MANIKA
"Marco nasaan ka na?"
Tinawagan na ni Haze ang kasintahang si Marco dahil ilang minuto na rin siyang naghihintay mag-isa sa park.
"Wait lang, Love. Malapit na"
On cue ay nay nagtakip ng nga mata ni Haze. Napahalakhak siya ng maamoy ang pamilyar na pabango ng binata at bumilis ang tibok ng puso niya.
"Oh come on"
Napailing nalang siya ng tanggalin ni Marco ang kamay niya at hinalikan ang dalaga sa pisngi.
"Happy Anniversary"
"Happy 6th Anniversary"
Hinalikan ng dalaga ang kasintahan sa gilid ng labi at napangiti.
"Before my surprise, here."
May inabot ang binata sa kanya. Isang maliit na kahon. Ninenerbyos siyang binuksan ito at nakita niya ang isang manika. Napasigaw siya sa gulat at tumakbo papalayo. May takot siya sa mga manika.
"Haze sandali! Huwag kang tatawid!"
Tumakbo ng mabilis si Marco at itinulak si Haze ng malakas dahil may truck na sasalubong sa kanya kung hindi siya tumabi. Nakaawang ang mga bibig ni Haze ng nakita ang kanyang kasintahan. Duguan at hawak hawak ang manika.
Nag-unahang bumaba ang kanyang mga luha habang nilalapitan niya si Marco.
"H-Haze" tuluyan niyang nilapitan ang kasintahan. Umiiyak si Haze habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Marco.
"K-Kuya tulong po" umiiyak na saad niya.
"H-Haze. Babe."
Hinaplos niya ang mukha ni Marco. This is supposed to be a happy day. Their Anniversary.
"Shhh, may tutulong saatin. Huwag kang mag-alala" humahagulgol na siya.
"H-Haze. G-Ginawa ko y-yun dahil g-gusto kong maalis ang takot mo sa mga m-manika."
Pagpapaliwanag ni Marco. Haze kissed him on the lips.
"Huwag kang pipikit, babe. Huwag mong bibitawan ang kamay ko"
"P-Pindutin mo yung tyan ng manika"
"Shhh huwag ka ng magsalita. Mamaya na yan" hinigpitan ni Haze ang hawak niya sa kamay ni Marco. Pinipigilan niya ang mga luhang gustong kumawala dahil gusto niyang maging matatag para sa kanya.
"I-I love you, Haze ko"
"No, i love you more. So don't talk because you're suffering" nakita niyang hirap sa paghinga ng binata.
"H-Hindi ako titigil hanggat hindi mo pinipisil ang manika, Haze" she gulped. For Marco.
"Don't close your eyes" sambit ni Haze at binitawan panandalian ang kamay ni Marco. Ninenerbyos niyabg kinuha ang manika at pinisil ito. Naitapon niya ito palayo ng biglang magsalita ito mag-isa.
"Haze. Alam mong mahak na mahal kita. At ngayong nakatapos na tayo ng pag-aaral, may trabaho na tayo, at stable na ang pamumuhay natin may gusto akong itanong sayo. Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Will you marry me?"
Nagulat siya ng biglang may dumating na ambulansya at isinakay doon si Marco. Sumunod siya kasama ng manika. Ninenerbyos siyang naghintay sa labas ng operating room, mas lalo na nung lumabas ang doctor ng nakabusangot ang mukha.
"Doc? Kamusta po? Ang fiancé ko po. Doc?"
Binigyan siya ng maliit na iling ng doctor.
"He lost too much blood. He didn't make it."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
القصة القصيرةHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.
