Drunk
Napahalumbaba ako habang hinihintay matapos sa kakukwento si Celestine. A friend. Umiinom siya, actually kami. Pero tumigil na ang iba dahil ayaw naming malasing. Talagang sinasamahan lang namin itong si Celestine kasi kabe-break nila nung boyfriend niya. Grabe ang effect.
Para siyang baliw.
"Tapos... tapos sabi niya mahal niya ako pero HAHAHA" tawa niya ulit. Napahalakhak ako kasi ang cute niya. Namumula ang pisngi st ilong. She's drunk.
Nilagok niya ulit ang alak, straight from the bottle.
"Tama na yan" pigil ni Kade. Isa pa naming kabigan na lalaki.
"Sabi ko kasi sayong nagloloko lang 'yon." ani Caryl. Tumango si Kenneth at sumang-ayon.
"Hindi siya worth it, Tin. Stop na, hah?" sinubukang ilayo ni Amber ang bote ngunit inagaw ito pabalik ni Celestine na nakasimangot na.
Tumingin sa gawi ko si Amber na humihingi ng tulong dahil katabi ko si Celestine pero hindi ko siya tinulungan. Kaya nga kami nandito kasi maglalasing si Cel! Hindi ko siya pipigilan.
"Kent!" pilit niya sa akin. Umiling ako.
"Dito ko na nga lang ilalabas lahat, pipigilan niyo pa ako?" napatahimik kaming lahat sa sinabi niya.
Are girls... usually like this after break up? I can imagine my ex girlfriends at yung mga napagtripan namin nila Kade at Kenneth. Damn.
"Sabi niya mahal niya ako pero tignan mo nga naman.." bigla siyang nagseryoso. Nagtinginan kami nina Amber, Caryl, Kade at Kenneth.
"Kaya kayo, KKK, Kent Kade Kenneth, huwag kayong manliligaw ng babae kung wala naman kayong instensyong pakasalan sila." akmang tatawa ng malakas si Kenneth nang malakas siyang hampasin ni Caryl at sinenyasang manahimik.
Mukhang kami ang pagbubuntungan.
"Why court a girl when you don't have any intentions of marrying her? That's absurd!"
"Ano 'yon? Panandalian? Paglalaruan? Gago! Alam ko yang mga trip niyo minsan eh. Wag na kayo gagawa ng ganon." nag-no no pa siya gamit ang hintuturo.
"Kung dati tawang tawa ako ngayon hindi na. Masakit." suminghot siya at ininom ang alak sa bote.
Napa-iwas ako ng tingin nang makitang lumuluha na siya. She really is drunk.
Celestine had been friends with us ever since our freshman year in college. She's important. So it's really not nice to see her cry over a guy. This is the first time, that she cried drunk.
"I know you guys are good. Enough to be called good. I mean, you treat me well. Just like a sister. And you hate seeing me cry over a guy. Sabi niyo yan kanina." napalingon ako kina Kenneth at Kade. Seryoso na sila ngayon at mukhang natatamaan yata at nasasaktan sa lagay ni Celestine ngayon.
Kay Amber at Caryl na nakapahalumbaba. Mukhang sumasang-ayon sa sinasabi ni Celestine.
"I have a question running through my mind for a while now" we focused on her.
"As a guy, does you ego go up when women go head over heels for you? Are you proud of making girls cry over you? So you can finally call yourself lovable and handsome and such? Because that's bullshit."
Sabay sabay kaming napalunok.
"Does your ego go up by breaking women's heart? Alam niyo bang hindi lang puso ang nasisira niyo? We have ego, too. Our dignity, as well." pinunasan niya ang luha niya at inubos ang nasa bote.
"Does that bring your self confident to a higher level? Your reputation? Bullshit talaga yan!" sigaw niya at tumayo pagewang gewang.
"Nakaka-asar na yang ego na yan hah! Magseryoso kayo! Kung ayaw niyong kaming mga babae ng tropang toh ang makakuha ng karma niyo!" she passed out. Sinalo ko siya agad at binuhat patiwarik. Tumingin ako kina Kade at Kenneth.
I think that is the cue for us, to stop and change.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.