20. Ulan

17 3 0
                                        

ULAN

"Susugod ba talaga tayo jan ate?" tanong ni Jayden sa ate niyang si Jade. Eh paano ba naman kasi, ang lakas lakas ng ulan tapos makikipagdate daw yata sa jowa niya. Jusko! Motor pa gamit nila partida.

"Tara na Jayden. May ibibigay lang naman daw siya eh" pilit ni Jade. Tumingin si Jayden sa bintana at nakita niya kung gaano kalakas ang buhos ng ulan. Sumabay pa ang mga kidlat at kulog.  Umiling siya.

"That can wait." pahayag nito ngunit ibinato niya kay Jayden ang helmet kaya no choice ang binata. Isinuot niya ang leather jacket niya at sumakay sa likod ng ate niya.

"Sana mabuhay pa tayo pagkatapos nitoooOOOOOOO! POTA ATE NAMAN!" bigla siyang napahiyaw nang biglang pinaharurot ni Jade ang motor habang tumatawa. Naguusap sila paminsan minsan ngunit hindi nila masyadong marinig ang isa't isa dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan. Sa kalagitnaan ng biyahe ay malakas na hangin ang sumalubong sa kanila. Mas lumakas ang ulan kaya huminto si Jade sa pinakamalapit na pagsilungan na alam niya. Ang simbahan. Hinubad niya ang helmet sa ulo niya at sumunod naman si Jayden.

"SABI KO KASI SAYO WAG NA PUMUNTA EH! NADAMAY PA AKO!" reklamo ng binata at bumaba ng motor.

"Eh kaya nga tumigil dito eh. Babalikan kita after an hour. Pray for me little brother" she chuckled.  She wore her helmet again and she went off fast as a lightning. Napanganga si Jayden sa ginawa ng kapatid.

'Did she just effin left me for her bastard boyfriend?'

"Pag-ibig. Pag-ibig nga naman. Umuulan na nga pag-ibig pa rin inatupag" bulong niya habang papasok siya sa simbahan. Ang tahimik. At siya lang ang tao.

Hindi naman sa takot siya ngunit baka may biglang umatakeng zombie sa kanya at hindi niya malabanan. O kaya may biglang magpakitang multo.

'Jusmiyo Jade isinusumpa kita. Maghihiwalay kayo ng jowa mo pag ako namatay sa takot dito. Pero hindi ako takot' banta niya sa nakatatandang kapatid sa isip niya.

Napa-pose siya ng parang sa karate ng may marinig siyang kaluskos.

"I'm not scared. I'm just alert, you know" bulong niya sa sarili niya at bumalik sa normal na kinatatayuan matapos mapagtanto na mukha siyang tanga.

Lalabas na sana si Jayden ng simbahan ng may marinig ulit siyang kaluskos.

"Diosdado Macapagal. Lord, nandito po ako sa simbahan. Huwag po. Kayong mga multo naman, kung balak niyo akong multuhin, huwag ako. Don kayo sa Paul na yon. Yung jowa nung ate ko. Pahamak talaga di man lang maisip na baka madisgrasya yung unggoy kong kapatid kasi madulas yung daan. Nakamotor pa. Tapos partida babae pa tapos ang lakas lakas pa ng ulan tapos—" napatigil siya sa pagrarant niya ng may marinig siyang hikbi.

Napa-position ulit siya ng pangkarate at kumunot ang noo.

"Lord kung ako po ang mauunang mamamatay sa aming magbabarkada pakisabi na magsuot sila ng kulay neon pink na dress sa burol ko at sumayaw ng Baam ng Momoland" napatawa siya sa sarili niya.

'Bobo Jayden umayos ka mukha kang tanga hahaha!' he cursed himself as he stood up straight. Naglakad siya at umupo sa pinakagilid ng simbahan sa kaliwa habang naririnig pa rin niya ang mga hikbi ng isang babae.

'Mamaya nag-iiyak iyakan lang pala yan tapos saksakin ako bigla. Diosdado Macapagal. Isinusumpa talaga kita Jade' humalakhak siya sa naisip at tinampal ang sarili. 'Iba talaga imahinasyon ko.' napailing na lamang siya at sumigaw without even thinking.

"BAKIT KA BA UMIIYAK HAH?"

He slapped himself when the sobbing stopped.

"Why do you care?" he heard someone talked. A girl. A woman.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon