TRICYCLE
Biglang nagising si Angelica ng may maamoy siyang kakaiba. Napamulagat siya at nakita niyang may katabi na siya sa tricycle na sinasakyan.
'Ambango niya' she thought.
"Tapos ka na suminghot?"
Namula siya ng marinig niya ang sinabi ni lalaking katabi niya.
---
"Ikaw na naman?" napairap si Angelica ng narinig na naman ang boses ng gwapo at mabangong lalaki na nakasabay niya kahapon. At ngayon.
"Bakit ba?" tanong niya
---
"Umiiyak ka jan?" tumingala si Angelica habang may mga ilang butil ng luha na dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
"Nakulong nanay ko" saad nito.
"Sabay na tayo uwi?"
Tumango si Angelica at tinanggap ang kamay na nakalahad sa kanya bago sila pumara ng tricycle
---
"Hindi ko pa alam pangalan mo. Bakit ba lagi kitang nakakasabay pauwi? Taga saan ka ba?" taning ni Angelica ng makita si Axcel na nakasakay sa tricycle.
"It's you again"
"Duh. Who else?"
"I'm Axcel"
"Angelica"
---
"What do you mean you live alone? Nasaan yung parents mo?" tanong ni Angelica habang umaandar ang tricycle na kanilang sinasakyan.
"Wala na sila."
"I'm sorry"
"It's fine"
---
"Axcel"
Kinalabit ni Angelica si Axcel.
"Op?"
"Sama muna ako sa bahay mo? Pwede ba?" tanong nito sa binata. Dahil hindi niya trip na umuwi muna at makita ang lasenggo niyang ama.
"Sige. Tara. Manong para"
Hindi tumigil ang tricycle kaya kinalabit ni Angelica ang driver kaya tumigil ito. Si Angelica ang nagbayad ng kanilang pamasahe.
"Ineng sobr—"
"Salamat po manong"
Tumigil sila sa isang bakanteng lote kaya nagtaka si Angelica.
"Eto. Eto ang bahay ko"
"Ako ba'y pinagloloko mo?"
"Hindi ah. Bahay ko talaga toh."
"Eh bakanteng lote yan eh!"
Biglang may kumalabit kay Angelica kaya napalingon siya. Isang matandang babae.
"Sinong kausang mo ineng?"
"Ah si Axcel po" sagot niya agad at tumingin sa katabi niyang nakangiti.
"Bakit ka nandito sa lugar na ito? Hindi mo ba alam ang nangyari dito?"
Kumunot ang noo ni Angelica at napagtanto. Ano nga ba ang nangyari?
"May nanakawan jan sa loteng yan. Yung dating bahay na nakatayo ay nasunog dahil sa magnanakaw at namatay ang mga tao dyan"
"Kawawa naman po. Sino sino po ang namatay?"
"Buong pamilya. Si Axcel, at ang kanyang mga magulang. Kaya sino ba ang kausap mo kanina?"
"Oh Axcel kapangalan—" napatigil sa pagsasalita si Angelica ng hindi na makita si Axcel sa kanyang tabi. Tumayo lahat ng balahibo niya at napag-isip. Ang nanay niya ay nakuling dahil sa pagnanakaw. Hindi kaya ang nanay niya ang may kasalanan kung bakit nasunog ang bahay at namatay ang pamilya? Kinilabutan siya sa kanyang naisip kaya napaupo siya sa semento dahil nanghina ang kanyang mga binti.

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Historia CortaHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.