Plus 5 direct to the card

12 0 0
                                    

Friday ngayon at kailangan kong mag tungo sa school namin dahil sa event ng punyetang valentine's na yan.
Napilitan lang din kame dahil nga may "plus 5 direct to the card" psh.

Sa ngayon nakapila ako, kung saan ilalagay ang name 'attendance kuno kung baga' sobrang haba ng pila kaya inip na inip nako. Ramdam ko na rin yung kunot ng noo ko dahil sa pagkabugnot ko sa pila.

Maya maya pa'y...

"Here, dito mo ilagay name mo" nakangiting anas sakin nung lalaki.

Matangos ilong, makapal kilay, kung pagmamasdan mong maigi yung mata niya? Kulay asul 'to at ang haba ng pilik mata. Ang kinis din ng mukha in short "Perfect"

"Mercedes ang apilyedo mo miss?" Nagpintig ata ang tenga ko sa sinabi niya, binasa niya kase yung name ko at nagulat ako dahil di naman mercedes yung apilyedo ko!

Tanga mo self!

"Hala shet! Sorry" nag kanda laglag yung hawak ng kamay ko. Yung phone, headset, power bank at mini fan. Nauntog pa ako sa lamesa ng damputin ko yung gamit ko.

'Takte ang malas ko'

"Okay ka lang Miss Mercedes?" Bungad sakin nung lalaking kausap ko lang kanina.

"Oo ayos lang hahaha medyo tanga lang." Nang madampot ko ang gamit ko sabay kaming tumayo tsaka niya'ko tinitigan.

"So, Mercedes pala apilyedo mo? Kilala mo ba ang tatay ko?" Seryosong tanong niya na siyang ikinatawa ko.

"Hahaha I'm not Mercedes, nagkamali lang ako ng lagay" sabay puna ko ng tingin don sa attendance.

"Bakit mercedes ang nilagay mo? Do you know my Last name?"

Sasabihin ko ba sa kaniya na nahulog ako sa balon ng ganda ng mata niya, at matagal ko na siyang gusto? Kaya ko bigla nasulat yung apilyedo niya.

'Wag Marry!'

"Ah ano, kase naalala ko lang yung ex ko. Oo tama ex ko naalala ko hehehe" napakamot ako sa ulo ko dahil sa katangahang paliwanag ko.

"Okayy I understand. Pwede kana pumunta sa loob enjoy the day sana makahanap ka ng partner mo." Kita ko ang pagkadismaya at pagkalungkot sa boses niya.

'Psh dahil sa plus 5 kaya ako sumama dito. Pero mukhang mag eenjoy din ako dahil ikaw ang unang bungad ng araw ko."

Nagsimula na nga ang event, may mga ibang pumupunta sa ibang booth may iba naman na nakaupo lang at halatang bored sa nangyayare.

"Bakit kase hindi sumama si Dahlia? Badtrip!"

Napagdisisyunan kong mag lakad lakad sa school, ang daming mga tumatakbo dahil hinuhuli at ilalagay nila sa Jail Booth. May iba naman na basta nalang kinukuha yung crush nila at papasok sa Wedding booth.

'Pfft boring'

"KYAAAAHHHHH"

may humila sa kaliwang kamay ko na nanggaling sa harap ko kaya ang ending nahila niya ako habang tumatakbo siya ng matulin. Tumili pa tuloy ako pakineng shet!

"Hoy lalake! Bitawan mo'ko!" Pumipiglas ako sa pag hawak niya pero di parin niya tinatanggal

"Wag kang bibitaw saakin! Kundi ikukulong ka nila sa Jail booth!" Sigaw pa nito na lalong nagpainis sakin.

"Pwede ba?! I don't give a fuck if they want to hunt me just because for the booth!"

"At pwede rin ba? Sumunod ka nalang sakin!" Baling naman niya na ikinatanga ko ng sobra.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapadpad kami sa garden at kung di ako nagkakamali? Ito yung isa sa mga part ng wedding booth at dito mag dadate yung pinagkasunduan nila sa booth nila!!

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon