9. Math

21 1 0
                                    

MATH

"MS. GRACE DE SILVA! ILANG BESES KO NA BANG SINASABI NA MAGFOCUS KA SA GENERAL MATHEMATICS? YOU'RE FAILING!" matinis na boses ang bumungad kay Grace pagkapasok na pagkapasok niya ng faculty room.

"Eehhhh ma'am! Magagamit ko po ba yang general mathematics na yan sa pagoopera ng puso—"

"ANONG SABI MO?!"

"WAAH OO NGA PO AARALIN KO NA MAGAGAMIT KO PO YAN PRAMIS HEHEHE." napamasahe ang guro sa sentido niya. Stress na stress na siguro haha!

"—pero ma'am ang hirap kasiii!" mahinang reklamo ni Grace.

'EH ANG HIRAP HIRAP HINDI NAMAN TALAGA YAN MAGAGAMIT SA PAGOOPERA! ANO YON MAMATAY NA YUNG PASYENTE KO NAGCOCOMPUTE PARIN AKO?!'

"Huwag kanang magreklamo. Magagamit mo yan. That's why i called one of the best student from STEM to teach you."

On cue ay biglang bumukas ang pintuan ng faculty room at pumasok ang isang lalaking nakasalamin. Kumunot ang noo ni Grace.

"This is Chester Villanueva. He will teach you until your grades stops from failing"

Masama ang tingin niya kay Chester mas lalo na ng ibinaling niya ang tingin niya kay Grace.

"Chester this is Grace. I hope you can help her improve her math SKILLS" hindi naalis ang tingin niya ang lalaking nakasalamin.

'Why do i have to deal with him? Kaya ko naman— char lang di ko alam mag-math.' sinampal niya ang sarili niya sa isip niya.

"You may go now" tumayo si Grace agad at sabay silang lumabas ng faculty room.

"So ano toh? Parang wattpad lang? Scholar ka din kaya kailangan mo kong turuan para di ka mapatalsi—"

"I'm not a scholar."

Napabuntong hininga si Grace.

"Then what? Napilitan ka lang din? Were you blackmailed? Don't worry tell me para maali--"

"Will you shup up?"

Napalunok siya ng tignan niya ako ng seryoso.

'Shit. Dakdak ka kasi ng dakdak Grace!' pangaral niya sa sarili niya kahit na umirap lang siya.

"Let's go. Library"

Napanganga ako ng talikuran niya ako.

"AGAD AGAD?!" sigaw ni Grace kaya napatingin sa kanya ang ibang estudyante. Napayuko siya at nakita niyang ngumisi si Chester.

'BWISIIIIT! BAKIT PA KASI NAIMBENTO YANG MATH NA YAN!'

Nakarating sila sa library at tahimik na inilabas ni Chester ang math book at graphing notebook niya. Kumunot ang noo ni Grace ng magsulat ang lalaking nakasalamin.

"Answer. Let me check your capabilities"

Nanlaki ang mga mata ko niya ng makita niya ang mga problem sa papel. Halos lahat iyon ay napag-aralan na nila. Pero hindi niya alam. She just answered anyway. Ibinalik ni Grace ang graphing paper kay Chester. Napakunot siya ng noo at seryosong tumingin kay Grace na proud na proud pa sa mga sagot niya.

"You're hopeless"

--

Ilang mga linggo pa ang nakalipas ay tinuturuan parin ni Chester si Grace pagkatapos ng klase nito. Hinihintay siya ni Grace sa kanilang classroom at dederetso sila sa library pagkatapos.

"But i already multiplied it into—"

"It's wrong. You're seriously hopeless Grace. Ganyan ka ba ka-bobo sa math? This is just a simple problem. Why can't you solve it properly?"

Yumuko si Grace at lumamig ang atmosphere. Agad na nagsisi si Chester sa nasabi niya sa dalaga.

"Look Grace. I'm–"

Humalakhak ng mahina si Grace na nakapagpatigil kay Chester na magsalita.

"Sabi nga ng nanay ko. Bobo raw ako." matamlay siyang ngumiti kay Chester at tumayo.

"Grace that's not what–"

"I'm not feeling well. Mauna na ako" saad nito at mabilis na lumisan sa library. Napabuntong hininga si Chester.

--

The next day. Lumabas si Chester sa classroom nila at hinanap si Grace na madalas na nakaupo sa sahig habang naghihintay. Ngunit wala siyang nakita.

Pinuntahan ni Chester si Grace sa classroom nila ngumit wala rin. Pumunta siya sa library. His last hope. Ngumti wala parin siayng nakikitang bakas ni Grace.

"Chester punta ka daw sa faculty room" tumango ito at nagpunta sa faculty room.

"Mr. Villanueva. I want you to know na hindi mo na tuturuan si Ms. De Silva. She dropped out and i haven't seen her since yesterday. Alam mo ba kung nasaan siya?"

"She d-dropped out?" napakurap si Chester.

"Yes. Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"

"N-No ma'am" hindi niya mapigilang mautal sa harap ng guro.

"Okay. You may go now."

Lumabas siya ng faculty at nanghina ang tuhod niya kaya napasandal siya sa dingding. Napaisip siya. Kasalanan ba niya?

Ilang araw, na naging linggo, na naging buwan ang nagdaan. Hindi parin matanggal tanggal sa utak ni Chester si Grace. Lagi niya itong hinahanap tuwing uwian. Sa labas ng room, sa library, sa classroom nila. Hindi siya mapakali hanggat sa isang gabi ay nadatnan niya ang dalaga sa playground. Katatapos lang ng night shift niya at hindi siya makapaniwala sa nakikita. Si Grace. May hawak na maleta na nakaupo sa swing.

Napakunot ang noo nito ng makitang tumataas baba ang balikat niya.

'Is she crying?' he asked himself. But he knows that she is. Nahihiya man siya ngunit tumayo siya sa harap ng dalaga at inilahad ang kanyang panyo. Tumingala si Grace at napahalakhak ng makita niya si Chester.

"Oh look, the guy who called me stupid." she uttered. Guilt was embracing Chester's heart. He sat beside her.

"Alam mo bang dahil doon sa sinabi mo months ago hindi ako nakatulog ng maayos? I was blaming myself why. Why do i have to be so bobo? Why do i have to be so hopeless?" tumingala si Grace habang patuloy na pumapatak ang nga luha mula sa kanyang mga magagandang mata. She was crying so hard.

"I dropped out and i didn't continue school. But i still go out with uniforms because my family was furious when i told them i wanted to back out but i already did. I acted like i go to school every day. But i don't. Bobo kasi ako. Wala naman akong maiintindihan doon. They knew. My mother was furious. She was throwing words full of hatefulness. I was so hurt." napahawak siya sa kanyang dibdib ng humikbi siya. She didn't want this. She doesn't want to open up but she did.

"Bakit ba kasi ang bobo bobo ko?! Wala akong alam! Isa lang akong salot sa pamilya ko! Isa akong kahihiya—"

Hinila patayo ni Chester si Grace at niyakap niya ito.

"You're not. I'm sorry. Hindi ka ganon. Stop crying please" saad nito. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kaya niyakap niya ng mahigpit ang dalaga.

"They already disowned me. I don't know where to go. I have no place to stay. Walang nagmamahal saakin! Walang may gusto saakin. Wala na akong patutunguhan. I'm hopeless—"

"Shut up. I'm here. Let's go home"

"H-Huh?"

"Ipapakilala kita kela mama. Tara na."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon