"THIS TIME"

9 0 0
                                    

"Hi Mia"

Iniangat ko ang paningin ko sa boses na iyon, at ng makita ko kung sino, agad na sumikdo ang puso ko.

"H-hello Richard" halata ang kaba ko sa dibdib, pero isinawalang bahala ko nalang iyon.

"Pwede ka ba mamaya?" Komportableng aniya sakin na may ngiti pa sa labi.

"A-ahm saan naman?"

"Diyan lang sa Coffe Shop." Turo pa niya doon sa labasan ng park na kinauupahan namin ngayon

"Hmm I'll think about it."

"Please?" Kita ko ang pag kasabik sa mga mata niya. Gusto ko siyang kutusan ng sulit dahil nadadala ako sa ginagawa niya.

"Please Mia, I have something to tell you. So please mamayang 5pm mag coffee tayo, malapit lang naman bahay mo diyan sa labas ng park na 'to" mahabang paliwanag pa habang nakanguso.

"O-okay o-okay! Just don't pout your lips." Pahina ng pahina ang boses ko sa sinabi ko, yumuko ako dahil bigla nag iba ang ihip ng hangin.

"Hindi ka parin nag babago, apektado ka parin aa pag nguso ng labi ko kapag may hihingiin ako sayo. I love that!"

'Ano bang sinasabi niya? Past is past! At nag bago na'ko pero di dahil yun sa kaniya.'

Ipapaliwanag ko pa sana na hindi ganon ang pahiwatig ko, pero mabilisan niyang inilakad ang paa paalis saaking presenya.

"How can I move on? Kung masakit parin yung ginawa mo?"

------------

"Thank you hindi mo'ko pinaasa" nakangiti niyang tugon sa 'akin ng makaupo kame sa isang lamesa dito sa Coffee Get me.

"Kailan ba kita pinaasa?" Anas ko na ikinatahimik niya,"ako ang laging umaasa Richard at ikaw ang laging nag papaasa sa 'ating dalawa kahit noon pa man."

Iniyuko niya ng marahan ang ulo niya sa lamesa na siyang nag pabago ng ihip ng hangin sa 'aming dalawa.

"Hindi mo ako pinagpaliwanag Mia. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong---"

"Kagustong iwan ako at ipagpalit para sa iba?"

Hindi siya nakapag salita. Unti unti kong nakita ang lungkot sa mata niya, ang pagkadismaya at sakit sa dibdib niya. Inihilamos pa niya ang dalawang palad niya sa mukha tsaka siya humarap sakin na may luha na sa mata.

"Makinig ka sa 'akin Mia. Hindi ganoon ang intensyon ko kaya nasaktan kita, hayaan mong ipaliwanag ko kung bakit nangyare sa 'atin yon."

"You already leave me. Wala ng saysay ang paliwanag sa kahit anong paraan."

"This time Mia, listen to my reason plea---"

"Tinatawag po namin si Mr Richard Fumente for his request"

Liningon ko ang boses na iyon, nanggagaling sa stage at nandon ang mga banda. Sa amin din nakatapat ang spot light kaya nahiya ako ng sobra.

"Dito ka lang Mia, and Listen to my song." Sabay hawak niya sa kamay ko at marahan pang pinisil yon. Tinitigan niya akong maigi at nangungusap ang tinig non.

"This song is dedicated to my..." huminto siya at tinitigan akong maigi, "nevermind" patuloy niya.

Umirap ako sa ere tsaka ako nag pokus sa gagawin niya.

"🎶It all came so easy
All the loving you gave me
The feelings we shared
And I still can remember
How your touch was so tender🎶"

Wala paring kupas ang ganda ng boses niya, nakakahumaling paring pakinggan kahit wala na 'kong nararamdaman pa. Hindi ko maiwasan na balikan ang alaala dahil sa ritmo ng awit na dala niya.

"🎶It told me you cared
We had a once in a lifetime
But I just couldn't see
Until it was gone
A second once in a lifetime🎶"

Nakakalungkot lamang dahil kahit gaano man kami tumagal, darating sa putong kapag hindi ka na mahal hindi ka na kailanman mag kakaroon ng halaga pa.

"🎶May be too much to ask
But I swear from now on🎶"

Tinitigan niya ako mula dito sa pwesto ko, kitang kita ko ang luha na dumadaloy sa mata niya, ang sakit na pinapakita niya mula sa kaniyang nararamdaman. At hindi ko gustong maramdaman ang ganoong pakiramdam.

"🎶If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end🎶"

Sumikdo ang puso ko sa sakit mula sa lirika ng kanta niya, nakita ko rin ang pag higpit ng kamao niya, senyales na nahihirapan na siya.

"🎶Now I'm seen clearly
How I still need you near me
I still love you Mia🎶" pag iiba niya sa lirika na siyang ikinabuhos ng namumuo kong tubig sa mata.

"🎶There's something between us
That won't ever leave us
There's no letting go
We had a once in a lifetime
But I just didn't know it
'Til my life fell apart
A second once in a lifetime
Isn't too much to ask
'Cause I swear from the heart🎶"

Buong puso niyang ipinatak ang luha niya, sa sobrang sakit at hirap ng pakiramdam na nakikita ko siyang ganon. Tumakbo ako sa ibaba ng stage para harapin siya.

"Please tama na Richard let's move on." Asik pero hindi manlang niya iyon pinansin.

"🎶If ever you're in my arms again
This time I'll love you much better
If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end🎶"

Natapos ang kanta at umiiyak parin siya, yumuko siya para punasan ang luha tsaka niya ako hinarap at umupo siya sa stage para mag katapat kaming dalawa.

"Mia, g-give m-me o-one last chance." Humihikbi sa bawat salita na lalo lang nag papasikip sa dibdib ko.

"Alam mong hindi na pwede."

"I'll promise Mia this time hindi na kita sasaktan."

"Ipinangako mo rin yan noon, pero nagawa mo paring mag hanap ng bago dahil sa iba mo nakita yung gusto mo na hindi mo nakita saakin."

Hindi siya nag salita kaya nag patuloy ako.

"Kung minahal mo'kong talaga sana hindi ka nag hanap ng iba. Dahil ang tunay na pag mamahal sa isang tao mo lang dapat nararamdaman." Pumatak ang luha sa mata ko, humikbi narin ako dahil diko na alam kung anong ipapakita ko.

"Alam mo, ang daya mo nga e. Ilang beses kitang pinatawad sa parehas lang na dahilan, pero hindi ako isang damit na pwede mong labhan ulit para magamit uli."

Iniangat ni Richard ang ulo niya at tinitigan ako ng sobra. At ng makita niyang may luha sa aking mga mata, hindi niya maiwasan na mag alala.

"Kung muli kitang tatanggapin sa buhay ko, para ko naring tinorture ang sarili ko. Nasa isang malawak akong proseso kung saan kalilimutan ko ang nakaraan ko sayo. Hayaan mo'kong lumayo para makawala narin ako sa sakit na---"

"Please Mia! Bigyan mo pa ko ng pag kakataon! Nakikiusap ako. Patawarin mo'ko! Oo naipagpalit man kita sa iba pero nag sisi nako! Pakiusap pakinggan mo'ko" sabay yakap niya sa'akin ng mahigpit. At lalo lang din bumuhos ang luha ko dahil namiss ko ang kaniyang mga bisig.

Madiin kong hinawakan ang braso niya at inilayo ito sa pag kakayakap sa'akin. "Nakikiusap din ako, huwag mo na akong guluhin. Dahil nung nakita kita kanina nawala ako sa pag aaral kong kalimutan ka, gusto kang tanggapin ng puso ko dahil na aawa ako sayo. Pero hindi ako magiging masaya kung awa nalang ang nararamdaman ko."

"Ayos lang Mia! Ayos lang basta nasa tabi kita! Mahalin mo ulit ako gaya ng dati!" Iniyugyog niya ang balikat ko pero umiling lang ako.

"Tandaan mo, kahit gaano pa kagusto ng puso ko na mapasayo ako. Mas pipiliin kong tiisin 'to at piliin ang utak ko. Dahil mas lamang ang sarili ko kesa sa nararamdaman ko. Let me go Richard find your truly love. And don't disturb me anymore. Hindi ko na gustong makita na mag landas muli ang 'TAYO'"

Unti unti kong inialis ang kamay niya sa balikat ko kahit napakasakit saakin na gawin yun. Nilisan ko ang lugar kahit gusto kong makasama pa siya.

"Hayaan mong paglandasin ng tadhana ang taong nakatadhana sayo."

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon