" CLOSURE "

4 0 0
                                    

Kanina pa ako nakatunganga sa pinag-usapan naming lugar ni Marc, halos mainis na nga ako dahil halos isang oras na siyang late sa pinag-usapan naming oras.

"Siya ang may gusto ng closure tapos ako pa nag hihintay!" Inis na daing ko sa sarili. Padabog ko pang tinusok ang cake na inorder ko dito sa Cafè Get me.

"Sorry I'm late Krista" asik ng boses ng lalake, at kahit hindi ako lumingon sa likod alam kong si Marc na yun.

"Sit down! Naiinip nakong hintayin ka." Galit ko siyang nilingon at tinuro ang upuan na uupuan niya.

"I'm sorry okay, hinatid ko lang si Anne sa trabaho niya." Paliwanag nito dahilan para mapairap ako.

Whatever! May bago na nga pala siya after namin mag break, at 3 months nang nakakalipas yon. Pero yung pain niyayakap parin ako at ayaw akong pakawalan mag isa.

"So ano na?" Asik ko

"We all know what is the exact reason why I'm here." Aniya

'Yeah right the fucking closure!'

"Wala naman mangyayare kung ibibigay ko pa, isa pa may bago ka naman na bakit mo pa hinihingi yung closure?" Mahabang sagot ko sa kaniya tsaka nilagok ang kape, dahil pakiramdam ko mauutal ako sa kung ano man ang sasabihin niya.

"For you."

"For me?"

"Yes, para sayo yung closure na hinihingi ko." Dagdag niya na nag painit sa ulo ko.

"Are you out of your mind? Talaga Marc? Para sakin? Talaga bang nabilog na ni Anne yang utak mo? Tatlong taon tayong nag sama pero hindi ganiyan kakitid ang utak mo noon!"

Nangagalaiti na talaga yung galit ko sa sinasabi niya. Hindi ko rin mawari kung bakit para sakin ang closure.

"Alam nating dalawa Krista na ikaw ang nangiwan at hindi ako." Matapang at may kompyansa niyang depensa.

"At kaya ka nandito kase hinihingi mo ang closure kamo? At para sakin? Tanga ka ba?"

Umiling iling ang ulo niya at halatang wala ng masabi na paliwanag.

"Look mali ka ng pagkakaintindi---"

"Kung mali ako ng pag kakaintindi? Ano ang tawag mo sayo? Ang pag hingi ng closure ay para sa taong iniwan at hindi para sa taong nangiwan!" Sigaw ko dahilan para makuha ko ang atensyon ng tao sa Cafè

"Bakit mo nga ba ko iniwan?"

Halata sa kaniya ang lungkot, hindi man maramdaman sa boses pero nakikita ko yun sa mapungay niyang mata. Nasaktan tuloy ang puso ko, apektado parin ako sa mga nararamdaman niya kahit gaano man kaliit.

"Gusto mo ba talaga malaman?" Inilapag ko ang salamin ko at mariing hinawakan ang mata ko dahil pakiramdam ko namamasa na ito.

"Bakit ramdam kong nasasaktan ka? Wala ka naman karapatan kase ikaw ang nangiwan!"

Tila ang kaninang luha ko na nag babadya ng umiyak ay biglang umurong at galit ko siyang tinitigan.

"Fuck the situation Marc!" Bumuga ako ng hininga, "At anong sabi mo? Wala akong karapatan? Putek! Kayo lang ba ang may karapatan na mag dusa sa ganitong karamdaman?!"

Wala siyang inimik na salita, nakatingin lang siya sakin at nilalabanan niya ang titig ko.

"Ang yabang mo rin eno! Porke ba nakahanap ka na ng iba ganiyan na ang asta mo?! Parang hindi mo naman ako minahal noon!"

Gusto ko siyang kaltukan dahil bumuhos na nga ang luha ko, humihikbi na rin ako. Sobrang sakit marinig sa kaniya yung ganitong salita, hindi ko kaya.

"This is all your mom fault!" Asik ko dahilan para makita ko ang galit niya sa mukha.

"Bakit mo dinadamay si mom?"

"Siya ang dahilan kung bakit kita iniwan." Naiyuko ko ang ulo ko at ramdam kong nanghihina na ako.

"Tell the truth Krista!" Sabay hampas niya sa lamesa dahilan para magulat ako.

"Tell the fucking truth!! I wanna know the real reason about this!!" Galit na dagdag niya.

Huminga ako ng malalim, at kasabay non ay ang oag patak ng luha.

"Ayaw niya sakin Marc kase panget ako. Kase hindi ako mayaman katulad niyo, kase eto lang ako. Hamak na bread winner lang ng pamilya ko."

Hindi ko na nakaya ang sakit at dali dali isinoot ang salamit pati na ang mga gamit kong nakalagay sa lamesa, at balak na sana siyang iwan mag isa pero hinawakan niya ako sa braso.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Daing niya pero umiling lang ako.

"Wala rin naman mangyayare Marc, mag kakaroon lang ng lamat sa pamilya niyo kung ipaglalaban pa kita ng paulit ulit."

"Pero dapat sinabi mo parin! Kaya ko silang suwayin just to be with you!" Aniya niya pero inalis ko ang kamay niya sa braso ko tsaka siya hinarap.

"I know na hindi mo mahal si Anne, pinilit lang siya sayo ni Tita para kalimutan ako." Pinahid ko ang luha at tinapik ko ang braso niya.

"Hayaan mo Marc mag papayaman ako para maging katulad ni Anne. At para ako naman ang ireto sayo ng Mommy mo, cuz until now? You're still in my heart. I'm still into you kahit 3 months palang tayong hiwalay."

Ginawaran ko siya ng ngiting may luha, nilisan na ang lugar. At ng mabuksan ko ang pinto ng Cafè bumungad sakin ang malapad na ngiti ng Mommy ni Marc.

"Hindi ka yayaman Krista, at kahit yumaman ka man? Hindi kita gusto para sa anak ko. You're too cheep for him!"

Irap lang ang ibinigay ko at umalis na sa lugar na iyon.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon