Panaginip

12 2 4
                                    

Tama bang iwan mo nalang yung taong mahal mo sa nakagisnan mong mundo? O tama bang hindi na tuparin yung pangako na dapat ay responsibilidad ko noong nabubuhay pa ako? Oo patay na ako. Nakikita ko nga yung sarili ko na nakahiga na sa kabaong, ang dami nga nilang umiiyak e. Halos gusto kong matawa kase noong panahon na kailangan ko ng presensya nila halos wala akong makitang bulto ng katawan nila sa harap ko, ngayon naman umiiyak sila sa harap na ng kabaong ko at humihiling na sana gumising na ako.

"Kaya mo na bang umalis?" Rinig kong boses na nasa likuran ko. Nilingon ko ito at ginawaran siya ng pilit na ngiti.
"Kaya ko na siguro." Anas ko tsaka ko ulit nilingon yung mga minamahal ko sa buhay na nag iiyakan.

"Meron ka pa naman pag kakataon na makasama mo sila."

Nang sabihin niya iyon, kay Nathan agad bumaling yung mata ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa puso ko kahit ganito na yung kalagayan ko ngayon, dahan dahan pa muna ako lumapit sa gawi niya at pasimpleng hinawakan ang buhok pero tumagos lang ang kamay ko.

"Hindi ba't napag usapan naman natin na hindi mo na mahahawakan yung mga tao kapag namatay kana?" Baling saakin ng lalaking susundo saakin ngayon. Itinango ko lang ang ulo ko, at ibinaling ulit ang paningin kay Nathan.

"Kahit kailan Nathan, hindi ako nag loko sayo. Kahit kailan hindi ko nagawang saktan yang damdamin mo," ramdam ko ang dahan dahang pag buhos ng luha ko, ramdam ko din yung pag higpit ng puso ko. At pakiramdam ko ay nanatili parin akong buhay kahit alam kong sobrang imposible non.

At sa mga sandaling iyon, lahat sila nag kagulo at lumapit sa kabaong ko. Sa kuryosidad ko nilapitan ko ito, at nasaksihan ko mismo ang basang mata ko, at dahan dahang pag buhos ng luha ko.

"Umiiyak si Alexandra! Suskoo anak koooo!!!" Hinaing ni mama dahilan para humagulgol ito sa sakit.

"Ate Alexxx!" Daing din ng nga kapatid ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napaupo nalang kasabay ng pag buhos ng luha ko.

"Sana pala hindi ko nalang ginawa iyon." Daing ko habang dinadama lang ang sakit na nararamdaman ko pa hanggang ngayon.

"Ginawa mo ang bagay na iyon dahil nakaramdam ka ng pagod." Singit ng kasama ko, tumayo ako sa pag kakaupo at hinarap ko siya mula sa likod ko.

"Ano ang pwede kong gawin para magawa ko yung pag kakataon na makasama ko sila ng sandali?" Anas ko sa lalaki na siyang naging dahilan para mag karoon ako ng pag asa sa sarili ko. Na makasama ko manlang sila kahit sandali lang ng yugto ko.

"Mag kakaroon ka ng pag kakataon, pero hindi sa pamilya mo." Seryosong anas niya na siyang pag kunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang dahilan ng pag kamatay mo ay siyang tao lang na makakasama mo sa pag kakataon na iyon, at yung pangako mo doon sa tao. Ay matutupad mo. Pero hindi sa literal na mundo, kundi sa imahinasyon ng isip ng taong mahal mo."

Kusang nailingon ko mula sa gilid ang mata ko, at nanatili lang ito sa bulto ng katawan ng taong mahal ko. Nanatili parin siyang nakaupo kahit nag kakagulo na ang pamilya ko, hawak hawak na niya ngayon ang singsing at pinakatitigan ito.

Tumulo nanaman ang luha ko, akala ko... Akala ko hindi niya ako magagawang pakasalan dahil may mahal siyang iba. Nag kamali ako. Sana pala, sana pala hindi ko nalang ginawa...

'Ang tanga ko!!!'

"Nathan kooo!!! I'm so sorry" lumuluhang anas ko habang pinipilit na mahagkan ko siya, pero hindi ko magawa dahil tumatagos lamang ako. Pinipilit kong punasan yung luha niya pero nabigo ako. Unti unti ng nanlalabo ang paningin ko hanggang sa mapakinggan ko yung lalaking kasama ko.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon