa buhay nya"

Tinakpan nya ng mariin ang kanyang bibig para hindi umalpas ang isang malakas na hikbi. Ayaw nyang humikbi sa ganitong lugar, ayaw nyang ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nya rito.

"Pero alam ko at napapansin kong sincere sayo si Sir! Kitang-kita ko sa mga mata at kilos nya na mahal ka nya at seryoso sya sayo" umiling-iling sya.

"Starlight, hwag mo na akong paasahin pa! Hindi totoo iyang mga sinabi mo, please tama na!" hindi ito sumagot sa kanya pero niyakap sya nito.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon