52. Lazada

11 0 0
                                        

Kagigising ko lang mga alas dos ng tanghali. Quarantine kasi tsaka walang masyadong ginagawa. Inabot pa ako ng alas kuwatro sa panonood ng korean drama kanina. Gulo-gulo ang buhok ko at suot lang ang malaking shirt na ninakaw ko kay papa. Nakamaikling shorts.

Inis na inis ako dahil bitin pa ang tulog ko ngunit wala akong magawa dahil ring ng ring ang telepono ko.

"Bakit ba?" sagot kong pabarang nang hindi tinitignan ang tumawag. Hah! 'Wag mong sabihing prof ko to o ano! Bubuntalin ko talaga 'pag nandiin pa ng online requirements! Hijo de puta! May pandemya na ngang nangyayari requirements pa rin inaatupag!

[Ma'am,] an unfamiliar baritone voice filled my ears. Kinusot ko ang mga mata ko at humilata. Nakadikit ang cellphone ko sa tainga.

"Hindi ako teacher," barumbado kong sagot.

[Ma'am Kris nasaan po kayo?] tanong niya. Ngumuso ako. Iniisio na prank call ito ay sumagot ulit ako.

"Sa puso mo boss." Pinigilan kong matawa.

[Ah sige po ma'am.]

"Sino ka ba?" maangas na tanong ko. Sino ba itong nang-iistorbo ng tulog anak ng tokwa. Iminulat ko ang mata ko at nakitang unregistered ang number.

[Jowa mo ma'am.]

"Hah?!" nagulantang ako. May jowa ako?! Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya. Bwisit akala ko naman kung ano na.

[Charot lang ma'am! Ako 'to si Bimby mama Kris.]

"Tarandado—"

[Lazada po ito, nasan ka na ba? Kanina pa ako paikot ikot dito sa street mo!] tunog nagrereklamo siya kaya lumukot ang mukha ko.

"Aba! Angas mo boi ah! Sinasabi ko talaga sa'yo kung makita kita sasapukin kita inistorbo mo tulog ko tapos pinaasa mo pa akong jowa kita!" reklamo ko ngunit tawa lang siya ng tawa bago ko ibigay ang direksyon kung nasaan ako ngayon.

Iidlip pa sana ako ngunit narinig ko ang isang busina sa baba, tsaka ang sigaw ni mama.

"Kris! Anak ka ng tipaklong, nandito raw jowa mo?!" sigaw niya. Ano na naman 'yon?! Inis akong bumaba.

"Tipaklong ka ma?" I asked her and scratched my head while I was heading out.

"Miss Kris?" napatigil ako sa pagkamot ng ulo nang marinig ang pamilyar at mas malinaw na baritonong boses na narinig ko sa telepono kanina!

Sinilip ko ang ulo ko sa maliit na gate at agad na nagtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Siya ba 'to?! Talaga bang tagadeliver siya?!

"Lazada," he smirked devilishly after he shamelessly eyes me and my body. Agad akong tinabunan ng hiya!

Ni hindi pa ako nagsusuklay! I was only wearing a shirt and short shorts! Ni hindi pa ako nagsuot ng bra!

"Puking ina—"

"Aguy bastos!" he laughed. Padabog kong isinara ang gate at kumaripas ng takbo paakyat para maghilamos at magbihis ng mabilis. I even sprayed perfume kahit hindi pa ako naliligo! Kadiri! Nakakasar naman kasi!

Kinuha ko ang pambayad at agad na nagtungo pababa. He was still in front of our gate, nakahilig siya sa motor niya habang hawak ang package ko. His eye brows shot up when he saw me walked out of the gate.

"Nice, naging tao bigla," nakakainis na komento pa niya. I glared at him but he looked at me with a mischievous grin on his face. Ginaya niya ang ekspresyon ko kaya walang hiya ko siyang hinampas.

"Just give me my parcel!" I wailed impatiently. Ngumuso siya at ibinigay sa akin ang box. I paid him the exact amount at nagtama pa ng marahan ang mga kamay namin.

"Thanks for giving the exact amount," he said. Napatunganga pa alo ng ilang segundo sa kanya. He was wearing a white shirt underneath his black jacket. Maong pants and shoes. Hawak niya sa isang kamay ang helmet.

His hair was longer than conventional. His jaw was prominent, 'yon ang una king napansin. He's tall, his complexion is neither mestizo or tan. He's devil smirk filled my mind and his chinky eyes was screaming mischief. Mumhang loko-loko sng isang 'to!

"Aba, aalis pa ba ako? Parang ayaw mo yata, e!" he laughed at me as he strangled on his motorcycle. Lumunok ako. He smiled at me.

"Sige na Ma'am, mauuna na ako. See you when I see you." Isinuot niya ang helmet at binuksan ang makina ng motor. Napakurap ako dahil doon. Aalis na siya!

"When and where can I see you again?" malakas ang loob na tanong ko. Napatigil siya at itinaas ang face shield ng helmet. His gaze met mine. His eyes visibly showed amusement from my boldness. He smirked.

"You finally noticed me now, huh," he whispered but not enough for me to hear.

"What?" I asked. I just want to meet him!

"Wala! Ang sabi ko, ang ganda ganda mo! Makikita mo ako pagkatapos ng corona! Kung maalala mo pa ako—" he stopped and smiled. Kumunot ang noo ko. Ano raw?

"Anong pangalan mo?" I asked like a kid. I tried looking for a name tag but there's none! What's his name? So I could stalk him on socmed!

"Bimby," barumbado niyang sagot at ibinaba na ang face shield ng helmet.

"See you around, Krissy!" he said before driving away. Nanliit ang mga mata ko at napapadyak. What the hell? Bimby?! Krissy?!

"Oh saan na 'yung jowa mo daw?" tanong ni mama habang nanonood. Kinuha ko ang cutter at tumabi ako sa kanya bago binuksan yung box ko. Tumambad sa akin ang mga pinamili kong skin care products.

"Ewan, siraulo naman 'yon," sambit kong nakanguso habang inaalala si Bimby. Bimby amp.

Pampam. Inakyat ko ang mga gamit at kumain ng tanghalian habang iniisip ko kung sino 'yon. Pamilyar na hindi, e. I checked my phone to see the delivery details, baka naroon ang pangalan niya!

And there! Putangina!

"Giovanni Martin?" bulong ko. Angas naman ng pangalan! Bagay sa kanya. Tapos ipapakilala niya Bimby? Siraulo. Kinuha ko ang phone ko at sinearch ko agad sa facebook! And damn!

We're friends?! We're schoolmates, even?! Huh?!

Binuksan ko ang chat namin at nagtagpuan kong may hindi ako nababasang chat sa kanya. Namilog ang mata ko at namula ang pisngi. This was from December last year! And ano na ngayon?!

Giovanni Martin: Anniversary ng TENDER JUICY HOTDOG NGAYON! Ipasa mo ito sa 10 tao bago matapos ang araw, kung hindi, magiging hotdog ka. Wag kang tumawa 'yung tita ko hotdog na.Ayaw kitang maging hotdog.

Giovanni Martin: Joke lang, happy birthday. Crush kita hehe.

Napakurap ako at napindot ang like! Malakas akong napamura! Anak ng tokwa't baboy!  Nagpapanic akong dinilete 'yon ngunit na-seen na niya agad! Bakit ganon!

Anong tender juicy hotdog?! Anong crush?!

Giovanni Martin: Bilis naman Miss Ma'am. Di na 'to Lazada hah! Oorderin mo'ko? Libre nalang po.

Napasapo ako ng noo at napapikit ng mariin. Pinipigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi habang namumula ang pisngi.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon