SALAMIN
"Ms. Venice Castro! What is the common monomial factor of number 3?"
Napakurap ako ng marinig ko ang aking apelyido at humarap sa board bago tumayo. Kumunot ang noo ko ng hindi ko makita ang nakasulat sa board.
"Ms. Castro!"
"Ma'am di ko makitaaaa!" sigaw ko at napahagalpak yung nga kaklase ko sumigaw ako pabalik at naglakad paharap.
"Ma'am x-3 is the common monomial factor!"
"Magpasalamin ka na kaya Ms. Castro? Hindi mo ba makita? You're in the second row"
"No thank you ma'am medyo malabo lang naman po"
---
"Ouch" daing ko ng bigla akong matapilok.
"Gosh bes—"
"Hindi mo ba nakikita yung sign na bawal dumaan jan? Miss?"
Mas nagulat ako ng biglang may tumulong saakin ni tumayo. Napalunok ako ng seryoso niya akong tinitigan sa mata.
"Miss?"
"A-Ah i'm sorry"
"SORRY KUYA!"
Hinila ako ng best friend kong si Jean at hindi niya mapigilang tumawa.
"Ang gwapo nun shet. Kaso ang sungit."
"Oo nga" pagsang-ayon ko ngunit kinurot niya ako sa tagiliran.
"Taena neto di ka ba nagbabasa?"
"ANG LILIIT DI KO NAKITA!" depensa ko. Ngunit hindi ko parin mapigilang ngumiti ng matandaan ko ang nangyari kanina. He has this tantalizing eyes that can intimidate people but give shivers at the same time.
"Magpasalamin ka na Venice!"
"AYAW KO NGA! MAGMUMUKHA AKONG MATANDA!"
---
"Okay grade nine Amethyst, we will have grade ten Zeus here to join our class for today." Napa-angat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan ng isang section. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat ng may biglang tumabi saakin ngunit hindi ko na pinansin. Tumayo ako para makita ng mabuti ang kinokopya ko sa board ngunit napabuntong hininga ako ng nanlabo ang paningin ko.
I closed my eyes to relax for a while when i felt something was placed on my face. Iminulat ko ang nga mata ko.
"Use my correction glasses for awhile. Magpasalamin ka na rin. Baka mas lumala yan. Maganda ka pa rin naman, Venice." biglang kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang isang napakapamilyar na boses na bumanggit sa pangalan ko. Napakurap ako at tumingin sa gilid ko.
Nagtama ang mga mata namin.
"I'm Vaughn by the way"
His tantalizing eyes welcomed me. Mas lalo na nung ngumiti siya ng marahan. Shit. Why do i feel like this?
"Done drooling? Ading?" ngumisi siya kaya namula ako at hinampas ko siya.
"Excuse me! I am not KUYA!"

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.