"Okay! Okay! Tama na korni niyo haha"
Sigaw ni Drew habang naiiyak na kakatawa.
"Teka last! Sinong artista ang sapatos? Hah? Anong sapatos ang artista? BASTA SINO SINO!" biglang tumayo si Austin at pinigilan siya.
'Aba may pahabol ang gago' isip ni Drew.
"Edi si.. Liza Shoeberano HAHAHAHA"
Walang tumawa. Walang tumawa kaya pinagbabatukan niya ang kanyang barkada.
"SUPPORT ME SUPPORT ME MGA WALANG KWENTA KAYONG KAIBIGAN!" walang hiyang sigaw niya pa.
"Akala ko kasi si Nike Enriquez HAHAHA" –Cham
"News anchor yun bobo" –Kiel
"AKALA KO SI ENRIQUE HEELS HAHAHAHA" banat ni Drew kaya nagsihagalpakan sila. Typical Sunday. Magkakasama silang apat. Nasa bahay nila Drew.
---
Napabangon si Drew ng mapanaginipan niya ang nangyari 2 years ago.
"Okay ka lang pare?" napatingin siya kay Cham na may hawak na gitara at marahang tumutugtog.
"Si Austin" napalunok siya ng banggitin ang pangalan ng matalik na kaibigan. Tumayo si Cham at lumapit kay Austin.
"Naiintindihan kita. Kaibigan ko din siya. Pero huwag na natin siyang istorbohin, Drew. Maayos na ang tulog niya. Hindi na siya magigising muli"
Napatingin si Drew sa kabaong ni Austin at hindi mapigilang sumakit ang dibdib.
"Ang bilis naman niyang bumitaw pre. Masyadong mabilis."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryHere are my one-shot story compilation from 2018 to present with mix categories.
