BIRTHDAY
"Tao po!" kumatok ang mga kaibigan ni Monica sa labas ng bahay nila. Birthday ni Monica at inimbitahan niya ang mga ito kahapon para maghanda.
"Mga hija! Mga hijo!" binuksan ng mama ni Monica na si Mona ang gate para papasukin ang mga bisita ng anak niya.
"Magandang hapon po Tita"
"Good afternoon po"
Kanya kanya silang bati. Si Mona ay nagmamay-ari ng isang maliit na kainan sa bayan. Kilala siya sa pagiging mahusay na kusinera.
"Si Monica po?" tanong ni Rina. Isa sa mga kaibigan ni Monica.
"Ahh, kumain na muna kayo? Sabi ni Monica pakainin ko daw muna kayo pagkadating niyo." ngumiti ng matamis si Mona sa mga kaibigan ni Monica.
"Ah sige po Tita! Gutom na po kami!" walang hiyang sigaw ni Angelo. Binatukan siya ni Krisha.
"Wala ka talagang hiya!"
"Oh siya sige. Ito na"
Inilagay na ni Mona ang mga pagkaing ihinanda niya sa pabilog na lamesa. Kumunot ang mga noo ng kaibigan ni Monica. Kakaiba kasi ang mga nakahanda.
"Oh? Huwag kayong magtaka. Nag-experiment ako at masasarap ang mga iyan. Ayaw niyo bang tikman?" sambit ni Mona.
"SYEMPRE TITA GUSTO NOH! IKAW PA BA! THE BEST KA EH!" sigaw ni Angelo sabay kuha ng hotdog na ang sosyal pa ng plating at pagkaluto. Kumagat siya dito.
'Wow pwede na talagang pang-resto. Kakaiba tong hotdog na toh.' sabi niya sa isip niya.
Medyo makunat pero masarap ang lasa. Sumunod na kumuha ng makakain si Rina. Yung salad. Kakaiba siya. Malambot ang karne at kakaiba ang lasa. Nasarapan siya kaya kumuha pa siya ng isa.
Sumunod na kumain ang iba pang mga kaibigan ni Monica. Lumalamon sila at nasasarapan sa bawat hinahain ni Mona hanggang sa isang oras na ang lumipas at wala parin silang nakikitang bakas ni Monica. Rina decided to ask.
"Tita. Wala pa po ba si Monica?" tanong niya. Ngumiti lang si Mona atsaka inilabas ang cake na ginawa niya para sa kaarawan ng kanyang nag-iisang anak. Pinakain niya ito sa mga bisita. Umupo siya habang tinitignan ang mga kaibigan ni Monica.
"Masaya na siguro sa Monica ngayon. Marami siyang handa at busog kayo. May malaking cake pa akong naihain para sa inyo. At nasasarapan kayo." ngumiti si Mona. Ngumiti pabalik ang mga kaibigan ni Monica.
"Eh nasaan na po ba si Monica?"
"Nasa tyan niyo" biglang naibuga ni Angelo ang kinakain niyang cake. Kumunot ang noo ng mga lalaki at kinilabutan bigla ang mga babae.
"P-Po?"
"Wala akong pambili ng mamahalin na pagkain at magagarbong mga palamuti. Gusto niya ng mga iyon. Nag-iisang anak ko si Monica at gusto kong ibigay ang lahat para matupad ang kanyang mga kahilingan. At iyon ay natupad. Dahil nandito kayo ngayon, at nasasarapan sa bawat parte ng katawan at mga laman loob ni Monica. May mga magarbong palamuti at maraming pagkaing nakahain. Ang saya hindi ba? Natupad ko ang pangarap ng anak ko?"
Ngumisi si Mona habang hinahati pa rin niya ang cake at may nakita silang dumaloy na pulang likido mula dito.

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
NouvellesHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.