"WHAT WAS THE MOST UNFORGETTABLE DAY YOU HAD?"
Tanong ng aming guro habang nagka-upo sa mesang nasa harapan. Nay kinalaman ba ito sa topic namin? Agad akong napaisip. Unforgettable day?
Siguro noong ipinanganak ako? Hindi, hindi ko naman nakita eh. Noong birthday ko?
"Lahat kayo magsasalita ah? Okay, sunod sunod na sa upuan starting from here." turo noya sa pinakaunang upuan sa gilid. Nakahinga ako ng maluwag. Nasa third row kasi ako at medyo matagal pa pero agad na nagpanic nang ambibilis ng mga pinagsasabi nila! Tumingin ako sa katabi ko, si Mikko.
Ang kalmado naman na neto. He's actually reserved pero kahit ngayon ba hindi siya magpapanic? Ang tahimik talaga.
"Meron ka nang isasagot Miks?" tanong ko sa kanya. Ilang segundo pa sng lumipas bago niya ako binalingan. A grim line was draw to his lips. He nodded before going back to his original position. Napasimangot ako.
Sana all.
"Eh ano? Noong napanganak ka ba?" hula ko. A smirk curved his lips.
"Oh, ano? Tama?" tuwang tuwang sambit ko.
"Just listen later, Aicetel. You'll see." sambit ni Mikko kaya sumimangot ako at tumahimik na. Natapos na ang lahat lahat at si Mikko na ang susunod. Ako naman ang susunod kay Mikko.
"Tapos ayon, nakaihi ako sa escalator." tumawa ang lahat sa kwento ni Queenie. Siraulo, nakaihi daw sa escalator. Sumulyap ako kay Mikko, hindi siya tumatawa. Para talaga itong robbot. Nang siya na ang tumayo sa harap ay tumahimik ang lahat. Tanging ang teacher lang namin ang nagsalita.
"You may start." he said. Katahimikan ang nanaig sa apat na sulok ng room.
"The most unforgettable day of my life is the day that I was born..." ngumiti ako. I am right! "... and the day that I died." naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang sabihin niya ang huling mga salita. He died? What the hell is he saying?
Multo siya? O robot? Na pinasok lang ang nakukuwa niya sa isang machine— potek naman, ang layo ng nararating ng utak mo Aicetel.
"The day that I existed in this world screwed up the life of my parents. And I won't forget every hurtful words, especially the words that they regret that I am their child, a failure." tahimik ang lahat, all eyes on him.
"Everyday is unforgettable. Sabi nila you only live once, but I die almost everyday. Through heartaches. Until I met Angel. Angelica." he said. Bumaling ako sa kabilang side ng room, si Angelica. Ex niya. Hindi na rin sila magkaibigan, I heard she cheated.
"I got a new inspiration, sabi ko sa sarili ko. Okay, ibato niyo sa akin lahat basta meron siya dito sa tabi ko, hindi ako mapapagod na sasangga sa lahat ng problema. Ako hindi napagod, pero siya mismo ang umalis sa tabi ko. She got tired and I am used up. Lumipat siya. She cheated on my back with my friend, Josh." fuck.... how painful is that?
"Pinakawalan ko siya. Back to normal na naman, hurtful words from people surrounding me. From my parents, when I dropped a class last year, they disowned me. My only friend Josh and my girlfriend had an affair behind my back. May mas lalala pa ba? I died. Again and again and again." puno ng hinanakit ang malamyos niyang boses. His voice was painful to hear and his eyes are painful to look at.
Kaya ba siya tahimik araw-araw? Kaya ba ang sungit niya? Sumikip ang dibdib ko, lagi ko pa naman siyang iniinis.
"My girlfriend cheated on me. My friend left me. My parents disowned me. And I think kaya ko nang daigin ang patay, kaya ko nang makipagpalit ng pwesto dahil anong saysay ko dito kung ganito naman ang araw-araw ko?" a lone tear escaped from his eyes. Tumingin ako sa mga kaklase namin. Angelica was crying. Some were covering their mouths. Speechless ang iba.
Talaga nga namang damang dama mo ang sinasabi niya. I think some were crying because they realized na sobra sobra ang reklamo nila at gumigive up na agad, samantalang itong si Mikko...
"I am physically alive. But I am emotionally and mentally tortured and dead." yumuko ako at patagong pinunasan ang mga mata kong umiinit ang gilid.
Wala kang karapatang umiyak, Aicetel.
I realized that I am lucky. Hindi ko nararanasan ang napagdaanan ni Mikko, I have my family, my friends, wala mang lovelife, darating din yan. Wala akong karapatang magreklamo at umiyak dahil in the first place, I am already lucky.
"The most unforgettable days of my life were the day that I was born and those days na namamatay ako." ulit niya. I bit my lip to suppress the overflowing emotions in me. Nang bumalik siya sa upuan niya sa tabi ko ay bumuntong hininga siya. Nagtama ang mga mata namin at agad ko siyang niyakap. I felt him froze. Ilang segundo pa ang lumipas nang maramdaman ko ang kamay niya na umakap rin sa akin.
"You are so brave."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Historia CortaHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.
