Pawn (Part Two)

10 3 0
                                    


PAWN

Kinakabahan ako. First day ng klase ngayon! At high school na ako! Grabe. Ang laki ng eskwelahan na pinapasukan ko. O maliit lang ako? Di ah.

Hinanap ko ang silid aralan ng seksyon ko ngayong taon. Grade 7 - Hydrogen. Nakita ko ito sa unang palapag ng unang building at napatigil ako sa pinto nang tumingin silang lahat saakin.

"Uyy pare! She's the one" napakatahimik ng silid aralan dahilan para marinig ko ang bulong na 'yon. Ngunit inilibot ko lang ang aking mga mata. Wala akong kilala. Delikado.

"Excuse me. Nakaharang ka." i was startled when someone suddenly talked behind me.

Sumalubong saakin ang kanyang blangkong mukha. Ngunit nakita ko ang gilid ng labi niyang bahagyang tumaas bago dumaan.

"Gwapo" narinig kong puna ng aking nga babaeng kaklase. Wow. Confidence level 999999999!

---

"Okay, good morning Grade Seven Hydrogen. I am Mr. Rupert Rafanan and whether you like it or not i will be your math teacher and adviser for the whole school year" tumahimik ang buong klase ngunit agad itong nabasag ng biglang bumukas ang pinto. Napakagat labi ako at pinigilan ang tawa ng makita kong hingal na hingal ang kaibigan ko. Si Heather.

"Yes, miss?" masungit na tanong ni Sir.

"I'm sorry sir i'm late. Hinanap ko po kasi yung classroom eh nandito lang naman po pala sa unang building" natawa ang buong klase. Dumapo ang tingin niya saakin at walang hiyang kumaway kaya napayuko ako agad ng dapuan din ako ng tingin ng mga kaklase namin. Si Heather, kaibigan ko yan mula nung elementary kami.

"It's okay. Basta huwag kang ma-late araw araw. Go to the back. Nandon ang vacant seat."

---

"So since ayaw ng mga estudyante na magpakilala sa first day of class ay gagawin natin yon maya-maya" loko loko si sir.

"I will group you into pair and know each other. Okay? Alphabetical order. First pair will be Mr. Pawn Asparo aaaand—" tumingin siya sa klase.

"Pano ito basahin? Ms. Adler? Kisantin? Santin?" nagtawanan ang klase at namula naman ako sa sinabi ni sir. Ang unique kasi ng name ko. Xanthine. Chemical compound daw yon sabi nila Mama. Tumayo ako.

"Xanthine sir. As in Zan-thin" napatingin ulit sila saakin.

"Okay. Unique name. Please stand Mr. Asparo. Ang unique din ng name mo Pawn. Please, magtabi muna kayo for awhile."

Nagulat ako nang tumayo iyong nag-excuse me saakin kanina. Pawn pangalan niya? Pawn? As in yung sa chess?

"YiiiIiieeeeeeEeee" kantyaw agad ng mga kaklase namin ng tumabi siya saakin. Awkward akong tumingin sa kanya at ngumiti.

"Pawn Lyan Asparo." ngumiti siya ng tipid.

"Xanthine Grace Adler" banggit ko at ngumiti rin ng tipid. Nakakahiya. Ang gwapo niyaaaaaa!

"Talino siguro ng parents mo sa science. Chemical compound, ah" komento niya kaya naglaglag ang nga panga ko ng humalakhak siya. Pero shet. Yung puso ko. Nalaglag.

"Mahilig siguro mga magulang mo sa chess. Chess piece eh?" bawi ko na ikinasimangot niya. Ako naman ang napahalakhak.

We became close friends. I mean it.

---

"Happy birthday Xanthine! Salamat sa pa-foods!" sigaw ng mga kaklase ko bago sila sumakay sa kanya kanya nilang sasakyan at umuwi. Inakbayan ako ni Heather na natira.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon