14. Sticky Note

20 3 0
                                        

STICKY NOTE

"HUUUUY! LUTANG KA NANAMAN!"

Muntik ko ng masuntok sa mukha si Ederlyn ng hawakan niya ako sa balikat para gulatin. Shet. Inhale. Exhale.

"BALAK MO BA KO PATAYIN BABAE?!" sigaw ko kaya humagalpak siya. Nandito kami sa isang milk tea shop. Katatapos lang ng klase at napag-usapan namin na magkita dito.

"Wala akong magawa" saad nito sabay lapag ng order niya. Inilahad ko ang malaking plastic ng chichirya kaya nagliwanag ang mukha niya. Okay masamang idea toh—

"WOOOOW NAPAKATHOUGHTFUL MONG BESPAR! SALAMAT SALAMAT!" napa-iling ako ng tumalikod siya saakin at napatingin sa isang corner ng milk tea shop.

"Tinitingin tingin mo Dan?" tanong niya saakin.

"Para kang napagpagsakan ng langit at lupa. Wala ka lang jowa eh"

"AYUN NA NGAAA. PENGE NGA STICKY NOTE. MAGSUSULAT NALANG AKO!" kinuha ko yung bag niya at kinalkal hanggat sa mahanap ko ang sticky notes niya. Mahilig siyang magdala kasi makakalimutin siya. Inilabas ko ang marker ko at nagsulat.

Dear Future Boyfie,

Sana mabasa mo toh. Sabik na sabik na akong makilala ka.

—D ♡

Humalakhak ako kaya napatingin saakin si Ederlyn.

"BALIW KA NA DANIELLE! BALIW NA BALIW KA NA!"

---

Nakapikit ako habang naglalakad kasama ni Ederlyn ng hampasin niya ako sa braso kaya muntik na akong matumba.

"Aray! Ano ba?" nakakunot noong sigaw ko sabay hampas din sa kanya.

"TIGNAN MO YUNG NASA MILKTEA SHOP! TARA BILIS TARA!" wala na akong nagawa ng hilain niya ako. Ano bang problema ng babaeng ito.

Tumigil kami sa kinaroroonan ng mga sticky notes at napakurap ako ng makita ko ang note kong nandoon at may nakadikit sa ibabaw nun.

Dear future Girlfriend,

Sabik na sabik na rin akong makilala ka. Magreply ka dito D, let's meet some other time.

—D

Napalunok ako at kinagat ang ibabang labi ko.

"Baka naman iba yan?" tanong ko at tumingin kay Ederlyn na humahagikgik. Hinampas niya ulit ako.

"Gaga? Ikaw nagsulat niyang Dear Future Boyfie na yan kaya pinatulan niya. Sino pa ba? Edi ikaw lang!"

"Malay mo—"

"Shut the crap Danielle. Here. Write your reply." nginitian ako ni Ederlyn kaya wala akong nagawa kundi kunin ang marker ko sa bulsa ko at nagsulat.

Dear Future Boyfie,

Wow ikaw na ba yan? Hahaha! Hindi man kita kilala ngunit salamat sa pagnonotice sa sticky note ko

—D ♡

Napangisi si Ederlyn ng ibalik ko sa kanya ang sticky notes niya at ng idikit ko yung akin.

"So magkakajowa ka na niyan?" tawa niya. Hinampas ko siya.

"ARAY!"

"Pambawi lang sa lahat ng pananakit mo saking child abuser ka!"

---

Dear Future Girlfriend,

Rooftop ng Saint Luke's. Alas'kwatro. Magkita tayo. Nasasabik ka ng makita ako hindi ba? Sige. Magkita na tayo ngayon din.

—D

"OOOOII SIGE NA DANIELLE! UMAKYAT KA! UMAKYAT KA!" pagkabasa na pagkabasa ko nung sticky note ay tinulak tulak ako ni Ederlyn pabalik sa school at paakyat sa rooftop. Putek! Di ko ineexpect na makikipagkita siya!

"TEKA ATAT NETO! Maayos bako? Mukha ba akong tao? Baka naman mukha akong mangkukulam ngayon?" tanong ko kay Ederlyn kaya humagalpak siya.

"SYET MAGAAYOS KA NA NGAYON? MUKHA KA NAMANG TAO KAHIT PAPAANO KAYA UMAKYAT KA NA"

Halos sabunutan ko siya ng bigla niya akong itulak sa pinto ng rooftop kaya muntik na akong matumba. Tumatawa siya habang bumababa ngunit hindi ko naramdamang may nakahawak pala sa mga braso ko. Tumingala ako at napakurap.

"Uhh—"

Itinayo niya ako at pinagpag ang palda ko.

"D?" tanong niya

"D?" tanong ko pabalik. Napatawa kaming dalawa. Bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. Tinanggap ko iyon.

"Danielle. Danielle pangalan ko" awkward na saad ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Really? Well, i'm Daniel." tipid akong ngumiti dahil sa nahihiya talaga ako. Pinagmasdan ko siya. This is our first encounter. He has black daring eyes, messy hair, defined jawline, kissable lips and tall nose. He's also tall. Perfect package.

"Soulmate?" tanong ko kaya napahalakhak siya at may binigay na sticky note saakin.

Dear Future Girlfriend,

Pwede bang manligaw para maging girlfriend na talaga kita?

—D

Tumingin ako sa mga mata niya dahil sa gulat. Syet naman papsi agad agad?  Ngumiti siya at napakamot ng batok.

"Hindi naman ako nagmamadali pero gusto kong malaman mo na alam kong ikaw yung sinusulatan ko. Pero bago pa yun naging crush na talaga kita. Simula nung makita kita last year sa TVL room. I added you on facebook pero masyado kang famous para mapansin ako. So Dan, will you let me get to know you more?"

Nagulat ako sa pa-speech niya ngunit bumilis ang tibok ng puso ko. Shit. Napakagat ako sa labi ko.

"Ano na Dan?"

"Teka lang. Kinikilig pako"

Napahalakhak siya sa honest response ko. Inilabas ko ang sticky note na pabaon saakin ni Ederlyn at nagsulat.

Yes.

"So kelan ka magsstart?" tanong ko ngunit nakatulala lang siya saakin. I waved my hand in front of his face.

"Ano na Daniel?" tanong ko.

"Teka lang. Kinikilig din ako."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon