Chapter 17

15.9K 478 66
                                    

Date

Isang buwan ang lumipas. Hindi talaga akalain ni Claudine na makakaabot sya ng halos dalawang buwan sa trabaho nya.

Pero hindi sya makapaniwalang makakaya nyang iwasan ang kanyang ubod na sungit na boss. Pero pansin nya rin naman na iniiwasan sya nito.

Minsan na nga lang sila magkita ng boss nya in person eh, kapag kinakailangan lang talaga.

Kagaya nalang kapag may iuutos ito sa kanya, idadaan lang nito sa intercom. Kapag naman may mga ipapasa sya rito ay sandali syang papasok sa loob ng opisina nito at pagkatapos ay lalabas kaagad sya.

Hindi na nga nya ito binibigyan ng kape, meryenda at kahit pananghalian. They change a lot simula nung magpunta ito sa bahay nila.

Nung una ay nalulungkot sya kasi mas naging cold ito sa kanya, pero naisip nya na wala naman syang kasalanan kung bakit ito nagkaganito. Ito pa nga ang may kasalanan eh kung bakit ito nangyayari.

Nag-inat-inat sya nang matapos nya ang ipinapagawa nitong panibagong power point sa kanya. Halos tatlong oras nya itong pinursigeng matapos.

Napatigil pa sya nung makitang nagmamadaling pumasok si Starlight sa opisina ng boss nila. Nahagip pa nya ang dala nitong  supot na may tatak ng McDonalds.

Kumunot bigla ang noo nya, ano kayang ginagawa ni Starlight sa loob? Dinalhan ba nito si Sean ng pagkain?

Napayuko sya sa isiping iyun. So may bago na itong kaibigan? May bago ng nagdadala ng pagkain rito, maging kape?

Napangiti sya ng mapakla. Eh ano naman ngayon sa kanya? Dapat wala na syang pakialam kasi boss lang naman nya ito. At karapatan ng boss nya na utusan nito lahat ng gusto nitong utusan. Wala syang karapatan na magreklamo o magselos.

Wait what? Magselos, natawa sya sa sarili nya. Gutom lang siguro sya kaya kung ano-ano nalang ang mga bagay na pumapasok sa isip nya. Siguro ay pupunta nalang muna sya sa pantry.

Tumayo na sya at maglalakad na sana patungo sa may hagdan pero nahagip ng mata nya ang nagmamadaling si Starlight. Dala nito iyung supot na hawak nito kanina papasok ng opisina ng masungit nilang boss.

Nilapitan nya ito out of curiousity. Huminto ito sa tapat ng elevator, mabuti nalang at hindi pa nagbubukas iyung pinto kaya mukhang makakausap pa nya ito.

"Starlight"

"Hi, Claudine" nakangiti ito pero mababakas sa mukha nito ang matinding pagod.

Ano kayang ginawa nila sa loob ng opisina ng boss nila para mapagod ito ng bongga? Oh my gulay, hwag nito sabihing may nangyari sa kanila? Hindi nya akalaing may ganitong side pala si Sean.

"Mukhang pinagod ka ni Sir" nasabi nalang nya rito.

"Naku Claudine, sobra. Ayuko na nga eh, suko na ako"

Napasimangot sya sa naging sagot nito. So totoo nga ang naiisip nya? Pero bakit maayos naman ang pananamit nito, diba dapat medyo magulo iyun?

"Ah, masarap ba?" tanong nya pa kahit na sa totoo lang ay naninikip na iyung dibdib nya.

"Hindi nga nagustuhan ni Sir eh, masyado syang reklamador"

"Eh ano ba kasing gusto nya?" tanong nya ulit.

Masyado sigurong mataas amg standard ng Sir nya. Siguro ang gusto nito ay mas malaki ang dibdib at pang-upo. Siguro ay wala paring karanasan itong si Starlight.

"Ewan ko nga kay Sir eh!"

"So, babalik kapa ba sa office ni Sir? Huh Starlight?"

"Oo, hindi kasi sya nasastified eh. Nakakapagtaka lang kasi ikaw dapat ang gumagawa nito"

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon