Red Roses
Lulan ng sasakyan ni Sean si Claudine, kasalakuyan nilang binabagtas ang daan patungo sa mansion ng mga Samonte.
Medyo madilim pa ang paligid dahil sa alas singko palang ng madaling araw. Antok na antok na sya kaya hindi na sya umangal sa boss nya na gusto sya iuwi sa bahay nito.
Bumuntong hininga sya nang maalala na naman nya ang tagpo kanina sa may basement nung building ng kompanya.
Her boss kissed her in her lips, first kiss nya iyun at hindi nya alam kung ano ba ang mararamdaman nya.
There's annoyed kasi ninakaw nito ang una nyang halik. But of course nandun iyung feeling na kinikilig sya. Sino bang hindi kikiligin kung halikan ka ng mala goddess na lalaki?
Kanina nga eh, after ng ilang segundo nilang pagtititigan nung maghiwalay ang mga labi nila ay napa-igtad nalang sya nang basta nalang sya nitong buhatin.
Bridal style, kaya feeling nya mas namula ang kanyang pisnge. Never nyang in-expect na mangyayari ang ganitong bagay sa buong buhay nya.
Nang isakay sya nito kanina sa shotgun seat ay wala parin syang imik, hanggang ngayon naman ay tahimik lamang syang naka-upo sa katabing upuan ni Sean.
Ito yata ang unang beses na tumahimik sya ng ganito katagal. Ewan, wala sya sa mood. Isa pa, tuwing ibubuka nya ang labi nya ay naaalala nya lang iyung kiss.
"Damn! Are you not going to speak?" napapitlag sya bigla.
"Ano iyun Sir?" tanong nya pa rito.
"Ang sabi ko, kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Ayos lang Sir" walang buhay nyang sagot.
Wala sya sa mood para dumaldal ng dumaldal ngayon. Sariwa pa kasi sa kanya ang mga nangyari kanina. Gaya nalang ng pagtulak sa kanya ni Franchesca sa may basement, gaya nalang rin nung muntik na syang malunod at lalong-lalo na iyung paghalik sa kanya ni Sean.
"You are so quiet today, I'm not used to it"
Napasimangot kaagad sya nang marinig ang sinabi nito. Ganun ba sya kadaldal para hindi ito masanay sa katahimikan nya?
"Gusto ko po munang magpahinga Sir"
"Then take a rest" may ngiti sa labing sabi nito.
Tumango lang sya at ipinilig ang ulo sa may bintana. Akala nya ay matatagalan bago sya dalawin ng antok, pero biglang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.
"Yeah, gusto ko hindi lang iyun ang matitikman nila. Gusto kong magdusa silang tatlo dahil sa ginawa nila kay Claudine. And make sure na hindi sila makakapag-apply ng trabaho sa ibang kompanya o bangko man"
Nagising si Claudine dahil sa isang boses ng lalaki na narinig nya mula sa di kalayuan. Sino kaya ang kausap ng boss nya sa telepono? Tsaka sino ang tinutukoy nito?
Kumabog ng malakas ang dibdib nya nang lumingon sa kanya ang amo nya. Nagtama ang kanilang mga mata.
"Hey, how are you?" lumapit ito sa kanya at tinulungan syang maka-upo.
"Ayos naman na ako Sir"
"Mabuti naman kung ganun" ngumiti ito kaya pakiramdam nya ay natutunaw sya.
Pero bigla nyang naalala ang mga katagang binitawan nito kanina sa kausap nito sa phone. Sino kaya ang tinutukoy nito? Hindi kaya iyong tatlo?
"Sir, narinig ko po iyung mga sinabi nyo sa kausap nyo sa cellphone kani-kanina lang. Sina Franchesca, Gretchen at Valentine po ba ang tinutukoy nyo?" mataman nyang tinitigan ang amo.
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...