AKIN 'YAN
Hindi ako mapakali at patingin-tingin sa cellphone ko habang naghihintay ng grab dito sa isang waiting shed. Galing ako sa University at dahil sa pagiging irregular ko, gabi na ang uwi ko. It's almost 10 at hindi pa rin ako nakaka-uwi. Isang oras ko nang hinihintay ang grab driver na binook ko.
Hanggang sa tumunog ang telepono ko. May magtext. Eh malas nga talaga ako, he cancelled it. Gusto kong magalit pero wala naman na akong magagawa dahil sa rason niya. His daughter was rushed in the hospital. Now how do I go home? Gabi na at umuulan pa. Wala akong payong.
I fished out my phone and called my last resort. I know he's tired and magrereklamo ito pero bahala na. Baka tulog na nga ito eh.
"Hello Bakla!" bungad ko. Napapikit ako sa narinig na lakas ng kulog. Narinig ko siyang umulos sa kabilang linya.
[Bakit? Gabing gabi tumatawag ka? Nasisira ang beauty sleep ko!] napatawa ako nang marinig ang matinis niyang boses.
"Pasundo naman oh." direct to the point na sambit ko. Bakit pa ako magpapaligoy ligoy?
Napatingin ako sa kanang bahagi ng waiting shed. May biglang dumating eh. Lalaki at basang basa. Mukhang naabutan ng ulan somewhere. Tumingin siya sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata ko.
[Umuulan?! San ka ba galing bakla ka at anong oras na nasa labas ka pa?!] sigaw ni Rafael sa kabilang linya. Ang taas pa ng pitch niya. He's... gay. Napatawa ako.
"May pogi dito, bilis na sunduin mo na ako. I'll text you the location." bulong ko sabay patay ng tawag para itext lung nasaan ako.
Pagkatingin ko sa direksyon ng lalaki ay nakangiti siya sa akin. Of course I smiled back, magmukha ako ditong masungit. Tumunog ang telepono ko.
Raf texted.
'AKIN!!!'
Umirap ako at ibinulsa ang phone ko. Halos thirty minutes na ang lumipas simula nang itext ko si Raf ngunit hindi pa rin siya dumadating. Napansin kong tingin ng tingin yung lalaki, kanina pa. Kaya medyo nagiging hindi ako kumportable. I mean, okay, okay siya sa looks but we don't know. Mas gwapo pa boyfriend ko dyan. Mas mabait pa, mas... basta!
"Uhh, Miss Vanna." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang boses. Nakalapit na siya! I tried my best to stay composed before facing him. He looks fine, and angelic.
Ang he knows my name?!
"Kanina ko pa kasi gustong sabihin na nahulog mo ID mo, you're not aware." sambit nito. Napatingin ako sa hawak niyang ID ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko sa katangahan. Kung wala ito, hindi ako makakapasok sa school! I grabbed it immediately.
"Uh, thank you." ngumiti ako saglit at umiwas na ng tingin.
"We're from the same school. And by the way, my name is Jam." I was stunned when he extended the conversation, though I was trying to cut if off. Inilahad niya ang kamay niya at nagpakilala. Out of courtesy, syempre bakit ko tatanggihan? He's trying to be nice.
Kukunin ko na sana ang kamay niya nang may malaking katawan ang humarang saakin at siya ang tumanggap ng kamay ni Jam.
Amoy palang, alam na.
Tumingin siya sa akin. Ang masungit na mukha ng boyfriend ko ang bumungad sa akin. His thick brows, tall cheek bones, red lips and his intense eyes. Shit, pogi. Ngunit mukhang wala sa mood. Marahil nagising siya sahil sa tawag ko.
"Man, I'm Rafael." sambit nito gamit ang baritono niyang boses. He rarely uses that kaya nagulat ako. Bumaling siya muli sakin at masama ang tingin. Bakit?! Anong kasalanan ko?!
"Kung pinopormahan mo ito, itigil mo na." umismid ako. Bakit? Dahil sa'yo nalang siya pumorma? Tss, ulol.
"Girlfriend ko 'yan eh. Akin 'yan."
Halos magtungo na ang lahat ng red blood cells ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Nagkandagulo gulo ang sistema ko. First time niya 'yun sinabi!!!
Shet! Kinikilig aqqq hihihi, ni hindi ko namalayang hinila na niya ako papasok sa kotse niya. Tinignan ko siya nang ngingisi-ngisi.
His furrowed brows never did part ways.
"What?" he asked.
"Lalaki ka na niyan?" natatawa kong tanong.
"Babe, nilalandi ka non. Wala akong paki kahit naga-gwapuhan ako don. Kahit gwapo 'yon mas gwapo ako. Kahit bakla ako, ako mahal mo. Pero kung mas bet mong hindi na ako bakla, edi hindi. Kaya ko namang magpakalalaki para sa'yo eh. Basta 'wag moko ipagpapalit sa mas lalaki sa akin. Di ko 'yun kaya sis! Mahal kita eh?" reklamo niya habang tumataas ang tono ng boses. Nakangiti lang ako sa kanya habang nagrarant siya.
Tanggap ko siya kahit ano man siya. Hindi naman niya kailangan magbago. At hindi ki naman siya ipagpapalit. Yes, my boyfriend is gay and I don't care, I love him so much.
Habang nagrereklamo siya ay mabilis akong umupo sa kanyang kandungan at siniil ng halik ang kanyang labi para maputol ang kadaldalan niya. Oh Raf, you have no idea how much I love you kahit bakla ka.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
ContoHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.
