A Spoken Poetry Piece inspired by Students, Youth.
[A collaboration with Irish Ann Caido]
Ang tulang ito ay ukol sa kapanahunang pangyayari tungkol sa ating mga Estudyante.
Ikaw, ako, marami tayo.
Estudyante. Kadalasan ay kabataan.
KABATAAN
Kabataan na palagi nalang nasa paaralan ang isipan
Kabataan, ayos pa ba ang ating isipa't kalusugan?
Hindi naman ba nasosobrahan?
Sa dami ng trabaho, at taas ng pamanyatan
Napakataas na pamantayan.
Kabataan, kabataang hindi na mabilang Kung ilang beses nang umuwi ng luhaan
Dahil sa mga proyekto at pagsisiyasat
Na tambak at walang hangganan
Sumasakit ang tyan tuwing tanghali
Umiiyak tuwing gabi
Hindi na alam kung anong uunahin
Sa dami ng nakatakdang gagawin
Masasakit na salita
Mula sa guro, magulang, at mapanghusga't walang alam na mamamayan.
Tumatagos ang kirot sa buto't kalamnan
Ang mga mabagsik na salita ay tumatatak sa aming puso't isipan
Kabataan, kabataang sinasakripisyo ang hindi lang pisikal, kundi pangkaisipan, emosyonal, at ispirituwal na kalusugan.
Lahat ay ginawa makakuha lang ng mataas na marka
Tutula, sasayaw, magdudula at kakanta
Hindi na inisip, kung tayo ay ayos pa ba.
Ayos pa ba?
Ang sakit ng katawan, ang hirap na nararanasan.
Ayos pa ba?
Ang matinding kirot sa dibdib, at kinabukasang nanganganib?
Nanganganib? Nanganganib nga ba?
Hindi.
Sa pamamamagitan ng tulang ito, gusto kong sabihin sa inyo
Na hindi sa marka at grado nakabase ang talino
Hindi sa marka o grado nakabase, kung sino ka bilang tao
Hindi sa marka at grado mo ngayon nakabase kung paano, saan tutungo ang buhay mo
At hindi sa marka at grado nakabase, kung mamahalin mo ba o hindi ang sarili mo.
Ngunit hindi ibig sabihin nito, buhay estuyante ay hindi mo na aayusin.
Kabataa't estudyante
Tayo'y maghunos dili
Tamasahin at ikalugod ang buhay na ipinagkaloob
Kasama ng pamilya, kaklase at barkada.
Huwag abusuhin ang katawan at Isipan
Huwag ipilit ang hindi na kaya
At higit sa lahat, magpasalamat sa Kanya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.