28. The Fifth Promise

12 1 0
                                    

The Fifth Promise

Promise. Sabi ng Wikipedia, promise a declaration or assurance that one will do a particular thing or that a particular thing will happen. Tama, tama.

According to me, a promise is a sacred assurance. At kapag nagbitaw ka ng isang pangako, dapat mo itong tuparin hanggang sa huling hininga mo.

"RIEGE!" mabilis akong lumingon sa sumigaw ng aking pangalan at nakita ko si Deialeene na kumakaway sa akin habang suot ang kanyang ternong pajamang kulay pink. Nagpaghahalataang hindi pa naliligo at kagigising lang.

Itinaas ko ang middle finger ko at iwinagayway sa kanya bago humagalpak ng tawa nang makita ko ang pagtaas rin niya ng kanya. Umagang umaga eh.

Weh? Parang hindi ka naman sanay na lagi mong nakikita toh sa umaga.

Magkatapat ang kwarto naming dalawa at nasa kabilang bahay lang siya. Nakatambay lang naman ako sa balkonahe ko para magpahangin pero naroon na naman siya sa balkonahe rin niya dahil nakaugalian niyang lumabas pagkagising.

"PAKYU KA PANIRA NG UMAGAAAA!" ngumisi ako sa narinig kong sigaw ni Deialeene. This girl... really.

I have made four promises to her. And i made the very first one when we were seven years old. Alalang alala ko pa noon. Pagkagising na pagkagising ko sa umaga ay dumeretso ako sa aking balkonahe para makasagap ng hangin. Hindi ko inaasahang makakakita ako ng isang babae sa tapat ng aking balkonahe.

The little girl was wearing a white dress, a white headband, a white pair of sandals and socks. She has long straight hair, paper white skin and her eyes were like brooding and taunting. Nanlamig ako noon at alalang alala ko pa rin talaga kung paano ako kumaripas ng takbo patungo sa kwarto nila mommy at nagsisisigaw na may multo sa kabilang bahay.

Little did i know, she was our new neighbor. Damn. Inaaway at inaasar ko pa siya noon dahil napakapayatot niya. Pero noong nakita kong inaaway siya ng ibang mga bata sa subdivision namin, nag-init ang ulo ko at tinaboy sila. I didn't know why i felt like raising hell when i saw how tears stroll down to her cheeks.

"Hey" i said as i help her get up and clean her dress. Nadumihan tuloy dahil napa-upo siya sa kalsada. Bakit naman kasi ang payat payat nito?

"What now?" nagulat ako nang hinawi niya ang kamay kong gustong tumulong sa kanya. Napakurap ako nang makita siya ng malapitan.

She has deep set of eyes, tall nose, pinkish thin lips. Kulay asul ang mga mata niya. Hugis puso ang kanyang mukha at napaka-amo nitong tignan.

"Bakit mo sila tinaboy? Diba ganon ka din naman?! Bakit hindi mo sila tinulungan? I hate you! Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa mga pang-aasar mo sa akin! You're lucky hindi kita sinusumbong kay mommy, eh! Pero kung aasarin ko lang naman ako ngayon please lang." she sobbed which made me stiffened. She is crying and i don't know who pinched my heart because of what she said, and what she looked like right now.

I don't really mean what i say to her. Lumalapit lang naman ako para magpapansin kasi hindi siya pala labas ng bahay nila. And wala siyang friends dito sa subdivision. Pati na rin ako dahil hindi ko trip ang mga bata rito, it's not like i'm not a kid but i don't really like them.

"Huwag mo nalang akong lapitan" she continued. Nanlaki ang mga mata ko nang tumalikod siya at akmang tatakbo nang makita niya ang isa sa mga nambu-bully sa kanya dito. The kid was younger but she's scared. Napairap ako ng wala sa oras. Naglakad ako patungo sa kanyang likod nang makita kong bubuka ang bunganga ng bata. I looked at him darkly and he blinked twice before running away.

Umiyak na naman ng malakas si Deialeene kaya nataranta ako.

"Ganon ba ako kapangit? Kalansay ba ako para layuan ako ng ganon? Ayaw niyong lahat sa akin dito! I want to go back to my old house. At least i have friends there and they protect me."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon