Special Chapter 1

15.7K 345 8
                                    

"Huahhhhhhh!!!!! Sean!!!!"

Nagtatakbo pababa si Claudine dala-dala iyong Home Pregnancy Test. Pagkakita nya kay Sean ay niyakap nya agad ito ng mahigpit.

Kasalukuyan itong nanunuod ng Ben10 kasama si Sane Cadine. Nagtataka na yumakap rin ito sa kanya.

"Sweetie, what's wrong?" nag-aalala nitong tanong.

"Positive Sean, buntis ako!"

Mabilis na napahiwalay sa kanya si Sean at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Mukha itong aso na tuwang-tuwa, pero pogi parin.

"Talaga?!" tanong pa nito na tinanguan nya lang.

Nagulat nalang sya nang bigla itong tumalon-talon at sumigaw-sigaw bago sya binuhat at inikot-ikot.

"Daddy, let go of her!" bulyaw rito ng anak na si Sane.

"Anak, magkakapatid kana!" tuwang-tuwa na bulalas pa ni Sean bago si Sane naman ang binuhat nito.

"I know Daddy, and I'm really excited" nakangiting sagot ng anak.

"So ano, ipapaalam na ba natin ito kina Mom?" nakangiting tanong ni Sean.

Nagkaroon na kasi sila ng sariling bahay kaya hindi na nila nakakasama sa iisang bubong ang pamilya nito.

"Why not Sean? Ano, isesekreto mo sa kanila na nabuntis mo ako? Paano kapag lumaki ang tiyan ko, sasabihin mo sa kanila na kumain ako ng malaking bola ng basketball?!"

"Tsk, kakaiba ka talaga mag-isip" may pagkamot pa sa ulo na sabi nito.

"Mommy, I'll take a shower na" sabi ni Sane bago nagtatakbo papasok ng kwarto nito.

Umupo sya sa couch at nakatitig lang sa tiyan nya. Tumabi naman sa kanya si Sean at umakbay pa sa kanya.

"Hey, what's wrong?"

"I'm just wondering Sean. Paano ako nabuntis? Akala ko ay isang beses lamang ako pwedeng manganak"

"Hwag mo na ngang isipin ang bagay na iyan. Pagkagaling natin sa bahay ni Mom and Dad ay pupunta tayo ng Hospital para magpachecked up" tumango nalang sya sa binata.

"Wait a minute, siguro dapat maghanda na ako ng pangalan para sa magiging baby natin"

"Tama ka, Sean. Pero alam mo, malakas ang kutob ko na this time ay babae naman ang magiging anak natin"

"Tamang-tama. May naisip na akong ipapangalan sa baby"

"Talaga? Ano?"

"Nase Ladine Samonte"

"I love it" nakangiting sabi nya rito.

"You love it, what about me?" nakabusangot na tanong nito kaya pinitik nya ang nguso nito.

"Ouch!"

"Syempre mahal kita Sean, mahal na mahal kita kasi ikaw lang ang nag-iisa kong sweetie. Mahal ko kayo ng anak natin"

"I love you more sweetie. Ikaw lang ang mahal ko, Claudine Manalo Samonte.Mahal ko rin kayo ng anak natin"

Ngumiti silang dalawa sa isa't-isa bago nagdikit ang mga labi nila. They really love each other, at wala ng makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.





Author's here!

Love you guys!

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon