💋 Waiting Shed 💋

17 1 0
                                    

"Sige tol salamat, dito nalang ako sa waiting shed maghihintay ng trycle"

"Sige tol, ingat ka gabi pa naman."

Naglakad ako patungo sa waiting shed at umupo doon, habang lumilipas ang oras nilibang ko ang sarili ko kakascroll sa fb ko. At napatigil ako sa isang picture kung saan ako ngayon, picture ng waiting shed kung saan ako mismo nakaupo.

May caption iyon na "TAKE TIME TO READ THIS" so dahil mahilig ako sa storya kahit lalaki ako, binasa ko siya. Nakakakilabot ang tema, may babaeng nagmumulto mismo sa waiting shed na kinauupuan ko ngayon. Nanggugulo ito sa dalawang taong may relasyon, para bang tutol siya sa kasiyahan na nakikita niya sa ibang tao. Gusto ko na sana siyang itigil ngunit lalo lang akong naganahan hanggang sa dulo ng storya.

Nang matapos ko iyon ay pinatay ko nalang ang data at pinatay ang phone ko. Inilagay ko pa yung kamay ko sa bulsa ng jacket ko dahil umuulan, nilalamig na kase ako. Sa paglipas ulit ng oras dumami ang taong naghihintay sa waiting shed.

Hanggang sa...

Ako nalang mag isa...

Naalala ko yung binasa ko, shet parang natatakot na ako...

Pero wala naman akong karelasyon ngayon, bakit ako matatakot...

"*sob* bakit ba ang tagal tagal niya?"

Narinig ko ang boses na iyan sa kanang tenga ko. Nagtaka ako dahil ako lang naman ang tao dito, isa pa iyon ang unang nabasa ko sa story about sa Waiting shed na ito. Kahit takot ako ay matapang ko siyang nilingon. Nakaupo siya at umiiyak siya, nakatakip ang mata niya gamit ang dalawang kamay niya.

"Bakit niya ako iniwan magisa dito? *sob*" dagdag nanaman niya at nagpatuloy sa pag iyak.

"Miss, ayos ka lang ba?" Pinanatili kong kalmado ang sarili ko

"Naririnig moko?" Biglang tanong niya, nilingon ko pa ang likod ko baka sakali hindi ako yung kausap niya.

"Tinatanong kita kung naririnig moko"

Sa sobrang gulat padin ay hindi ako nagsalita, iniangat ko lang ang ulo ko senyales na oo ang sagot ko.

"Bakit dika nag sasalita? Pipi ka ba?" Tanong nanaman niya

"A--ah a--ko pipi? H-hi--ndi no!" Nauutal ngunit pagalit na asik ko.

"Bakit ka sumisigaw? Inaano ba kita?" Tanong nanaman niya.

"Sorry he-he-he ahmm. Bakit ka nandito sa ganitong oras? Gabi na isa pa umiiyak kapa, babae ka pa naman"

"Hinihintay ko kase yung boyfriend ko" sagot niya.

B-boyfriend niya?

"Wala pa ba siya?"

"Actually iniwan niya ako dito mag isa, kasama yung babae niya"

Nang sabihin niya iyon ay nagtaka ako, nakaramdam ako ng pagtataka sa isip ko. Baka marahil iniisip ko lang na iisa lang ang kwento nilang dalawa, doon sa nabasa ko. Ngunit magkaiba naman talaga.

"Sige una na ako" sagot ko ng may makita akong papalapit na bus.

"Magiingat ka, wag ka sana matakot sakin." Pahuling sabi niya.

Lumipas ang mga araw ay palaging ganon ko siyang nadadatnan, minsan naiinis ako kase paulit ulit lang yung sinasabi niya. Kung ano yung sinabi niya noong una ko siya nakita ganon at ganon pa rin ang isinasagot niya saakin. May times pa nga na nadadagdagan ng bago. Katulad ngayon na pang isang linggo ko na siyang nakikita dito.

"Umiiyak ka nanaman?" Tanong ko at walang kaba at takot na bumalot ngayon sa puso ko.

"Hinihintay ko kase yung boyfriend ko, iniwan niya ako mag isa dito. At sumama siya sa babae niya" sagot niya at naulit nanaman yung sinabi niya noong una.

"Hindi ka ba napapagod na maghintay dito sa waiting shed?" Tanong ko.

"Gusto kong iklaro sa mga mambabasa na ako yung dehado at hindi yung naging boyfriend ko" paulit niya ulit sa sinabi niya noong nakaraan.

"Hindi mo pa ba nakaklaro? Ano ba kaseng klaseng babasahin yun?"

"Hindi pa." Sagot niya at tinitigan ako sa mata

"Tulungan moko Josh, gusto ko makulong si Mike sinagasaan niya ako, pinatay niya ako Josh. Tulungan moko *sob*" at tuluyan na siyang umiyak.

Nagulat ako...

PAANONG NALAMAN NIYA ANG PANGALAN KO?

Isa pa, iyan mismo ang pinibagong sinabi niya, nakakakilabot malaman yung mga ganiyang sinasabi niya. Isa pa akala ko noong una na yung binasa ko sa FB at sa mga sinasabi niya ngayon ay pareho ngunit hindi. Dahil ngayon masasabi kong siya ang mas dehado kesa sa lalaking akala ko ay iyon ang dehado.

"Matutulungan mo ba ko Mike?" Tanong niya

Hindi ako sumagot, alam ko sa sarili ko na natatakot na ako. Hindi ko na kakayanin na manatili ulit sa kaniya dito.

Bakit Mike ang tawag niya sakin? Kanina Josh ngayon Mike?

"Mike" tapos bigla siyang tumayo at lumapit sa kanang tenga ko, at bumulong.

"Nakalimutan mo na ba ang nangyare?" Pauna niyang salita, gumagaralgal at pilit na hindi umiyak

"Pinili mo ang babae mo kesa saakin na ikaw lang ang gusto, iniwan moko dito Mike." Nagsisimula na siyang umiyak pero hindi ko parin siya nilingon. Nanginginig na yung mga kamay ko dahil sa kilabot na sinasabi niya.

"Sinagasaan mo'ko mas pinili mong sagasaan ako para hindi ko kayo mapigilan sa nais niyong gawin. Kaya nang masagasaan mo'ko? Tumama yung kotse mo mismo sa waiting shed na'to." Sabay buhos ng iyak niya.

Matapang ko siyang nilingon...

Fu------cj*@*×*

Ang mukha niya...

Punong punooo..

Ng dugo at puro laslas ang katawan niya.

Ang mas masaklap pa...

Lu--lu--wa yu-yung MATA niya!!!!

"Pero bakit hindi kita maalala?" Matapang na asik ko kahit gusto ko ng pumikit sa takot na nakikita ko.

"Kase nga nabundol ka. Tumama yung ulo mo sa matigas na bagay, nawalan ka ng memorya kaya pati ako nakalimutan mo na. Lalo na ang ginawa mo sakin!" Galit na aniya

"Pero Josh ang pangalan ko, at hindi Mike"

"Mas pinili ng magulang mong ibahin ang pangalan mo para narin sa kaligtasan mo. *sob* Mike please nakikiusap ako sayo, ipakulong mo yung sarili mo... *sob* Parang awa mo na *sob* gusto kong makulong ka at matahimik na ako *sob*" mangiyak ngiyak niyang asik.

"Pero bakit?"

"Dahil nga pinatay mo'ko!!!!" Nakakatakot na aniya.

"Hindi kita pinatay Celaine"

"Pinatay mo na nga ang puso ko! Pinatay mo pa ang katawan ko! Wala kang puso Mike! Dapat sayo pinapatay din!!!" Dag dag niya, at paglipas ng ilang minuto ay nawala ito.

Nadatnan nalang niya ang sarili niya na parang may paparating na kotse sa gawi niya, at namalayan nalang niya na binagga siya nito dahilan para tuluyan siyang malagutan ng hininga.

"Ginawa ko lamang ang ginawa mo sa'akin noon. Matatahimik na din ang kaluluwa ko." Asik ng babae at tuluyang naglaho sa katawan ng babae na nasa Kotse.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon