30. Drunk II

13 2 0
                                    

Drunk II

Nagulat ako nang biglang lumubog ang side ng kama ko sa kalagitnaan ng pagtulog. Napabangon ako at nakita ko ang nakapikit na si Amber.

"Kade..." bati niya. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya, as a friend. HAHAHA!

Nanggigising ito. Anong oras na, maladaling araw na kaya!

"Ngayon ka lang dumating?" tanong ko sa kanya, paos. Syempre kagigising. Tumayo ako at kinuha ang tumbler ko sa bedside table. Uminom ako ng tubig at pinainom ko rin si Amber. She looks so stressed.

Kinuha ko yung t-shirt ko para magdamit dahil naka-pajama lang ako.

Kaming magt-tropa, nasa isang bubong kami. Si Kent, Kenneth, ako, Amber, Celestine at Caryl. Pero iba iba ng kwarto, syempre. Hindi ko alam kung lasing ba si Amber at ibang kwarto ang napuntahan.

Inamoy ko siya. Amoy alak nga.

"Lasing ka ba?" tanong ko. Ipinatong niya ang braso niya sa mata at umiling.

"Uminom ka?" tanong ko, kahit obvious na.

Tumango siya. What a veracious human being.

"Bakit ka uminom?" kalmadong tanong ko. Marami pa akong gustong itanong eh.

Like, uminom ka pero hindi ka nagpasundo ni isa sa aming mga lalaki? Paano kung may nangtrip sa'yo dun? Edi kung ano na ang nangyari sa'yo? Bakit hindi mo ako tinawagan kung kailangan mo ng kasama? O may kasama ka ba? O mag-isa ka?

Pero hindi ko tinanong. Huwag nating pangunahan.

Hindi siya sumagot. Hinintay ko lang. Iiyak din yan maya-maya. Bumuga ako ng hangin at gumapang patungo sa headboard ng kama. Ginawa kong unan niya ang kandungan ko at minasahe ko ang sentido niya.

"Relax" bulong ko.

Nakatakip pa rin ng braso ang mga mata niya ngunit nagsimula ng manginig ang mga balikat niya.

Damn it, she's crying. What a big baby. An emotional one. Sinuklay ko ang shoulder length niyang buhok.

"Amber..." tawag ko sa kanya. Umiling iling siya at pilit na pinipigilan ang malakas na paghikbi.

"Oh come on, you can tell me. Magkasama na tayo mula grade school. Ngayon ka pa ba maglilihim?" i asked her with a very soothing voice.

"Kade..." gumaralgal ang boses niya nang tawagin ang pangalan ko.

"I'm here. Kade is here, Amber." kalmadong sambit ko at sinuklay ang buhok niya. I leaned down to give her a continuous kiss on the forehead just to ease her up. Ngayon ay kumakawala na ang mahihinang hikbi niya.

"I think I'm drunk" she gulped. Maingat kong inalis ang braso na nakaharang sa mga mata niya. Pinunasan ko ang luha gamit ang hinlalaki ko.

"I just don't feel good. I feel horrible. Everyone nags at me. They're bringing me down, Kade. They all want me to go down. Hindi ko alam kung ano bang ginawa kong masama sa kanila."

Pinunasan ko ang mga luha niya habang nagku-kwento siya.

"Kade... be honest. I'm that bad at school right? Lahat palpak. Lahat mali—"

"Shhhh" pigil ko sa kanya.  Iminulat niya ang kanyang mga mata. Kaya napa-awang ang labi ko.

"Alam mo yung mali?" tanong ko sa kanya.

"Ako—"

"Shhh hindi nga eh. Ipapaliwanag ko ulit sa'yo?" tanong ko. Bumangon siya at tumabi sa akin pero hinarap ko siya dahil gusto kong tapatan siya sa mata.

Umiiyak na naman siya.

Pinunasan ko ang mga luha at umiling-iling.

"Hindi ikaw ang mali" paglilinaw ko. Sinapo ko ang magkabilang pingi niya at ngumiti.

"Alam mo yung mali?" tanong ko. Her eyes were teary. She shook her head.

"Dina-down ka na nila, dina-down mo pa ang sarili mo." malinaw at kalmadong ani ko. I smiled when her eyebrows furrowed.

Yun eh. Yun ang mali.

"Hindi ba dapat gawin mong motivation yun para maging better? Best?" tanong ko at ngumiti nang bigla niya akong yakapin.

Humihikbi na naman ang baby ko.

"Bakit ka nga ba nila dina-down?" tanong ko.

"Kase nasa ibabaw ka nila at gusto ka nila malampasan." sagot ko sa sariling tanong. Sinuklay ko ang buhok niya para kumalma.

"Bakit ka nila gustong malampasan? Kasi nga, sabi ko, nasa unahan ka. Nasa ibabaw ka nila at nahuhuli sila. Nasa baba. At binababa ka nila sa pamamagitan ng mga salitang walang kabuluhan at hindi makatotohanan." sambit ko. I sigh.

Bakit kaya humihila sila pababa ng tao? Hindi yung gawin nalang nila ang business nila at gawing motibasyon yun para mas gumaling o tapatan yung gusto nilang i-down. Hindi yung mandadamay pa sila ng tao dahil sa insecurities nila. Hindi yung mananakit pa sila.

The audacity of those people! Damn it!

"Paano ka nila malalampasan?" tanong ko ulit.

"Kung nagpapadala ka sa mga salita at nagpahina ka sa harap nila. Kung magpapahila ka pababa, o hahayaan mong malampasan ka nila." niyakap ko siya at hinalikan ulit sa noo.

It's what comforts her. Hugs and forehead kisses.

"Wag kang magpapadala Amber. Don't let that bring you down. Hah? Magaling ka at ikaw ang da best para sa akin." kumalas ako sa yakap at pinunasan ulit ang mukha niya. Tumawa siya kaya napangiti ako.

Ahh, damn. That's it. Smiling and laughing suits you more than crying.

"Thank you, Kade. You always had the best advices." tumango ako at ngumiti.

"Of course, i'm Kade. Your bestest best friend." ngumisi ako at proud na proud sa sarili ko. I hope she learns from what I've said.

"I want revenge" umirap siya at sumandal sa headboard.

Tumawa ako.

Revenge?

"Bad yun" kako. Natahimik siya.

"Pero alam mo yung pinakamagandang revenge?"  tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin at humalukipkip.

"I thought it's bad?" she asked with a grin on her face.

"Well, this seems good. So listen." inakbayan ko siya at tumawa.

"Okay, ano yun?" she asked.

I learnt this from my dad. Back when i was having a hard time with those so called friends.

"Slap them with your achievements."

Ngumisi ako.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon