RIBBON
"BAKLAAAAA UHUHUHU!"
"ARAY! ANO BA WAG KA MANGHAMPAS ANG PERFECT SKINLALOO KO!"
"TULUNGAN MO AKOOO" sigaw ni Elle sa kaibigang bakla na si Charles habang pinaghahampas niya ito. Charles sa umaga, Charice sa gabi.
"ANUE BA? MAZIZIRA ANG BALATSKI KO HINDI KO MAPIPIGILANG KALBUHIN KA KAHIT NA KAKAREBOND MO!" sigaw niya pabalik kay Elle na nakasimangot at paiyak na. Kumalma si Charles at nagkunot noon ng mapansing problemado talaga ang matalik niyang kaibigan.
"Oh dakdak mo na teh. Jusko masstress ang beauty ko dito" saad nito at inayos ang malaking pink ribbon na nasa buhok niya.
"Si papa dumating–"
"Edi bonggasious! Asan pasalu–"
"BAKLAAA IPAPAKASAL NIYA AKO SA DI KO KILALA! BAKLA SINABI KONG MAY BOYFRIEND AKO KAHIT WALA PARA MAPIGILAN!" natatarantang sigaw ng sigaw si Elle habang si Charles ay tumawa lang.
"Ano ipapagawa mo saakin? Landiin ko si boy? Ay kaya love kita eh–"
"Be my boyfriend"
Nanlaki ang mga mata ni Charles ng marinig ang sinabi ni Elle.
"HOOOY BABAITA HINDI TAYO TALO KAYA—"
"Charles pag naikasal ako sa ibang bansa kami titira. Hindi na tayo magkikita. And for 2 months lang naman!" tumikhim si Charles ng tawagin siya ng kaibigan sa totoo niyang pangalan.
"SABI KO SAYONG CHARICE ANO BA!" sinabunutan niya si Elle.
"ARAY GAGA! SIGE NA KASI! PLEASE SERYOSO AKO!" tumigil sila at tumahimik.
"Magpakalalake ka" nakakunot noong sambit ni Elle kaya napatayo si Charled sa kinauupuan niya.
"ANO? AYAW KO NGA!"
"BOYFRIEND NGA EH ALANGAN NAMANG BOYFRIEND NA BAKLA?! CHARLES NAMAN!"
"Babe naman" nanlaki ang mga mata ni Elle ng makarinig siya ng isang paos at matipunong boses. Napatingin siya kay Charles na seryosong nakatingin sa kanya at napalunok ito.
"SHEEEET HINDI KO KAYA MAGHANAP KA NG IBA! ELLE! IKAMAMATAY KO!" napapikit siya ng sumigaw ng pagkalakas lakas si Charles. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Sabi ko nga ako na. Ako na ang boyfriend mo. Ako na magpapakalalaki... Pero libre moko Starbucks"
---
"Gusto ka nga kasi ma-meet ni papa. Umayos ka nga! Tanggalin mo yang ipit na yan sa buhok mo!" tinaggal ni Elle ang nalaking blue ribbon na nasa ulo ni Charles habang nasa mall sila. Papunta sila sa department store.
"Bakla naman—" tinignan siya ng masama ni Elle. Nakakatakot ito kaya tumikhim siya ngunit hindi niya mapigilang mapatitig sa mapulang labi ni Elle. Napalunok siya.
"Ano? Lalaki ka na? Gusto mo kong halikan?" humalakhak siya dahil nahuli niyang nakatitig si Charles sa labi niyam Hinampas niya ang kaibigan.
"BOBA? AKO? WILL KISS KISS YOU? NO WAY OVER MY DEAD SEXY AND GORGEOUS BODY!" humagalpak si Elle dahil doon. Napailing siya at hinila si Charles sa department store.
"We'll buy clothes for you. Don't worry I'll pay"
"REALLY SISTERET? TARA NA SA WOMEN'S—"
"Ulol sa panglalaki tayo. Lalaki ka muna pansamantala please lang bakla"
Napasabunot sa sariling buhok si Charles habang humahalakhak si Elle.
"ANO BA TONG NAPASOK KO?!"
"Oh ayan. Bagay. Eto pa. Lagay mo sa basket ito. Okay. Kuha ka pa isang basket Bakla"
Binigyan ni Charles ng nakamamatay na tingin si Elle.
"TATLO NA TOH! HINDI AKO OCTOPUS. TSAKA ANG CHACHAKA NAMAN NG MGA DAMIT NA TOH. AYUN OH KULAY NEON PINK!"
"AY HINDE! MANAHIMIK KA! MAGBABAYAD NA TAYO"
---
"Owow papasalon tayo teh?"
"Ikaw. Ikaw lang. Pasok!"
Itinulak tulak ng mahina ni Elle si Charles papasok sa isang salon kaya medyo naexcite si Charles. Pero gumusot ang mukha niya ng marinig ang sinabi ni Elle.
"Good day. Pwedeng pakikulayan ng black ang hairlaloo ng friend ko? Then pakitrim narin ng unti lang po kasi baka magwala. I'll pay later on. Take care of him!"
Nagtaka si Charles ng biglang tumakbo papalayo si Elle ngunit nawala iyon sa isipan niya ng may humila sa kanyang bakla.
"Tara na pogi. Magagalit girlfriend mo"
"Anong pogi? Ganda! Ganda ako noh!"
"AY SISTEEER!"
---
Dumaan ang dalawang oras at natapos na ang pagpapakulay ni Charles. Tinignan niya ang sarili sa salamin at inalis ang mga kolorete niya sa mukha.
"Ay pak! Ang gwapo mo papi bakla!" hindi mapigilang sigaw nung gumupit at nagkulay sa kanya. Napangiti siya ng makita ang sarili sa salamin.
'Oh pak! Ihampas ko ang beauty ko sa ipapakasal sayo ng tatay mo Elle. Humanda yung hinayupak na yon. Lalandiin ko siya' isip ni Charles kaya napa-iling siya at siya na ang nagbayad sa pagpapasalon niya.
"Nasaan na ba yun?" tanong ni Charles sa sarili. Nilibot niya.ang kanyang paningin hanggang sa nakita niya ang isang babae sa sofa ng salon. Nakapikit. Mariing kinagat ni Charles ang labi niya ng gumalaw ang ulo ni Elle. For the first time. Pinagmasdan niya ang kagandahang taglay ng matalik na kaibigan. Ang makakapal na pilik mata, ang mapupulang labi, ang matangos na ilong at ang maputing kutis. Umiling siya sa naiisip. Hindi niya pagpapantasyahan si Elle. Never. Sayang naman ang beauty niya kung mapupunta siya kay Elle ano!
Lumapit siya sa dalaga at malakas na hinipan ang tenga nito dahilan para mapatili ito ng mahina. Tumawa ng malakas si Charles.
"BWISIT KANG BAKL—" napatahimik si Elle ng makita niya ang mukhang nasa harap niya. Ang magulong itim na buhok, ang manipis na labi, ang matulis na panga at ang gwapong mukha ng binata. BINATA.
"Oh crush mo na ko niyan bakla? Baka matunaw ako hah?" pagbibiro ni Charles. Ngunit hindi parin nakapagsalita si Elle kaya kinurot na siya ni Charles sa tagiliran.
"ARAY! ANG SAMA MONG BOYFRIEND HAH!"
"HAHAHAHAHAHA NATULALA KA NANAMAN KASI SA BEAUTY KO! TARA NA NGA." hinila niya si Elle patayo at kinuha lahat ng dala nito atsaka hinawakan ang kamay nito.
Biglang nag-init ang mukha ni Elle at bumilis ang pulso niya.
'Ano ba tong nangyayari saakin?'
"Sige. Simula ngayon hanggang next next month magpapakalalaki ako. Susuklian ko lahat ng naitulong mo saakin Bakla--este Babe. Teka. Ano ba gusto mong callsign?"
Tumingin sa kanya si Charles at hindi niya mapigilang mautal sa sasabihin niya.
"L-Love"
"Okay then, Love."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Cerita PendekHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.