"Iha maaari ba kitang imbitahan sa hula ko?"
Kanina pa ako kinukulit ni manang sa likod ko. Kasalukuyan kase akong nasa Parke at nagpapaligoy ligoy lamang, pero kamalasmalasan nga naman na may makikita ako na katulad niyang nilalang.
"Sandali lamang na oras ang aking hinihiling. Gusto ko lamang ipakita sayo ang nakaraan na pilit mong kinakalimutan pero hindi ka nagtatagum---"
"Pwede ba lola? Hindi naman totoo yang mga sinasabi mo!" Malapit na akong mainis sa inaasta niya, ngunit pinipigilan ko dahil matanda siya.
"Maniwala ka, totoo ako kung mag sabi ng salita. Halika hayaan mong patunayan ko sayo."
Sa kagustuhan kong manahimik na siya, sumunod ako sa kaniya. Idinala niya ako sa madilim na lugar dito sa Parke nakakamangha kase hindi ko pa ito nakikita sa paulit ulit kong pamamasyal dito.
"Maupo ka iha."
Umupo ako sa isang upuan na halos masisira na ata kung uupuan ko pa, ngunit dahil nga sa nangangalay na ako ay umupo ako at hinarap siya.
"Nais ko lang sana iha na pag katapos nito gustong kong kapag naalala mo ito ay wala ng kirot at hapdi sa puso mo."
Hindi ako kumibo, nakatingin lang ako sa mga mata niya, parang nilalamon ako non at idinadala sa kaloob looban niya. Hindi ko magawang isalsi ang mata ko dahil ikinulong niya ang paningin ko sa kaniya lang.
Unti unti kong nararamdaman ang pag iba ng hangin, ang kaninang magandang paligid at maliwanag ay napalitan ng masalimuot na karaan at kadiliman na pilit ko ng binubura.
"Lola! Anong ginagawa mo? Nasaan ako? B-bakit, b-bakit itong lugar na ito ang nakikita ko?"
Natataranta na ako sa nakikita ko, ayokong bumalik dito! Ayokong makita 'to! Hindi ko gugustuhing balikan ang ganitong klaseng panahon na nagpagulo sa buhay ko!
"Tigilan mo na lola! Pakiusap ibalik mo ako sa kasalukuyan!!!"
Ngunit wala akong narinig na tinig ni Lola. Unti unti ko na talagang nakikita ang lugar kung saan ako dinala, kung saan nawala ang lahat. Kung saan ako nawalan ng pag asa sa lahat ng bagay, kung saan ako ginahasa dahil sa aking murang edad.
"Tulong, tulungan niyo ako pakiusap. Mama ayoko na dito."
Nilingon ko ang tinig ng boses ng bata mula sa di kalayuan. At ng masilayan ko kung sino ito, lumaki ang dalawang mata ko dahil sarili ko ang nakikita ko.
Ang kaawang awang bata at walang magawa ay minumulestya ng isang matandang walang puso at dapat ng pinapatay!
"Pakiusap tulungan niyo ako!"
Nanghihina na ang boses niya, halos wala ng marinig na tinig sa kaniya. Kusang lumabas ang butil ng luha sa aking mata dahil sa nakikitang di maganda, napatakip pa ako sa bibig dahil kitang kita ko ang pambababoy saakin noong ako'y 9 years old pa lamang.
"P-please p-po m-mama umalis na po kayo sa ibabaw ko"
"Bakit ako aalis? Eh ang sarap ng ginagawa ko sayo. Manahimik ka nalamang at hayaan mo ang ginagawa ko sayo! Huwag ka lamang mag sumbong sa mama mo dahil papatayin ko kayong pareho!!"
Walang nagawa ang bata, dahil narin siguro sa pagod kaya nag paubaya nalang siya. Wala siyang magawa sapagkat isa lamang siyang bata at takot na mamatay kung sakali mang mag demand pa siya.
'Wala ba akong magagawa?'
Tumagal ng tumagal ang milagrong nangyayare sa pagitan ng bata at matanda, at maya maya lamang ay napalingon sa akin ang gawi ng bata.
"Sarili ko, pakiusap kahit dito tulungan mo ang sarili mong makaalis dito. Kahit dito nalang sa gawa ng imahenasyon, tulungan mo'ko."
Namilipit sa sakit ang puso ko dahil sa kahilingan ng batang ako noon. Sunod sunod ang luhang umagos sa mata ko dahil kahit ganito na ako hindi ko parin pala makalimutan ang sakit, nandito parin pala yung hapdi kahit lumipas na ang sampung taon kong pag tatago sa pekeng ngiti ng labi ko, talo parin ako.
"Iaalis kita dito Maria, iaalis kita dito sa masalimuot na nangyare saakin. Iaalis kita dito kahit gawa lang ito, tutulungan kitang makaalis dito para umayos ang lagay mo."
Tumango lamang siya at nginitian ako, lumawak din ang ngiti sa labi ko dahil iyon ang ngiting pilit kong kinalimutan noon dahil sa nangyare noon.
Nag hanap ako ng bagay na pwedeng ipanghampas sa ulo niya, at nang makakita ako ng kahoy ay agad ko itong kinuha at buong puwersang inihampas sa ulo ng matanda. At agad itong bumulagta.
Mabilisan kong itinayo si Maria at agad ko siyang binihisan, umalis kame sa pinangyarihan at agad na nireport sa brgy at pulis.
"Salamat ate Maria tinulungan mo'ko"
Namiss ko ang dating ako, namiss kong maging bata ulit, namiss ko yung mga masasayang ginagawa ko lang noon. Pero simula nung nangyare saakin iyon nakalimutan ko na kung paanong maging bata, at umakto na parang matanda.
"Hindi ka na malulungkot pa ate maria, kapag bumalik kana sa kasalukuyan nais kong baguhin mo ang tayo. At maging masaya sa buhay mo, huwag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyare sayo noon."
Niyakap niya ako ng mahigpit at ng kumalas ako sa mga bisig ng batang ako, si Lola na ang kayakap ko.
"Ngiti kana iha. Tapos na ang lahat maaari ka ng ngumiti ng hindi pilit at mamuhay na walang takot."
Iyak ako ng iyak ng niyakap ko si Lola hindi ko maialis ang ngiti sa labi dahil okay na, pwede ko na ulit harapin ang lahat. Pwede ko ng maalala ang nakaraan ng hindi umiiyak at nahihirapan.
"Salamat Lola."
"Mag iingat ka palagi, nabago mo man ang kapalaran noon ngunit ang kasalukuyan ngayon ay hindi mo maaaring pakeelamanan sapagkat walang nakakalam nito kaya mag pakasaya ka sa araw ng iyong kabataan."
Nilisan ko ang lugar ni Lola na may ngiti sa labi, at alam kong sasarili ko na wala ng bigat sa aking dibdib. Na kahit sa imahenasyon ay nabago ko ang kapalaran, ayos lang atleast naligtas ko ang 'ako' sa taong 2009.
BINABASA MO ANG
Compilation of one shots story
Historia CortaTo make a short stories is hard, that's why I considered these as my hard work! I hope y'all love this. Start: August 28, 2019 Walang ending!