IPHONE X
"Uyy tara sa Power Mac Center! Bwahaha!" malakas na yaya ko kay Moira tsaka hinigit siya sa braso.
"Aray... ARAY EMPRESS! HAYOP BIBILI KA BA?!" sigaw niya sa mismong mukha ko kaya napasimangot ako.
Ang KJ naman nitong kaibigan kong ito!
"Magpipicture lang HAHAHA! Baka mahanap ko kamo si Mr. Right doon!" lokong sambit ko. Wala siyang nagawa kundi ang magpahila sa akin hanggang sa makarating nga kami sa Power Mac. Ngumisi ako ng mala-demonyo. Napairap naman si Moira sa akin.
Nagsimula na akong kumalikot ng kung ano ano roon at nahagip ng mata ko ang pinakabagong model.
Ang iPhone X.
Muahahaha!
Kinalikot ko iyon at sa tindi ng kalokohan ko at nagawa ko pang magpicture. Nilagyan ko ng text ang picture na iyon ng 'Ikaw na ba si Mr. Left? Babalikan kita bukas ng alas'tres. Pag wala kang reply, yari na WAHAHA! Bilhin mo'to kung hindi ikaw si Mr. Left!' at saka ginawa pang lockscreen dahil sa kademonyohan ko at kadesperadong magkaroon ng jowa. PUAHAHAHA!
Tignan nalang natin! Sa ganda kong ito, walang papatol? Jusko! Siguraduhin lang niyang gwapo siya PUAHAHAHA! Dapat gentleman, tapos mabait, caring lahat lahat naaaa!
"Ma'am bibili ho ba sila?" nakangiting tanong ng babaeng taga doon kaya nanlaki ang mga mata ko at awkward na ngumiti habang life savior ko naman itong si Moira na hinigit ako palabas.
"Bwisit naman sunod ng sunod yung tagabenta kala mo naman magnanakaw ako!" i lashed out. Tumawa naman si Moira kaya napatingin ako sa kanya.
"Timezone nalang." yaya niya at pumayag naman ako.
---
The next day, gaya nga ng sabi ko ay babalik ako sa Power Mac para tignan ang resulta ng kademonyohan ko. HAHAHA!
Titignan ko lang naman eh. Ang desperada lang, pakshet.
Mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa Power Mac dahil may special appointment na gagawin si Moira ngayon hehehe.
Confident akong naglakad kahit walang pambili patungo sa naka-display na iPhone X kahapon. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ng makita ang lockscreen.
'Look at the Home Screen' sabi nito in text. Eh ako tong si gaga, ginawa ko. May iba namang nakalagay na naman.
'Kidding, sa photos. Check it.' sambit na naman niya in text! Ako si uto uto, ginawa ko ulit!
Tinignan ko sa photos ngunit wala na ang mga pictures ng strangers doon. Ang natira doon ay yung picture ko kahapon at isang video? Maplay nga.
At plinay ko nga! Pero black! Ampucha napagti-tripan ako. Baka may hidden camera dito?
Napa-awang ang mga labi ko nang may tumunog mula sa phone. Isang boses!
"Okay. I'm deadass now. Hanapin mo sa albums. Goodluck."
Kinilabutan ako. Pero yung 'good kilabot' hah! Omg! Ang lalim ng boses pero ang gwapo! Sino itooow! Ikaw na ba si Mr. Left ko?
Hinanap ko sa bawat album. May nakita naman akong nag-iisang picture album kaya agad kong pinindot iyon at in text na naman. May nakalagay.
"Look at your Right" sabi nito.
Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ang isang sales lady. Hah?
"Ma'am, bibili po ba kayo? Pabalik balik ho kasi kayo eh. Kahapon pa po." kumunot ang noo niya.
So ano itong kalokohang nangyayari? Maaresto ba ako? Huhu magagalit si mama!
Nagulat nalang ako at kinabahan nang may humigit sa braso ko at hinila ako patungo sa kanya.
ANO NA?! PULIS NA BA ITO? BAT ANG BILIS? AT ANG BANGO—
"Ah, she's with me. I just bought the iPhone, Miss. We'll get going. Thank you." kinapos ako ng hininga nang marinig ko na naman ang boses na iyown! Halla! Ano ito!
"Oh, sorry sir, ma'am. Thank you din po."
Ngumiti ang babae at umalis na.Akmang titingin ako sa likod ko nang gabayan niya ako palabas ng Power Mac without even letting me see his face. Ayyy...
Hawak niya ang magkabila kong balikat at tantya ko ay matangkad siya. Bwisit! Naamoy ko pa yung panlalaki niyang pabango. Gusto kong simghutin. Eto na ba? Eto na ba si Mr. Left?!
Hinarap ko siya at tumingala pa ako dahil sa angking tangkad niya. Ngumiti siya.What the fuck—
ANG POGI!
"Puro Mr. Left hinahanap mo. Sabi ko sa text, humarap ka sa right. Hindi sa left. Ayaw mo ba sa akin? Mr. Right." humalakhak siya at naglahad ng kamay.
"I bought the iPhone, because i'm not Mr. Left. I think i'm your Mister Right." banayad na utas niya pero nakatulala pa rin ako sa kanya.
What the hell is happening right now? Nagloloko lang naman ako kahapon ah!
HAH! ANG DEMONYO AY BINIYAYAAN NG ANGHEL!
"I'm Alexis Right. Literal na Mr. Right. And you are?" napakurap ako.
LITERAL NA MR. RIGHT!
"E-Empress"
Bobo! Tanga! Inutil! Nautal pa!
"So... tayo na ba?" walang hiyang tanong ko na sinuklian lang niya ng ngiti at inilahad sa akin ang paperbag ng Power Mac bago humalakhak.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.