Nutrition Month
"Hmp." umupo ako sa tabi ni Jexter na matalik kong kaibigan. Nakakilala lang ng bago nakipag-break na. Tangina, hinabol ko kanina yung jowa ko. Mahal ko yun eh pero pinagpalit yata ako jejemon.
"Oh, pangit mo. Baket?" kunot noong tanong niya. Inagaw ko yung iniinom niya ngunit agad kong naibuga dahil sa asim. Lemon juice yata.
"Oh, ramdam mo na ba ang asim ng pagmamahal niya sa'yo? Hayop, anong nangyari sayo?" tanong niya at hinampas hampas ang likod ko dahilan para mas lalo akong mapa-ubo.
"Aray! Ano ba Jexter!" sigaw ko at hinampas siya pabalik. Imbes na masaktan ay tumawa lang siya at hinimas ang likod ko.
"Nakipagbreak siya. Pinagpalit ako sa bago. Resbakan mo nga!" sumbong ko. Tumawa siya lalo. Parang wala namang paki itong bespren ko sa heart break ko. Huhuhu.
"Hah! Sabi ko sa'yo eh. Nutrition month na nutrition month, Jillian!" sigaw niya. Napangiwi ako.
"Sabi ko sa'yo, kumain ka ng kalabasa. Para luminaw mga mata mo at makitang niloloko ka lang niya." umirap siya. Ngumuso ako.
"Sweet naman kasi siya sa akin noong nakaraan." pagmamaktol ko. Inakbayan niya ako. Nagkatinginan kami.
"Hindi binabase sa tamis ng mansanas kung kailan ito mabubulok o kakalas." tumawa siya sa ekspresyon na ginawa ko. "Alam mo kung bakit ka iniwan? Hindi mo kasi pinakain ng sitaw, kaya ayon. Bumitaw." tawa na naman niya. Hinampas ko siya sa balikat.
"Seryoso na kasi. Nagloloko ka na naman." reklamo ko at ngumuso. Sinapo niya ang pisngi ko at pinisil.
"Hindi ako nagloloko. Yung jowa mo— este ex na pala." ngumisi siya ng maloko kaya sinampal ko siya ng mahina sa pisngi. Tumawa siya.
"Landi nito. Wala kang pag-asa. Mahal ko pa siya." sumbat ko. Umirap siya at ibinalik ang pagkaakbay niya sa akin.
"Boba. Kumain ka nga ng ampalaya. Nang magising ang puso mo sa pait na idinulot niya." he rolled his eyes.
"Tsaka habang may gulay, may pag-asa." humagalpak siya ng tawa. Tumawa ako sa biro niya. Hayop na 'to. Ang galing sa mga salita. Hindi marunong magseryoso. Kumalma ako at dahan dahang ininom yung lemom juice niya.
"Pero alam mo, may hinala ako kung bakit ako pinagpalit kahit na ubod ako ng talino't ganda." confident na sambit ko sa kanya. Tinignan naman niya ako habang umiinom ng lemon juice.
"Ano?" he asked. I smirked. Hinintay ko muna siyang uminom bago ko sabihin.
"Pinapakain kasi niya pechay niya, kaya ayon, pinili siya." banggit ko. Halos mamatay na ako katatawa nang maibuga ni Jexter ang lemon juice niya at masamang tinignan ako. I chuckled.
"Sige. Habang may gulay may pag-asa. Kuhanan mo nga ako ng talong. Para tayong dalawa na. Not for short term but for long."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.
