25.

439 18 2
                                    

"PUWEDE bang humirit ng request, Miss Rish?" tanong ni Redah na ang luwang ng ngiti. "Uubusin ko na ang oras ko sa Liwanag, nakakahiya man pero puwede bang paid ang bawat araw ko? Five hundred lang, sapat na. Magugutom ang mga friends ko 'pag walang pumasok na cash."

"Okay."

"Thanks!"

"Ako, free food lang once a week, ayos na," sabi naman ni Jadd.

Nahulaan na ni Xien na ibang "food" ang sinasabi nito.

"Sana may free house din? Office-and-home na? Do'n tayo mag-meet 'tapos 'yong mga walang pambayad ng rent—like me, doon na rin mag-stay. Sa weekend na lang ako maggi-gig kung may free house at free food," sabi ni Ruri.

"Granted. Ikaw, Xien?"

"Impormasyon tungkol sa mga kapatid ko."

"Okay. May ibang request pa?" tanong ni Irisha.

Wala nang nagdagdag pa ng request. Si Irisha na lang ang nagsasalita sa mga sumunod na minuto. Ang Liwanag na ang focus. Mula sa misyon, rules ng grupo, role ng bawat Rayos hanggang sa magiging training nila sa mga susunod na buwan. Inilatag nito ang detalye at ang mga dapat nilang asahan na mangyayari.

Talas ng isip, tatag ng puso, at lakas ng katawan, ulit ni Xien sa isip. Naglalahad ng detalye si Irisha. Ang gubat malapit sa Owl Village ang magiging training ground nila. Nahulaan na niyang hindi lang ang kakayahan ng isip nila na tanda ng pagiging espesyal ang tututukan. Masasalang din sila sa physical activities na susubok sa lakas ng kanilang katawan.

Tuturuan din silang lumaban—gusto iyon ni Xien. Gusto niyang matutong lumaban para sa sarili at para kay Abby. Naisip niya na hindi siya nagkamali ng desisyon. Tama lang na napili niyang kumampi kay Irisha.

Wala pa man, nakikita na niya ang sarili na ginagawa ang lahat para matuto. Ibibigay niya ang buong atensiyon at oras para mapalakas ang sarili. Hindi siya titigil hangga't hindi nagiging sapat ang kakayahan para protektahan ang kapatid.

Pinakinggan ni Xien ang iba pang sinabi ni Irisha. Pag-aaralan niya lahat ng posibleng matutuhan sa Liwanag at kay Irisha mismo. Na-realize niyang nasa tamang lugar at grupo siya.

Ang Liwanag ang grupong kailangan niya.

Sorry, 'By, sabi ni Xien sa isip. Hihintayin na muna niya ang impormasyong makukuha ni Irisha. Kung maayos at ligtas naman ang kapatid sa Maynila, hindi na muna niya susunduin. Mas kailangan niyang itutok ang buong atensiyon sa Liwanag. At kapag sapat na ang kakayahan, saka niya susunduin ang kapatid. Hindi na niya gustong bumalik sa sitwasyong takot na takot siya para sa kaligtasan nilang dalawa. Hindi na niya gustong maging mahina.

Anim na buwan o hanggang abutin man ng taon, handa si Xien na ibigay ang oras at panahon sa Liwanag.

Pagkalipas ng dalawang taon...

TAHIMIK na pinanood ni Irisha ang mga pinili niyang Rayos. Si Jadd, pawis na pawis habang inaatake ang punching bag. Si Redah, pinaglalaruan ang mga tuyong dahon at isang maliit na sanga—taas-baba sa ere nang hindi nito hinawakan.

Sina Xien at Ruri ay naglalaro ng arnis.

Nasa isang bahagi sila ng gubat malapit sa Owl Village, ang lugar na training ground din ng Owl. Isa sa maraming rason kung bakit pinili ni Irisha si Jadd, ang Owl at ang Owl village. Kailangan niya ng lugar na iyon. Magandang kalikasan ang gusto niyang maging kaisa ng enerhiya ng mga Rayos sa pamamagitan niya.

Dalawang taon na ang nakararaan nang mabuo ang Liwanag. Nang mga panahong iyon, kulang na kulang pa ang kakayahan ng mga Rayos. Lakas ng katawan at isip ang gusto niyang mahasa sa mga bagong kakampi.

Jadd & Xien (Liwanag At Dugo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon