PAWN
"Aray!" pinalipad ko ang ballpen ko patungo sa kaibigan kong si Heather pagkatapos niya akong batuhin ng crumpled paper. She laughed and motioned me to open it.
'Nandiyan na si Mrs. Mirabueno'
At saktong pagkabasa ko non ay nagsitayuan ang aking mga kaklase kaya napasama ako at bumati rin bago umupo.
"Okay, good afternoon class. What is adjectives?" walang paligoy ligoy na tanong niya. I heard some complaints from my classmates beacuse weeks from now, completion na namin. But i raised my hand eventually.
"Adjectives is a word or a phrase that modifies or describes a noun." sagot ko. I felt my classmates' eyes were focused on me. Maingat at tahimik akong naupo sa upuan ko.
"Very simple and very good Ms. Xanthine Adler. Give me an example of a phrase or a sentence that has an adjective—" napasinghap ang mga kaklase ko ng makitang naglabas ng index card si Mrs. Mirabueno. Narinig ko nanaman ang mga reklamo ng mga kaklase ko na malapit na nga ang completion ay nasa kanya parin ang mga index card namin.
Napatingin ako sa kabilang dulo ng classroom kung nasaan si Pawn. Nahuli ko siyang nakatitig saakin. I shook my head and glanced at him once again. He's not staring. I'm hallucinating again.
"—Mr. Pawn Asparo." natuon ang buong atensyon ng klase sa kanya. Tumayo siya at walang emosyong tumingin kay Mrs. Mirabueno before glancing at me. I was shocked for a while but i saw the side of his lip rose. He's preventing himself to smile that made my heart pump a bit faster than the usual.
"Xanthine is beautiful"
I bit my lip to prevent myself from smiling as the whole class started to tease the both of us, but our eyes was locked. My heart was beating rapidly as we stared for at least 10 seconds before i decided to break it. This can't be.
"Okay class. Calm down calm down." muling tumahimik ang klase at nagpapasalamat ako ngunit—
"Correct Mr. Asparo. Xanthine is beautiful. But what is the adjective used?"
Nakatitig ako kay Pawn habang nakangiti siyang tumingin sa akin bago sabihin ang sagot.
"Beautiful"
"Correct. A little commercial lang class, jan din kami nag-umpisa ng asawa ko." Tumawa si Mrs. Mirabueno ng maging wild na naman ang mga kaklase ko habang napa-face palm nalang ako at sumilip sa gawi ni Pawn. He slightly smiled at me but i didn't bother to smile back. My gaze flew to Heather. She's quiet and frowning.
"Enough. Any other examples?"
---
Natapos na ang klase para sa araw na ito. Nag-aayos ako ng gamit ng makita kong nagmamadali si Heather sa pag-alis. Binilisan ko ang pagligpit at hinabol siya.
"Heather!" kita kong napatigil siya saglit bago siya tuluyang lumabas ng classroom. Balak ko sanang sundan siya ng nay biglang humawak sa pulsuhan ko at hinila ako pabalik sa silid. My heart started to beat fast when i saw his serious face close to mine. He locked the door.
"P-Pawn..." banggit ko sa pangalan niya. Nakabukas ang aircon at nasa pinakamalamig na temperatura na ito ngunit nararamdaman ko ang mga namumuong butil ng pawis sa gilid ng noo at leeg ko. Ang init. Napalunok ako.
"Uhh.. Pawn. Bakit?" tanong ko at itinulak siya ng dahan dahan dahil hindi na ako makahinga sa sobrang lapit namin. Napakurap ako ng makitang taimtim siya nakatingin saaking mga mata at bahagya siyamg ngumiti.
"Just staring at your enticing eyes and hear your voice can make my day. How can you do that?" unlike his usual cold voice, his tone talking to me right now is different. It's soothing. Relaxing. But just hearing his voice can make my heart pound expeditiously.

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
ContoHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.