💛 Song 💛

15 0 0
                                    

"You are the one for me, You're the only girl i see" biglang bulong sakin ni Carlo sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Maam agustin.

Nakapalumbaba kase ako at matiim lang akong nakatunganga sa kaniya, habang katabi ko si Carlo na binubulungan ako sa kaliwang tenga.

"You are the one I want, You are more than enough" patuloy nanaman niya pero di ko parin siya nililingon dahil kahit bagot ako, nakapokus ako kay Maam.

"You are the one for me, You make me happy" nang sabihin niya iyan napaharap na ako sa kaniya.

"Carlo, wag mo akong i-Lyrics Prank dahil di nakakatuwa" saad ko tsaka ko siya inirapan at nag palumbaba nanaman.

"And I want you to love me, I want you to hold me. I want you to keep me close to you" Dagdag niya pero hindi ko nalang pinansin dahil tinitigan ako ni maam.

"Mr Agaliso and Ms Lovendino mag Jowa ba kayo?" Kusang nag lakihan ang mata ko ng sabihin ni maam iyon.

"Maam! No!!! Why did you say that?!" Asik ko at tumayo pa ako na akala mo ay galit na galit talaga.

"Wag moko sigawan Ms Lovendino nasa harap mo lang ako"

"I'm sorry Ms Agustin. Pwede ba akong mag CR?" Nahihiyang tanong ko nalang

"Go"

Mabilisan kong nilakad ang daan papunta sa CR ng babae, nang marating ko iyon ay agad akong nag hilamos at tumingin sa salamin.

"Bakit ganon si Carlo? Ang weird ng kantang napili niya! Isa pa hindi niya dapat sakin sinasabi yon dahil gusto siya ng kaibigan ko"

Malungkot na saad ko at tinitigan ang sarili sa salamin. Agad agad nalang akong umalis doon at tinungo ulit ang daan papunta sa Room. Pero ng ihahakbang ko na yung paa ko patungo sa pinto, nakita ng mata ko ang masayang ngiti ni Carlo na kausap si Czayrine.

"Bakit naman siya nasa labas?" Bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa loob. Pero laking gulat ko ng wala akong makitang tao.

"Nasaan na sila?"

"Umalis na tagal mo daw e" sabat ng tao sa likod ko. Hinarap ko ito na siyang naging dahilan para lumapat ang labi ko sa labi niya.

Titig na titig ako sa mata niya at ganun din siya, pero wala akong nakikitaan ng pagkagulat sa kaniya tanging Saya at kilig lang ang nababasa ko sa mata niya.

Ako ang unang umalis sa pwesto tsaka ko siya sinuntok sa dibdib.

"Bakit mo ginawa yon?!" Inis na daing ko

"What? Ikaw ang humarap sa akin, at ikaw ang may gawa non." Depensa niya at napahawak ako sa labi ko.

"Shit! First Kiss ko yun Carlo bakit sayo pa?!" Inis akong nagpapapadyak at sinusuntok siya sa dibdib

"First kiss ko din naman yun nag inarte ba ako?" Seryosong tugon niya na may ngiti pang kasama.

"Pake ko kung first kiss mo yun? Ang point ko dito is yung sakin bakit sayo pa Carlo??"

Ngunit tinitigan niya lang ako sa mata tsaka nag pakawala ng sobrang lawak na ngiti.

"Bakit din sayo pa?" Asik niya tsaka humakbang sakin at tsaka nag salita.

"Ang kyut mo pala kapag ganiyang nagagalit ka" Banat niya at natigilan ako.

"I want you to need me, I want you to miss. I want you to kiss me like you do" pagpapatuloy niya doon sa kantang binulong niya saakin kanina.

"Wag kana kumanta uulan!" Galit man ako pero diko mapigilan ang saya at kilig na nararamdaman ngayon ng puso ko.

Wala man akong mood kanina ng kantahan niya ako, ngayon ay nag karoon dahil diko maisip mabuti na nagagawa na niya akong tabihan ng ganitong kalapit at sa hindi sinasadya ay nahalikan ko pa siya.

"🎶I need you here, Here right now. I'm breaking down without your love, I need you here. Here right now, I'm breaking down without your touch.🎶"

"Bakit mo ginagawa to? Alam mong gusto ka ni Czayrine na kaibigan ko, bakit sakin ka lumalapit?" Aniya ko tsaka siya natigilan sa pagkanta.

"Kase ikaw ang gusto ko at hindi siya, hindi mo ba halata na mas masaya ako sa tuwing nakikita kita?" Asik niya at napatanga ako sa nalaman kong iyon.

"Kung ganon? Bakit sa tuwing nakikita kita na kausap mo siya bakit ngumingiti ka gaya ng pag ngiti mo sa akin ngayon?"

"Magkaiba ang pagbibigay ng ngiti ko sa kaniya at sayo. May emosyonal akong isinasalin sa tuwing ikaw ang tititigan ko, at kay Czayrine ay normal na pag titig lang na gawain ng tao."

"Paano kung malaman ni Czayrine to?" Naguguluhang dagdag ko.

"Hindi na kailangan Elisel," kusang naglakihan ang mata ko at nilingon ang boses na iyon na nanggagaling sa labas ng pinto.

" una palang alam kong mahal ka ni Carlos. Sadyang tinatry lang kita kung paano mo sasabihin sa akin ang mararamdaman mo kapag sinabi kong gusto ko ang taong gusto mo. At natutuwa ako dahil hindi ka gumawa ng bagay para makuha mo si Carlos sayo, tipong pinaubaya mo pa siya saakin dahil ang akala mo ay may nararamdaman ako para sa taong lihim na gusto may gusto sayo." Mahabang paliwanag niya.

"Seryoso ka? Hindi mo gusto si Carlos? Lahat ng pagpapakita ng emotional mo sa kaniya ay kalokohan lang?" Sunod sunod na tanong ko at sunod sunod din na tango niya.

"Kaya Elisel, Can I court you?" Biglang singit ni Carlo na siyang naging dahilan para maramdaman ko ang nag mamabilisang pag tibok ng puso ko.

Papayabag bako? Syempre marupok ako GOOOO CRUSHHH!!!

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon