Part 32

396 35 24
                                    

"AALIS ka, Jadd?"

Napalingon ang lalaki. Mga kalahating oras na sila sa kuwarto. Mga alas-otso ng gabi kanina, naghapunan ang mga Rayos kasama ang mga una nilang nakilala sa lumang mansiyon-si Mina, si Christina, si Crissa, at si Crystal. Sa unang tingin, walang kakaiba sa mga babae. Ang kapansin-pansin lang ay ang magkakaparehong dating.

Unang naisip ni Xien, magkakapatid ang tatlo. At tama siya, hindi lang magkakapatid, triplets pa.

Si Mina naman, nahulaan agad ni Xien na mortal. Ito ang pinakamakulit, ang nagbigay-buhay sa hapunan. Si Abby ang naalala niya sa babae.

Ang mga lalaki namang nakilala nila, hindi na kailangan ni Xien ng kumpirmasyon mula kay Jadd para malaman niyang mga bampira.

Nasa kuwarto na siya, hindi pa rin mawala sa isip ni Xien ang tatlong lalaking nakaharap nila sa mesa, na hindi naman kumain talaga, umupo lang at sumabay sa kanila pero wine ang iniinom.

Ang unang nakaagaw sa atensiyon ni Xien ay si Zefro. Mahaba ang buhok nito, halos natatakpan na ang kalahati ng mukha. Tahimik lang ang lalaki pero parang tumatagos ang titig. Ito ang mas kinakausap ni Irisha.

Doc El ang pangalan ng isa pang sumabay sa kanila sa mesa. Hindi halatang doktor ang lalaki. Parang hindi marunong ngumiti. Halatang-halata na ang suplado. Nakakailang lapitan. May kakaiba sa dating nito na parang nakakapukaw ng takot. Napaisip si Xien kung paano naging doktor ito, at pedia pa. Hindi kaya natatakot ang mga bata na lumapit dito?

Nasagot ang tanong ni Xien nang mapansin niya ang kakaibang titig ng doktor kay Mina. Hindi nag-uusap ang dalawa habang nasa mesa pero ngiti nang ngiti si Mina sa lalaki. At pagkatapos ng hapunan, mahigpit na yumakap si Mina sa doktor. Narinig pa ni Xien ang sinabi ng babae.

"Bakit kaya ang heavy ng heart ko? Paki-check, Doc?" narinig niyang sabi ni Mina bago yumakap sa doktor. "Baka kasi na-miss lang kita," dagdag nito, naglambitin na sa leeg ng doktor.

Hindi nagpahalata si Xien na napansin niya ang dalawa. Nakaupo lang siya sa puwesto niya sa mesa. Nagpanggap na abala sa gadget. Hindi nga lang niya napigilang tumingin sa dalawa nang marinig ang pag-ungol ni Mina bago tumawa. Pag-angat niya ng mukha, buhat-buhat na ng doktor si Mina. Bago umalis, nag-iwan ng isang linya ang doktor: Mag-enjoy daw sila sa mga araw na naroon sila sa bahay.

Ang isa pang kasama nila sa mesa, si Vio, ang may pinakamagaan na aura. Ang ganda ng kulay ng mga mata nito at ang shiny ng buhok. Parang very approachable. Ito ang nag-iisang ngumingiti sa tatlong lalaking nasa mesa. Halata ring naka-focus kay Irisha ang lalaki. Napansin din ni Xien ang may warning na tingin ng leader nila na tinatawanan lang ni Vio.

Pagkatapos ng hapunan, nagmadaling bumalik sa kuwarto sina Redah at Ruri. May pag-uusapan daw ang dalawa. Bago umalis si Irisha, ipinaalala nito ang 'dawn meeting' nila. Bago sumikat ang araw, sa gubat malapit sa lumang mansiyon. Alam na raw ni Jadd ang lugar.

Sina Xien at Jadd ang huling pumunta sa kuwarto. Pagkapasok na pagkapasok, tinanong agad ni Xien ang lalaki kung tama ang kutob niyang mga bampira ang tatlong lalaki-oo ang sagot ni Jadd. Ang triplets, taglay ang malakas na enerhiya pero ayon kay Jadd ay hindi kagaya ng enerhiyang naramdaman nito sa mga bampirang kasama nila.

Pagkatapos ng ilang minutong tanungan, tumayo na si Jadd, kinuha ang itim na jacket at isinuot. Nagtanong na agad si Xien kung aalis ito.

"Sa labas lang, magpapahangin. Maganda ang panahon. 'Sama ka?"

Hindi pa naman siya inaantok kaya sumama si Xien. Sa garden lang pala sila pupunta, sa tabi ng magagandang bulaklak. Wala namang ginawa si Jadd, nagpahangin lang talaga. Humiga ito sa naka-trimmed na damo at hindi na umimik. Nakatutok na ang tingin nito sa maaliwalas na langit.

Jadd & Xien (Liwanag At Dugo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon