Naglalakad si Rain sa hallway habang umuulan. Pauwi na sana siya ng may maalala siyang naiwan niya sa classroom.
"J-Jed"
Nakasalubong niya si Jed na kalalabas lang ng kwarto. Si Jed ang matagal ng gusto ni Rain. Simula palang first year high school ay nagkagusto na siya sa binata. Ngunit ang balita niya ay may nililigawan ang binata.
"Uy Rain"
Bati nito at muntik ng kumawala sa katawan niya ang puso niya ng tawagin siya nito sa kanyang pangalan.
"Uuwi ka na?"
Dagdag ng binata. Tumango si Rain at hindi niya mapigilang mapangiti sa saya dahil nakakausap niya ngayon ang lalaking gusto niya na ng ilang taon.
"May extra ka bang payong? Ang lakas kasi ng ulan. Pero kung wala okay lang. Wala kasi akong payong eh"
Nagkamot ng siya ng batok at hindi mapigilang mamangha ni Rain sa taglay na kagwapuhan nito.
"A-Ah oo. O-Oo meron akong extra" nanginginig niyang inilabas ang nagi-isang payong niya para ipahiran sa 'crush' niya. Wala na siyang pakialam kung mababasa man siya ng ulan o kung wala na siyang payong. Ang mahalaga ay magkausap muli sila ni Jed.
"May kukunin ka pa ba?"
Tanong ni Jed sa kanya. Napatango siya habang iniisip na baka hintayin siya nito. Baka ihatid siya nito. Baka gusto rin siya nito.
"Ah sige mauuna na ako hah? Salamat sa payong. Ibabalik ko bukas"
Gumuho ang mga nasa isip niya at medyo nalungkot. Pinauna niya si Jed at hindi na niya inalala ang kukunin niya sa classroom. Lihim niyang sinundan ang binata at tumigil sita sa isang kwarto. Ilang minuto ang lumipas at may lumabas na isang magandang babae.
"Summer"
Banggit ni Jed sa pangalan nito. Kita sa mga mata at ngiti ni Jed na masaya siya. Unti unti silang lumisan sa malakas na ulan gamit ang payong na ipinahiram ni Rain. Biglang bumigat ang puso niya na parang may malaking batong nakapatong dito at hindi siya makahinga.
Nilisan niya ang malakas na ulan ng walang iniisip kundi si Jed at si Summer.
'Maybe he likes Summer more than Rain'
Isip niya at napayuko. Nababasa na siya ng parang tumila ang ulan. Tumingala siya at may nakita siyang payong na nakatapat sa kanya.
"Tanga ka ba o bobo? May payong ka diba?"
"Storm"
Pinahawak niya ang payong niya kay Rain at hinubad ang jacket niya. Ipinatong niya ito sa balikat ni Rain.
"Asan payong mo?"
"Nakay Jed"
"Jed? Jed na naman?! Putanginang Jed! Lagi mong iniisip si Jed, hindi mo na naiisip sarili mo Rain!"
Nagulat si Rain sa biglaang pagsigaw ng best friend niyang si Storm.
"Isipin mo rin yang sarili mo. Isipin mo yung mga nag-aalala sayo. Isipin moko Rain. Isipin moko"
Naiwang tulala si Rain sa gitna ng ulan habang hawak ang payong at nasa balikat ang jacket ni Storm ng tumakbo siya palayo mula kay Rain.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.
