45. Red String

22 1 0
                                    

Red String




"Sabi nila. Ewan ko kung totoo. Pero nabasa ko rin ito eh."

"Ano ba yun? Deretsuhin mo na."

"Sabi nila, mayroon daw invisible red string na nakatali sa pinky finger ng bawat tao." napukaw ng pansin ko ang sinasabi ni Jessie kay Art.

"Eh?" Art lifted her pinky finger. She stared at it. "Eh bakit hindi ko makita?" she asked. Tumawa ako nang mabilis siyang hinampas ni Jessie ng bottled water.

"Boba! Bingi! Sabi ko invisible diba?!" umirap siya kaya napahalakhak ako.

"Oh sige, ano pa? Tuloy mo ang kwento!" paguudyok niya. Nagkatinginan kami ni Jessie. She smiled at me.

"Mukhang alam naman ni Louise. Ikaw magsabi?" she asked. I smiled and nodded. Okay.

"It's a Chinese legend." panimula ko. Tinignan ko ang interesadong mukha ng dalawa.

"It says that every person has a red invisible string tied on their pinky fingers. And the other end was tied with the person you're destined with. Eternally." lumunok ako nang makita si Kian na nasa labas ng coffee shop kung saan kami naghihintay nila Art at Jessie.

Kian is Jessie's boyfriend.

"And?" Art asked. Bumigat ang bawat hininga ko at tinignan ang red string na nakatali sa hinliliit ko.

Yes. I can see it. Clearly. For me, it's not invisible. Nakikita ko ito. Nakikita ko ang red string ko, at ng ibang tao. I sigh.

"Regardless of place, distance and circumstances, it's infinite. It may be tangled, stretched, and twisted. But it will never ever break." I sigh as I heard the bell from the door. Pumasok na si Kian. Humalik siya agad sa pisngi ng excited na si Jessie. I stared at my pinky. The string is glowing.

"Oh, Louise? Busangot?" bungad na tanong niya. I stared at his pinky before landing to his face. I smied nervously.

"Nah." umiling pa ako.

"Oh, alam mo na hah Art? Paano ba yan? Una na kami ng jowaers ko. Date namin." humalakhak si Jessie. She's really beautiful, and kind, and gorgeous inside and out. I stared at both of them.

Sayang.

They look happy. In love. Kumirot ang dibdib ko. I'm sorry.

"Shoo na nga! Shoo! Ipapamukha pa sa amin ni Louise na wala kaming jowa. Tong gagang toh. Chupe na!" pagpapalayas ni Art. Tumawa ang magkasintahan.

"Sige. Ingat, Jessie. Kian." tumango ako sa kanilang dalawa. Umupo na muli kami ni Art.

"Grabe gusto ko makita ung ka-red string ko. Sino kaya?" pinagmasdan ko siya at nanlaki ang mga mata. Ngayon ko lang nakita!

"Yung lalaking nasa counter. Yung trabahador. Check him out." I said. Mabilis siyang napalingon. Walang sabi sabing tumayo siya. Napatawa ako. Hayok talaga magkajowa ito. Nawala ang paningin ko sa kanya ay ibinalik ito sa papalayong bulto ni Jessie st Kian.

Pati na rin ang red string na patuloy na humahaba, nasasagi ngunit hindi nasisira.

It's okay. You'll end up with me anyway. Jessie will end up with me.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon