Behind the draft of my story

11 1 0
                                    

My name is Mike, alam kong hindi ako sa totoong mundo ginawa. Alam ko kung nasaan ako talaga, pero hindi ko inaalala ang lahat ng iyon dahil may iisang tao naman dito na handang iparamdam saakin ang totoong mundo. At iyon ay si chyna.

"Handa ka na ba magiging asawa ko?" Malambing na tanong ko kay chyna, ginawaran niya lang ako ng malapad na ngiti tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Natatakot ako Mike, paano kung itigil ni M yung pag gawa sa ating buhay?"

Si M ay siyang taga sulat ng kwento naming dalawa.

Ramdam ko ang takot sa boses niya kaya iniharap ko sya saakin tsaka matapang syang hinarap.

"Alam nating dalawa na imposible natin siyang pigilan. Pero mahal pangako, kung sakali man na hindi tayo ituloy ni Eaina? Gagawa ako ng paraan"

"Paraan? Paano mo gagawin"

"Bubulabugin ko ang konsensiya niya pati na ang isip niya." Makahulugang anas ko, kita ko ang pag balik ng pag asa sa mata ni Chyna kaya ngumiti nalang ako.

Makalipas lamang ang ilang araw, ang kasal na kanilang hinihintay ay magaganap na. Wala silang sinayang na oras at panahon para masumpungan ng lahat ang kanilang pag iisang dibdib. Ngunit nasa takot parin ni Chyna ang sitwasyon na maaring makapagpahiwalay sa kanila ni Mike.

"Handa ka na ba anak?" Tanong saakin ni Dad

"Oo Dad. Konting kabado lang"

"Ganiyan talaga kapag ikakasal anak, ganiyan na ganiyan ako sa mama mo noon." Anas niya kaya ngumiti lang ako at hindi na siya pinansin.

Tanging sa Aisle lang ako nakatingin at hinihintay ang pag bukas ng pinto ng simabahan at iluwa non si Chyna. Ang babaeng mamahalin ko hanggang sa matapos ang aming yugto dito sa kwento lang.

Kahit papaano ay may konting saya dahil sya ang mapapakasalan ko, ngunit nangingibabaw ang lungkot at pag kirot ng puso ko. Dahil dito nag landas ang aming puso.

Kung saan alam nating lahat na hindi ito totoo, at kathang isip lang ito ng tao. Ng nag babasa nito.

"Ayan na ang asawa mo anak" anas ni Dad

Kusang tumulo ang luha ko, dahil pakiramdam ko wala ng hahadlang sa kwento ko. Dahil pakiramdam ko mararating ko ang dulo, tumulo ang luha ko dahil mahal na mahal ako ng taong pinili ko.

"Hi babe" unang bungad saakin ni Chyna kaya nangiti ang labi ko. Ginawaran ko sya ng yakap at halik sa noo, at binigyan ko naman ng mano ang magulang niya.

Nag simula na nga ang seremonya. Pero habang tumatagal bumibigat yung pakiramdam ko, na halos hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Hindi ko ito pinansin dahil malapit na kami mag sabihan ng 'I love you'.

'Konting tiis pa Mike'

"You may now kiss the b---"

Hindi pwede!

Bakit ganito?!

Anong nangyayare?!

Bakit ako lang ang nakakagalaw?

Bakit sila?

Tinignan ko ang paligid, lahat sila. Lahat sila mga nakatayo, walang hiningang lumalabas, walang emosyon na nakikiita, walang pag galaw na mapupuna. Walang ingay na naririnig at walang kahit na anong pag tibok ng puso ang nais na tumibok.

"Babe!" Sigaw ko sa babaeng mahal ko na nakatingin lang sa Pari at hinihintay ang nais nito.

"Babe! Gumalaw ka please! Gumalaw kayong lahat!" Ramdam ko ang luha ko senyales na hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Eto na yung kinakatakutan ko. Pero bakit ako lang?" Mahinang bulong ko.

Kusa kong nailuhod ang mga tuhod ko, kasabay ng pag buhos ng luha ko. Doon ko napansin ang lahat, ang lahat lahat. Kitang kita ng dalawa kong mata ang reflection ng isang binata, na halos hindi na humihinga dahil ang pag tibok ng puso niya ay wala ng buhay pa.

"Mike gumising ka!" Rinig ko ang bawat iyak ng isang ina sa kaniyang anak na nag ngangalang Mike.

'Mike? Kapangalan ko sya.'

"Hindi ba't sinabi mo saamin na tatapusin mo pa sila?" Anas naman ng Tatay nito at halos humahagulgol na.

"Anak naman e, bakit hindi ka lumaban? Paano na si Chyna sa kwento mo? Paano na din si Mike? Paano na yung Love story niyo? Paano na? Hindi na maitutuloy dahil ikaw mismo na gumawa ay wala naaaaa" umiiyak na daing ng ina.

Nagsitaasan ang balahibo ko sa aking narinig, hindi ko mawari kung ano talagang nangyayare pero may konting idea saakin.

"Ano nalang gagawin ko? Anak, malapit kana sa ending oh" sabay pakita pa nito sa cellphone na hawal hawal nung Mike.

"Ibig sabihin, konektado ako sa gumawa ng storyang ito?" Anas ko sa sarili

"Ibig sabihin, wala na si M kaya hindi narin matutuloy ang kwento ko? Ang kwento mismo ni M?" Malungkot na dag dag.

"Ibig sabihin, mag lalaho narin ako" sabay patak ng luha.

Tumayo ako mula sa pag kakaluhod, tsaka ko hinarap ang nakatayo parin na si Chyna. Kahit nanlalabo na ang mata binigyan ko parin ito ng malambot na halik sa kaniyang labi. Hinawi ko pa ang kaniyang nakatabing na buhok tsaka ako umiyak, na ramdam ang sakit sa hinaing ko.

"Akala ko babe, may magagawa ako. Akala ko may kakayahan akong maging ending ang story ko mula sayo, akala ko makakasama kita hanggang sa tapusin niya tayo. Pero mukhang hanggang dito nalang din siguro yung kwento ko, eto na siguro yung huli at dulo ng storyang ito. Hindi man kita maisasama sa pupuntahan ko? Pangako, kapag may pag kakataon na mabasa ko ito? Ako na ang tatapos sa kwento mo. Pero hindi na ako ang mahal mo at iba na ang bida sa kwento niyo."

Ramdam na ramdam ko ang unti unting pag kawala ng paa at kamay ko, at sa pag lipas ng oras sumabay narin sa pag kawala ang puso ko.

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon