💋 Friendship 💋

21 1 0
                                    

"Sachie... Sachieee may nahanap na akong pwede mong i-date bukas" pangungulit ko sa kaniya dahil nag lalakad siya patungo sa canteen.

"Ano nanaman ba ang hinanap mo? Baka naman no money nanaman ang mahahanap mo tsk!" Asik niya saakin habang nag lalakad parin.

"Hindi Sachie sure nako dito mayaman siya promise" paliwanag ko, doon niya ako hinarap ng nakataas ang kilay.

"Nakailan mo na bang sinabi yan Yeyusha? Tsk! Maniniwala nanaman ba ako sayo?" Tanong niya saakin at napayuko nalang ako.

"This time Sachie, paniwalaan mo ako." Mariing bulong ko bagamat rinig niya.

"Okay sige alam ko naman na sinusunod mo ako because you want to belong our club. Or should I say my friendship."

Totoo yun, gusto ko talaga maging belong sa kaibigan nila. But its very hard and ang dami nilang pinapagawa like ganito. Gusto ni Sachie na mag ka Boyfriend na at ako ang pinapahanap niya, at ang kapalit ay kaibigan na nila ako.

"Mamaya Sachie i-haharap ko siya sayo para makilala mo na" I said then run away, alam ko kase na tutulo na yung luha ko.

Sa kakatakbo ko at nanlalabo ang mata. Hindi ko napansin na may nabangga akong lalaki, hindi ko magawang iangat yung mukha ko dahil hikbi lang ako ng hikbi at sakit lang ang bumabalot ngayon sa dibdib ko.

Nakasandal lang ang noo ko sa dibdib niya, at ng tumagal ay nakaramdam ako ng pagsikip ng bisig ng lalaki sa aking likuran, niyakap niya ako ng mahigpit at hinihimas ang aking likuran para ako ay tumahan na.

"Bakit mo kase pinipilit na sumama sa friendship nila? Ginamit mo pa ako para lang masali ka?" Marahang salita ni Calculus, doon na tuluyang bumuhos yung luha ko.

Oo nga naman bakit ngayon ko lang naisip na nag papagamit lang ako kay Sachie para sa friendship na gusto ko? Eh nandiyan naman si Cal para maging kampante ako ngayon.

"Sorry Cal, ginamit pa kita para lang mapasama ako sa kanila may gusto lang talaga ko sa club nila. " I whispered then dry my tear.

"Sa susunod pumili ka ng kaibigan na handa kang kaibiganin, hindi yung ikaw pa yung magmamakaawa para lang mapasali ka sa kanila." He said then he kissed my forehead at hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya.

"Pero ayus lang ba na mag pakita ka sa kaniya mamaya?" I asked, He tsked at nagbuga siya ng malalim na hininga. Senyales na wala siyang choice para gawin iyon para sakin.

"Okay Yusha! But please Don't cry. I don't want to see your tear! Hindi nila deserve yung luha mo!" Sagot niya at halatang galit.

Tumawa nalang ako at nag paubaya sa kaniya, Calculus is my boy bestfriend. Nakilala ko siya nung minsan madapa ako at sinalo niya ako, at dun nag start yung friendship namin. Mabuting tao si Cal at alam ko na pasok yung ugali niya sa gusto ni Sachie.

"Halika na Cal kailangan mo ng makilala si Sachie yieee excited ako na makilala mo siya" tilitiling aniya ko at hinila hila pa yung kamay niya.

"Ipapamigay mo talaga ako Ye?" He said

Natameme ako at napatigil sa pagtakbo at paghila sa kamay niya, dahan dahan akong lumingon at nakita kong nasasaktan siya sa mga ginagawa ko ngayon.

"Hindi naman kita ipapamigay Cal, gusto ko lang na makilala mo siya." Asik ko.

"Okay halika na" sagot niya, nag taka man ako pero hinila na niya ako at siya ang humihila saakin ngayon patungo sa Room ni Sachie

"SACHIIIIEEEEEE!!!" Mariing sigaw ni Cal sa Room ni Sachie

Agad agad lumabas si Sachie at halata sa kaniya ang pagkamangha sa mukha ni Cal. Aminado din ako na gwapo si Cal, typical ng mga babae talaga.

"Nako Yeyusha napakagandang lalaki naman pala nito! Grabe clear skin! Eto ang gusto ko sayo e sumsunod ka sa gusto ko. Mayaman ba yan?" Sunod sunod na anas niya at napayuko nalang ako sa pag kapahiya dahil ang dami ng na nonood.

"Okay Yeyusha part ka na ng Friendship namin hahaha... Ano name mo boy?" Tanong niya kay Cal sa malanding tono.

"Eto ba yung friendship na gusto mong salihan ha Yeyusha? Eto ba yung babaeng pinagyayabang mo sakin na gusto mong makasali sa Club nila? At makilala ko kase mabait? Tapos gagawin kang utusan?" Angil niya saakin at ako ay umiiyak na ng palihim habang nakayuko. Ramdam kong nakatingin siya sa akin habang hawak padin ang kamay ko.

"At ikaw babae ka! Kung gusto mo makahanap ng Boyfriend mo na mapupulot mo lang basta basta? Doon ka sa kanto diyan banda sa kalsada! Maraming drug adik diyan na pasok sa ugali mo! Tutal adik na adik ka naman sa lalaki dahil hindi ka mapansin ng ibang lalaki dito sa Campus natin!!!"

Doon ko tinitigan si Cal, at kitang kita ko ang galit sa mata niya. Minsan ko na din siyang nakitang galit pero iba ito. May kasamang Sakit at Galit :<

"Cal please ang dami ng nakatingin" mariing bulong ko.

At hinarap naman niya ako pati na ang mga nanonood, mariin niyang hinawakan ang pulso ko tsaka kami tumakbo. Narinig ko pa ang iyak ni Sachie pero diko na magawang maawa dahil ako din ay nasaktan sa kagustuhan kong mangyare.

"Bakit mo naman ginanon si Sachie?" Asik ko.

Halata ang galit sa kaniya ng lingunin niya ako

"Ano bang klaseng mind set ang meron ka Yeyusha? Bakit moko nagagawang ipamigay nalang para lang sa gusto mong kagustuhan? Hindi mo manlang ako kinompronta kung gusto ko ba yung gagawin mo para sa kasiyahan mo? Payag naman ako na sumaya ka e! Pero hindi sa paraan na ipapamigay moko para lang sumaya ka! Masakit sa part ko na ipapamigay moko sa taong diko naman gusto!" Mahabang paliwanag niya. At sa bawat salitang lumalabas sa kaniya ay siyang pagkirot sa puso ko.

"Mahal kita Yeyusha kaya ayoko ng pinapamigay moko para lang sa kagustuhan mo" malambing na aniya. Doon ko siya tinitigan

"M-mahal m-m-mo k-ko? Kanda utal utal kong tanong

"Oo Yeyusha! Simula't sapul noong kaklase palang kita sa Grade school may gusto na ako sayo, hindi kita magawang malapitan dahil natatakot ako na baka layuan moko. Kaya nag sisisi ako nung umalis ka sa school natin at lumipat sa probinsya mo, hindi ko manlang nasabi sayo na mahal kita. Pero ng makita naman kita hindi mo ako maalala, kaya gumawa ako ng way para mapansin mo ako. Kaya ngayon nandito ako sa harap mo at handa na akong umamin na mahal kita Yeyusha. Noong una palang" Mahabang sagot niya at ako ay naluluha na.

"Hindi kita mahal Calculus! Tomboy ako si Sachie gusto ko."

-End-

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon