36. Ching Chong

13 2 0
                                    

Ching Chong

Bakasyon. Bulok na bulok na ako dito sa bahay. Pagod na ako kaka-travel patungo higaan, sala, kusina, banyo dito sa bahay. Mabuti nalang at naisipan ng matalik kong kaibigan na si Maris na yayain ako gumala ngayong araw.

"So, saan tayo kakain?" she just asked the most difficult question right now.

"Ewan ko. Jollibee? Mcdo? KFC? Greenwich? Chowking?" i asked. Natawa ako nang makitang nagkamot siya ng batok at hindi alam kung saan kami totoong kakain.

Kasi sa totoo lang, kahit ano ayos lang ako. Basta makakain mo ayos na!

"Libutin nalang natin. Kung saan ang pinaka-kaunti, doon na tayo kumain. Ano Myka, game?" she asked. What a great idea!

So I agreed. Nilibot nga namin ang buong mall. Lahat ng kainan punuan. Eh lunch na kasi. Ang hindi lang puno eh yung mga mamahaling restaurant na kay liit liit ng mga sineserve, ang mahal mahal ng binabayad. Mabubusog ba kami dyan?

HINDI!

Pinatigil ako ni Maris sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya. Nasa tapat kami ng chowking. So far, ito na ang pinaka-kaunting tao na nadaanan namin.

"Here. Here is the place where we can eat." sinapok ko si Maris dahil sa napa-english siya.

"Chinese dapat. Chowking eh." sabi ko. Humagalpak kami ng tawa at pumasok na.

"Ikaw mag-order" sambit niya kaya napakurap ako.

"Ching chong" sambit ko kaya napatigil siya sa paglabas ng pera na ibibigay niya sana sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Sabi ko, I'm shy. Yo, I'm a Chinese native now. HAHAHAHA— aray! HAHAHA!" nasaktan na ako't lahat lahat pero natatawa pa rin talaga ako. Yung mukha kasi ni Maris nung sinabi ko yung Ching chong HAHAHAHAHA!

"Bugok! Hanap ka na ng upuan!" sambit niya. At ayun nga. Ibinigay ko sa kanya ang share ko at naghanap na ng mauupuan namin. At yown. Sakto!

Doon sa long table sa gitna talaga. Hehehe. Kaalis ng isang malaking pamilya kaya dumeretso na ako doon para maupo. Pwede namang i-share ito sa iba. Ayos lang! Ayos lang! HAHAHA!

Eksaktong pag-upo ko doon ay may umupo rin sa harap ko. Nanlaki ang nga mata ko sa nakita.

Ow shoot. Is this destiny? Is this faith? Is this love? Is this ching chong?

Lalaki. Syempre. HAHAHA! Ayos ang katawan. Mukhang anghel. Maputi rin. Singkit siya.

AT HINDI KO MAINTINDIHAN ANG SALITA!

CHING CHONG? CHINESE?

May kausap siya telepono niya at hindi ko maintindihan ang salitang ginagamit niya. Kaya naman napatameme ako sa kanya.

Ang gwapo.

Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at nagpahalumbaba para tignan siya. Chinese nga yata talaga. Bigla siyang napatingin sa akin. Napakirao pa diya ngunit hindi ko kinahihiyang titigan siya.

ANG GWAPO EH!

Maiintindihan kaya neto ang gusto kong sabihin sa kanya? Nakaharap na rin siya sa akin at nakatingin ng diretso sa mga mata ko habang may kausap sa telepono. Napabuntong hininga ako.

"Maiintindihan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Napatigil siya. Mukhang narinig niya ako pero hindi naman niya maiintindihan. Napasimangot ako nang hindi niya ako sagutin pero ibinaba niya na ang kanyang telepono. Mukhang tapos na siya sa kausap niya.

Nagpahalumbaba rin siya sa harap ko kaya medyo natuwa ang puso ko. Medyo lang naman HAHAHA!

"Ching chong" napatulala ako sa kanya habang sinabi ko yun. Oh, nay meaning yan!

"What?" takang tanong niya. Nage-english pala eh!

"Sabi ko, ang gwapo mo." paliwanag ko. HAHAHAHA! Di naman niya maiintindihan eh. Bahala na—

"Ching chong." napatigil ako.

Is there such word that really exist in Chinese? BAKA MAY MEANING YON?! HALA HALA! BAKA BAD YON?! BAKA SAPAKIN AKO NI POGI!

"H-Hah?" kinakahabang tanong ko.

"Ang ganda mo."

HAH?! NAGTAGALOG!

Mas nagulat pa ako nang ngumisi siya at naglahad ng kamay.

"Ako si Miguel Lim." at nagpakilala pa!

Jusko! Jusme! Jusmiyo! MARIMAR!

"Filipino-Chinese. Naiintindihan kita. So anong pangalan mo, ching chong?" he even chuckled. Juskooo! Mabuti nalang di ko inaya maging jowa ko! Kahihiyan yun!

"M-Myka. Soon to be Lim. Hehehe."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon