After few weeks of transformation 'kuno' ay makikipag-usap si Charles sa papa ni Elle para ipaglaban ang pagmamahal niya dito 'kuno'."Umayos ka! Kinakabahan ako" sambit ni Elle habang palakad lakad sa harap ng laptop niya. Kausap niya si Charles via Skype. Naghahanda ito para sa pag-uusap nila ng papa niya mamaya.
"Ano ba sister. Mas kabado ka pa sakin eh! Anong kulay?"
Kumpara noong nakaraan ay mas kalmado na ang pag-uusap nila ni Charles. Itinaas ni Charles ang dalawang polo na may mahabang manggas.
"Violet para maganda." napangiti si Elle. Naghubad si Charles sa harap ng camera kaya napapikit siya bigla. She didn't expected that.
"Sige na. Magbibihis na ako. Malapit na mag 7:30" humarap si Charles sa laptop at ngumiti. Wala itong ribbon sa buhok at mga kolorete sa mukha. He looks like a typical hot guy. Yes. Hot. Hindi mo aakalaing bakla siya.
"Bye, bakla" kumaway si Elle sa camera.
"Bye, Love. See you later" nanlaki ang mga mata ni Elle sa narinig ngunit hindi siya nakapagsalita dahil binaba na ito agad ni Charles. Hindi niya alam pero parang nagpapalpitate ang kanyang puso. Napahawak siya sa dibdib niya at ibinagsak ang kanyang sarili sa kama at napaisip.
'In love ba ako sa baklang yun? Shet delikado'
"ELLE! MAY NAGDOORBELL!" narinig kong sigaw ni mama kaya bumangon ako. Busy kasi yung mga katuling sa paghahanda. Kala mo naman kung may party.
Lumabas ako ng bahay at tumambad kay Elle ang isang matipunong lalaking may magulong buhok, naka black pants, kulay lilang polo na nakatupi ang manggas hanggang siko, at kulay puting sapatos. Napalunok siya at hindi makapaniwala sa nakikita.
"Love" his husky voice was so dayum hot!
Tumayo ang balahibo ni Elle at parang nakuryente siya ng hawakan siya ni Charles sa bewang at lumapat ang labi nito sa pisngi niya.
"Gwapo ko noh sisteret?" napahalakhak nalang si Elle ng ibulong iyon sa kanya ni Charles. Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit hindi na tinatawag ni Charles ang sarili niyang maganda. May nagbago ba?
"By the way, ang ganda mo"
Para siyang tinamaan ng bala ng baril sa dibdib dahil biglang kumalampag ang puso niya sa hindi malamang dahilan.
"Tara na nga!" hinila ni Elle ang nanlalamig na kamay ni Charles papunta sa loob ngunit hinarap muna niya ang kaibigan bago tuluyang pumasok.
"Goodluck. Don't be nervous i know you can do it. I love you!" hinalikan niya si Charles sa pisngi dahilan para mamula siya. Pinaypayan niya ang sarili niya dahil biglang uminit ang pakiramdam niya kahit na air condition ang bahay.
Nasa sala ang nanay at tatay ni Elle pagkapasok na pagkapasok nila
"Good evening po" nginitian ni Charles ang mga magulang ni Elle kahit na hindi parin natatanggal sa isipan niya ang pangyayari bago pumasok ng bahay.
'Iyon ba yung kilig? Shems mamshi its a no no!'
"Good evening din hijo. Take a sit." umupo siya ng dahan dahan sa isang sofa at kinapa ang kamay ni Elle. Pampalakas ng loob.
'Woooh. Kaya mo yan Charice--charot. Charles! Kaya mo yan gwapo ka!' pagche-cheer niya sa sarili niya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Elle ng hindi namamalayan.
"Ako nga po pala si Charles Evans. B-Boyfriend po ni Elle"
Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil nautal siya. Nooo!

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.