ESTELA
Napa-angat ako ng tingin nang biglang may dumaang hospital bed sa harap ko sa gitna ng pagbabasa ng mga libro tungkol sa time traveling. Napatayo ako at naglakad ng dahan dahan habang sinusundan yung mga nurse.
"Hi Jessica" bati ko sa nurse station. She smiled at me.
"Hi Mason" ngumisi ako at mas binilisan na ang lakad para makasunod. Napatigil ako sa hamba ng pintuan ng kwarto kung saan siya pumasok. I don't know what urges me to follow that cot.
I just realized. Magkatapat lang ang hospital room namin.
"Okay. Pindutin niyo nalang ang intercom kung nagising na siya. Inform me immediately." nabosesan ko si Dra. Clay. Nagtama ang mga mata namin.
"Oh, Mason. May nararamdaman ka? Nagala ka na naman dito sa hospital." she smiled at me.
"Nasundan ko lang po yung kama kasi nagbabasa lang naman po ako tapos dumaan. I got curious." paliwanag ko.
"Oh siya sige. Mag-ingat ka hah? May mga pasyente pa ako eh. Maiwan ko na kayo." she said and smiled walking away. Tinitigan ko ang papalayong bulto niya bago humarap sa pinto. Doon ko lang nasilayan ang pasyente ni Dra. Clay. It's a girl. Nakatulog siya at maraming apparatus ang nakakabit sa katawan. I saw her duty nurse.
"Hey Barbara." bati ko at kumaway. Tinignan ko ang babaeng nakatulog pa rin. May takip ang kanyang mga mata. Nagtaka ako.
"Anong sakit niya?" tanong ko. Tumayo si Barbara at pinapasok ako. And there. I saw the woman fully. Para siyang prinsesang tulog. Ganda pa rin. Wavy ang buhok. Maputi, namumutla. Namamayat.
"Nabulag siya dahil sa isang aksidente. Pero hindi pa niya alam." gulat na napatungin ako kay Barbara dahil sa sinabi niya. Ano?!
That's harsh. Nabulag siya. She can't see the beautiful world.
"Kawawa nga eh. Yung pamilya naman niya, financially lang siya tinutulungan. Parang walang pakialam. Kaya ako na nagkusa." kwento niya habang inaayos ang kumot ng babae.
"Anong pangalan niya?" tanong ko habang titig na titig pa rin sa kanya. Niyakap ko ang libro ko.
"Ay, ikaw ah Mason. Crush mo?" gulat na tinignan ko naman si Barbara.
"Luh, baket? Selos ka?" asar ko pabalik. Tumawa siya at umiling.
"Sige na. Malapit na mag-alas kuwatro. Nagrarounds si Dr. Jamiel. Bumalik ka na sa kuwarto mo." bilin niya. I smiled and nodded. Tinignan ko muli ang babae bago ako lumabas ng kwarto niya at isinara ang pinto. I saw her name plastered in the door.
Regina, Estela D.
Estela. It means star. Ngumiti ako bago bumalik sa kwarto ko sa tapat.
"Miss! Miss! Kumalma po kayo! Kumalma po kayo, please!"
"Bakit hindi ako makakita?! Bakit wala akong makita?!" agad akong napamulagat nang marinig ang kaguluhan sa labas. I rubbed my eyes. Ano 'yon?
"I can't see anything! Why can't I see?!" narinig ko pang sigaw ng isang babae. Isa lamang ang pumasok sa isipan ko. Estela.
Mabilis akong nagsuot ng tsinelas at lumabas ng kwarto. Doon ako natigilan sa nakita. Pinapakalma nila ang babaeng nakita ko sa kwarto. Isang linggo na ang nakalilipas. She's finally awake. Pero nakalukungkot lang dahil sa sitwasyon niya ngayon. She's blind. Nagwawala siya.
"Get off me! Stop! Pwede ba—"
"Miss kumalma ka." tumulong ako sa pagpapakalma. Natigilan siya panandali ngunit nagpatuloy. The nurses were hopeless and panicking. I sigh. I ran to get my guitar and immediately strummed it. I saw her froze.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.