Part 20

597 37 3
                                    

NAPAMURA si Jadd nang ma-realize na mag-isa lang siya sa silid. Wala ang mga kasamahan. Wala rin ang mga Rayos na babae—bigla siyang tumuwid ng upo.

Xien?

Napamura siya sa isip. Ruri?

Tumaas ang tingin ni Jadd sa nag-iisang dilaw na bombilya sa kuwarto. Nasaan ang lugar na iyon? Bakit mag-isa lang siya? Kasama niya ang Owl sa...

'Tang ina! Ano'ng nangyari?

Wala sa loob na umangat ang kamay ni Jadd at lumapat sa dibdib—naroon ang bakas na iniwan ng patalim. May hiwa ang t-shirt niya pero naghilom na ang sugar. Itim ang suot niyang t-shirt kaya hindi visible ang dugo.

Kailangan niyang balikan ang mga kasama...

Si Xien...

Nag-alala siya bigla. Hostage ng bampira si Xien kaya sumuko na agad sila ni Ben sa laban. Pero bago iyon, napasunod na ng isang bampira si Riego at Mags. Tulala na lang ang mga kaibigan at walang magawa. Si Ben ang sumunod na na-impluwensiyan ang isip. Siya na lang ang natirang nasa huwisyo.

Handa silang lumaban hanggang sa huling lakas at walang susuko. Sinira ni Jadd ang napag-usapan nang si Xien na ang nasa panganib. Responsibilidad niya ang babae. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak ito.

Lumapit ang babaeng bampira at walang seremonyang sinaksak siya. Nagtama ang mga mata nila. Nakita pa ni Jadd ang kakaibang ngiti ng babae. Pangalan ni Xien ang huling nasabi niya bago ang...

Natigilan si Jadd. Wala na siyang maalalang nangyari pagkatapos. Ang mga mata ng babaeng bampira ang huling natatandaan niya.

Tang ina talaga!

Nakontrol ng kapwa bampira ang isip niya?

Paano nangyari 'yon?

Sino ang babaeng iyon? Kung si Irisha kaya siyang saktan, ang bagong dating na bampira, nagawang kontrolin ang isip niya!

Napalingon si Jadd sa kaliwa niya nang bumukas ang pinto.

Ang babaeng bampira kasama ang isa sa mga alalay nito ang pumasok. Kakaiba talaga ang dating ng babae. Bukod sa nararamdaman niyang enerhiya ng kapwa bampira, may kung ano sa babae na hindi niya maipaliwanag. May ganoong epekto rin sa kanya ang presence ni Irisha sa paligid.

"Jadd Estevez," sabi ng babaeng bampira at ngumiti. "Gusto mo bang makitang buhay pa ang babae sa kubo mo?" tanong nito, nakangiti pero iba ang lamig ng emosyon sa mga mata. Hindi na kumilos si Jadd sa puwesto. Ang ikuyom na lang ang kamay ang nagawa niya. Sa sitwasyong iyon, gustuhin man niyang lumaban hanggang mapatay siya ng mga bampira, hindi niya puwedeng gawin. Hindi niya isususugal ang buhay ng iba, lalo na si Xien.

Magkasunod na lumapit sa kanya ang dalawa. Ang tagal na tinitigan siya ng babae, para bang tinatandaan lahat ng puwedeng tandaan sa kanya. "Hindi ito ang huli nating pagkikita, Jadd," ang sinabi nito bago bumaling sa kasama, halatang nag-utos gamit lang ang titig.

Ibinaba ng bampirang kasama nito ang sarili, lumuhod sa isang tuhod sa harap niya. Sinalubong ni Jadd ang blangkong titig ng bampirang mas manipis pa sa kanya ang buhok at light brown ang mga mata. May bigla na lang bumaong karayom sa braso niya. Ngumisi ang bampira bago marahang tumayo.

Huling natandaan ni Jadd, ang blurry image ng dalawa na naglalakad palabas ng silid na iyon...

Jadd & Xien (Liwanag At Dugo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon