"RP FT NEARGROUP "

12 0 0
                                    

"Hi"
"Hello"

Tipikal na ang ganitong bungad kapag mag chachat ka sa neargroup, pero kakaiba ang kabaliwan ko. Dahil RP na nga ang gamit ko para makahanap ng jojowain ko? Gumamit pako ng Neargroup dahil hindi ako kontento.

'Ganoon naman kapag trip mong manloko'

"Hi Jerome" reply ko sa hello niya

"Hi Azlea"

Psh, ang boring naman pala nito. Balibalita sakin na nakakahumaling daw ang neargroup lalo na kapag ang hanap mo ay kalandian. Pero bakit ang isang 'to ang seryoso!

"Saan ka nakatira?"

"Sa bahay namin."

Tang--- inumin ko wag milo! Heyeop! Oks din 'tong isang 'to lakas ng amats mag biro. Do i look laughing huh darleng?

"Hahah what I mean is saan nakalagay ang bahay mo."

Natatawa ako sa sarili kong reply, pero sana seryosohin na niya dahil konting biro pa mahuhulog nako talaga.

"Sa taguig city ako nakatira."

Literal na napalaki ang mata ko sa nakita ko sa message niya. Di nga? Really? Malapit lang siya sakin! Oh fudge! Ihanda ang wedding gown I finally found my man!

"Pakasal na tayo!" Anyaya ko at halata pakong kinikilig habang nag tatype.

"Seriously?"

Arghh!!! Ang sarap niyang tuhugin sa pwet, hindi manlang sumakay sa gusto ko.

"Baliw na tayong dalawa noh, nag RP tayo tapos gumagamit ng neargroup parang timang lang." Reply ko ngunit tumagal iyon ng 10 minuto.

"Hoy darleng reply asap!" Reply ko uli at ng makitang umaalon ang tatlong tuldok ay biglang kumalabog ang puso ko.

"I'm bored kaya ako nag neargroup." Sagot niya dahilan para mapangiti ako.

Tadhana na this shet! Thank you Lord sa maagang pag bibigay saakin ng asawa't anak.

Nag tagal ang aming usapan, hindi ko na nga rin alam kung kailan kame nag start at hindi namin ineend yung chat namin sa neargroup. Halos doon ko binuhos ang bakasyon ko sa kakachat sa kaniya.

Halos araw araw narin akong napupuyat at hindi ko naman iyon gawain dati, tipong napag aralan ko nalang nung bigla siyang dumating. Hanggang sa lumalim ng lumalim yung love ko for him pero nasa neargroup parin kame.

"Jerome! Argh! Namiss kita kahit kakachat ko lang sayo ng mga 3 second. Hahahah do you miss me?"

"Tsk, sinong di makakamiss sa madaldal mong bunganga!!!"

Tsk! Ganda rin ng pagpapalaki ng ulo sakin nito ano!

"Alzea may sasabihin ako."

Bigla atang sumeryoso ang paligid ko dahil sa nakita kong reply niya, umayos ako ng pag kakaupo mula sa kama ko, at itinapat sakin ang bintilador dahil alam kong nawewet ay este naiinitan ako.

"I like you Alzea, pwede ba tayo mag kita?" Dag dag niya sa reply niya.

Ang mga puso ko nagliliparan! Para silang mga paniking sinabawan, ay shet pinakuluan pala. Ay hindi yung puso ko parang ano, ano bayon? Basta may pakpak silaaaa nakikita sila ng mata ko.

"Talaga you like me Jerome?! Mahal din kita!"

"Like palang kita engot."

Aray ah! Mapanaket mastado ang lintek na putek!

Sa araw na ding iyon nag I love youhan na nga kame, ayieee hahaha sinsabi ko na nga ba sa neargroup ko lang siya makikita at hindi sa RP! walang kwenta ang RP no OP related daw, tapos yun daw golden rule? Nye may kung sino nga dyan ang ganda ng port pero mukha namang ungas sa real life. Oy choss lang.

"Nga pala Alzea gusto ko na makipag meet up sayo, then ipapakilala na kita kay mommy"

Ugh jerome ang smooth mo sa future natin ah! Asus after nito kasalanan okay. Sure mong bubuntisin moko after this hikhik.

"Sure kailan ba?"

"Now na 1pm palang naman. Sabi mo rin na taga taguig lang tayo parehas, so pwede ka ba?"

"Oo naman pwedeng pwede, sige gogora na ako. Saan nga pala tayo mag kikita?"

"Sa Hanz, sa entrance ng baybreeze."

"Okay"

Ramdam ko ang kaba ko kahit nasq banyo ako, dahil ito ang kauna unahan naming pag kikita sa halos anim na buwan naming pag usuap sa Neargroup.

"Nandito na'ko sa Hanz Jerome." Reply ko

"Papunta palang ako, si mommy kase pinagigib pako."

Lumipas ang 15 minuto ay wala parin si Jerome kaya naman nag chat ulit ako sa kaniya.

"Saan kaba? Ang tagal mokong pinaghihintay!"

"Teka sandali naglalakad na."

Oy shet! Naglalakad na siya patungo sa puso ko. Inayos ko ang magulo kong buhok at nag lagay pako ulit ng liptint kahit meron pa.

"I'm ready."

Saktong pag chat ko non kay Jerome biglang may tumapik sa balikat ko.

"Oy insan anong ginagawa mo dito?" Bungad ni Carlo

"Ah may kikitain lang."

"Ay weh? Parehas tayo, dito rin kame mag kikita."

Sheemmmss bakit parang di na nakakatuwa 'tong meet up na ito?

Since parehas kameng dalawa na may kikitain, hinintay naming parehas yung taong kikitain namin. Pero lumipas ang ilang oras wala parin si Jerome.

"Bwst na ah! Ang tagal niya sabi niya nag lalakad na siya!" Daing ko sa sarili.

"Tsk! Sabi niya nandito na siya." Rinig kong daing din ng pinsan ko.

Dali dali akong nag bukas ng RP at chinat si Jerome.

"Hoy ungas! Kung natatakot ka ng makipag kita saakin bwst ka! Panindigan mo'to."

Chat ko at biglang nag alunan nanaman yung tatlong tuldok senyales na nag tatype siya. Pero ang tagal non kaya napalingon ako sa gawi ng pinsan ko, at marahan siyang nag tataype at galit pa ang mukha. Madiin pa niyang pinindot ang send botton.

"Bwst! Parang kasalanan ko pa!" Asik ni pinsan sa sarili.

"Kanina pa nga ako dito wala ka naman dito!" Kita ko ang reply ni Jerome sa chat sakin.

'Teka nga!'

"Hoy Carlo?! Ano pangalan ng kikitain mo?" Baling ko sa kaniya.

"At bakit mo natanong?" Inis niyang sabi sakin

"Gusto ko lang malaman!"

"Alzea Montefalco! Sa neargroup kame nag uusap. Pero RP ang gamit naming dalawa."

Masusuka na ata ako sa narinig ko, pakineng shet! Siya si Jerome?! Ang pinsan kong mukhang unggoy!!! Arghhhh nag i love you pako sa kaniya ang lintek shete!!!

"Ah sige Carlo una nako sa bahay. Baka di na ako siputin non, gabi narin." Palusot ko sa kaniya.

At nang makalayo layo ako ay agad akong nag open sa messenger at inend ang chat namin ni Jerome kuno na Carlo naman pala bwst!!!

"Arghhh!! Azleaaaa hahanapin kitaaaaaa bakit mo inenddd!!!" Rinig kong sigaw niya

Paktay na shett!!!

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon