Sampaguita
"Gising na, Krishia. Magsisimba tayo."
Sinipa ko ang kapatid kong kanina pa ako tinatawag at niyuyugyog.
"HOY!" sigaw niya. Humalakhak ako at bumangon na. Ako nalang yata hindi nakakaligo eh. Linggo ngayon. Simba day!
Nagstretching ako at nakita ko ang masamang tingin ng kapatid kong si Kristian sa akin dahil sinipa ko siya. I think I'm in trouble.
"KRISHIAAAA!" sigaw niya. Humagalpak ako ng tawa at hinablot ang twalya bago dumeretso sa banyo para maligo. Nagagalit na si mudra kaya hindi ko alam kung ligo ba ang ginawa ko o buhos lang. Hayop naman.
Naka-Sunday dress lang ako at puting sneakers. Pormahan eh ano? Pagkababa ko sa tricycle ay napatingin ako agad sa gilid ng gate ng simbahan. Mayroon kasing laging tumatambay doon na lalaki eh. Ewan ko. Lagi ko lang napapansin.
"Praise the Lord! Patawarin ka lahat ng kalokohan mo Krishia!" sigaw ni Kristian at niyugyog ang balikat ko pagkalabas namin ng simbahan. Akmang sasabunutan ko siya nang humagalpak siya ng tawa at lumayo na. Nakasimangot akong naglakad pero pinigilan ako ni Mama.
"Bili ka ng Sampaguita. Yung sa matandang babae na nasa gilid ng gate. Doon. Ikaw Kristian, tumigil ka sa pang-aasar sa kapatid mo. Bumili ka ng kandila at ipagtitirik kita at ang kaluluwa mo na luminis." kinuha ko agad ang pera na bigay ni mama at tumawa sa sinabi niya kay Kristian. Binelatan ko siya at naglakad na palabas.
Nasaan na ba yung matandang nagbebenta? Dumeretso ako sa gilid ng gate at imbes na ang matanda ang abutan ko ay iyong hinahanap ko kanina pagkadating namin ang naroon.
Malawak ang ngiti niya at ayos na ayos. Naka-polo siya at pantalon. Clean-cut ang buhok niya at kumikinang ang relo na nasa kanyang palapulsuhan.
"Bili ka?"
"Ay gwapapi!" napatakip ako ng bibig sa nasabi kong salita. Ano ba yan, Krishia! Nakakahiya ka! Napalunok ako.
Tumawa naman siya at lumabas ang dalawang biloy niya. Ang cuuuute! Gusto kong sundutin yung dimple tapos tignan ko kung gaano yun kalalim. Asan na ba yung ruler— enebeyen! Bibili ka ng sampaguita! Hindi magme-measure ng dimples!
"Ah kuya, nasaan po si Lolang nagbebenta ng Sampaguita? Doon daw po kasi ako sabi ni Mama." magalang na sambit ko. Ngumiti naman siya at itinaas ang mga Sampaguita na binebenta niya.
Tumabi pa siya at doon ko nakita si Lola na may tinapay at tubig. Naka-upo sa isang monoblock.
"Ayun. Pinagpahinga ko. Eto yung mga binebenta niya tinutulungan ko lang. Bili ka?" napakurap muli ako.
Ano? Akala ko nagbebenta talaga siya ng Sampaguita! Tinutulungan lang pala niya si Lola? Ang sweet namaaan!
Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko at ibigay sa akin ang limang sampaguita garland mula sa binebenta niya.
Humalimuyak ang mabangong amoy ng sampaguita na nasa palad ko. Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti naman siya at kahit na nasa simbahan kami ay halos mahulog na ang panty ko sa ngiting 'yon!
Nagmadali akong kunin ang pera na binigay ni mama ngunit tumawa siya at pinigilan ako.
"Libre na iyan, Binibini. Ako na ang bahala." ngiti niya. Nanlaki ang mga mata ko. I'm speakless! Speakless talaga? Hindi ako nagi-speech!
"Limang magaganda at mababangong Sampaguita para sa isang mahalimuyak at marilag na Binibining tulad mo."
AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.